Chapter 22

298 4 1
                                        

Angel POV

"Okay ka lang ba? Bakit parang kanina kapa galit dyan." Tanong ni Anne.

Kanina pa kami nag tatanim ng mga puno at kanina parin ako pagod.

"Wala ito pagod lang ako."Sabi ko habang nakatutok parin ang antensyon ko sa pagtatanim ng punong nasa kamay ko.

"Sus, Ang sabihin mo kaya ka ganyan ay dahil sa nasa tapat natin." Sabat ni Coleen.

Inirapan ko lang siya.

Tama naman yung sinabi niya. Kaya ako badtrip ay dahil sa nasa tapat namin.

Alam mo si Hannah kapag ako hindi nakapag pigil dyan sa babaeng iyan kakalbohin ko yan.

Aba kanina pa, Hindi ko na nga pinapansin talagang papansin, e.

"Ouch babe, Ang sakit ng hita ko na ngalay yata." Talagang nilakasan pa.

Paanong sasakit, e wala naman siyang ginawa kundi ang humarot sa Kurt ko.

Hindi nga siya nag tanim ng kahit isang puno.

Sarap sampalin,e.

Yung Kurt ko naman kaunting daing lang ng babaeng iyon, Ayun amo kaagad.

Sa bagay mag kasintahan nga pala sila.

Makaalis na nga lang lalo akong nababadtrip sa pangit na babaeng yun.

"Teka, Angel saan ka pupunta? Tawag saakin ni Coleen ng makita ang pag-alis ko.

"Kukuha ng mga puno, Bakit sasama ka? Tanong ko.

"Ay keri mona yan." Sabi niya at bumalik sa pagtatanim.

Totoo namang kukuha ako ng puno kasi ubos na yung punong kinuha ko.

Kaunti na lang ay matatapos na kami sa pagtatanim.

Kumukuha ako ng mga puno sa truck ng may magsalita sa tabi ko.

"So, Anong feeling ng makita mo ang crush mo na inaalagaan ang girlfriend niya." Aba at talagang nag hahanap yata ng sakit ng katawan ang babaeng ito, a.

Umalis na nga ako sumunod pa.

"Dati ka bang aso?"Sarcastic kong tanong.

"What?" Ay bingi rin pala.

"Ah wala ang sabi ko ang ganda mo, Ang ganda morin siguro kapag nakalbo ano? Ngisi kong sabi.

"Alam mo, Kahit anong gawin mo hindi ka mapapansin ng boyfriend ko."

Tsk.

"Alam mo tahimik ako kanina dito. Pero nong dumating ka ang pangit mo." Wala akong masabi e kaya ayun na lang kahit malayo.

Totoo rin naman sinabi ko na pangit siya e.

"What did you say. Ang layo ng sinabi mo gurl." Pairap na sabi niya.

Tusukin ko mata neto.

"Malayo, Pero totoo namang pangit ka."

"Ulitin mo yung sinabi mo."sigaw niya.

Pikon na naman siya hahaha.

"Alin? Yung pangit ka, Bakit talaga namang pangit ka a." Sabi niya kase ulitin ko kaya inulit ko.

"Hayop kang babae ka. Akala mo naman ang ganda mo."Gigil niyang sabi.

"Maganda naman talaga ako, Hindi katulad mo pangit na nga mukha pang paa." Pang-aasar ko.

"Hayop ka! Ikaw ang pangit." Sigaw niya sabay sugod saakin.

Kaso lampa natisod sa bato, Kaya ayun si gaga nagsubsob ang mukha sa lupa.

"Sugod ka nang sugod lampa ka naman hayst."

Hindi ko siya tinulungan tumayo. Bahala siya dyan siya naman may gawa niyan sa sarili niya bakit ko siya tutulungan.

"Ouch it's hurt." Daing niya.

Makaalis na nga lang bahala siya sa buhay niya.

"What's happening here?" Hindi pa'ko nakaka layo kung nasaan si Hannah ay bigla namang dumating sina Kurt.

Kasama ang kaibigan niya at ang dalawa kong kaibigan.

Ng tingnan ko si paa ay bigla na lamang siyang umiyak.  

Agad naman siya inalalayan ni Kurt patayo.

Wow best actress rin pala ang isang 'to.

"She push me babe, Kukuha lamang dapat ako ng mga tree kaso bigla niya akong itinulak." Pekeng iyak niya.

Kung hindi lamang masamang pumatay ng tao, Kanina ko pa napatay 'to.

Sana pala itinulak ko na lang talaga siya.

"Why did you push her? Galit na bumaling si Kurt saakin.

"Hindi ko siya itinulak, Nasubsob siya nang sarili niya."Paliwanag ko.

"Bakit ko naman isusubsob ang sarili ko kung alam kong masasaktan ako." Sabi ni Hannah with paawa effect.

"Bakit mo siya itinulak? Ulit na tanong ni Kurt habang ang mga mata ay nanlilisik.

Para siyang mangangain ng buhay.

Kinabahan naman ako kase ngayon ko lang siya nakita na ganon ka galit.

Mahal niya talaga ang babaeng yan a.

What if ako si Hannah tapos ako yung inaalalayan at ipinagtatanggol niya.

"H-hindi ko nga siya itinulak, Bakit ba hindi ka naniniwala." Ulit kong sagot.

Bakit nga naman pala siya maniniwala saakin, e wala lang naman ako sa kanya. Tyaka girlfriend niya yung nasaktan.

"Ganyan kana ba ka desperada saakin at kahit saktan ang girlfriend ko ay kaya mong gawin." Galit niyang sabi.

Nakita ko si Hannah naka ngisi at nang-aasar ang tingin saakin.

"No, I'm not desperate at hindi ko magagawang manakit ng kahit na sino mapansin mo lang."

Kalma self huwag kang iiyak kaya mo yan malakas ka.

"Alam mo itigil mona yang kahibangan mo. Kase kahit kailan hindi kita magugustuhan. May girlfriend na'ko and I love her." Walang emosyon niyang sabi.

"Tyaka nga pala, Sawang sawa na'ko sa pag mumukha mo ayaw ko ng makita ka. Kung pwede lang na magpalipat ng school ginawa kona. Tyaka sawang sawa narin ako sa mga pag papansin mo. Pero kaunting tiis na lang naman at hindi na kita makikita pa."

Doon bumagsak ang mga luha ko. 

Grabe sinisi ako Kahit hindi ko naman ginawa. Tapos ipinamukha pa talaga na ayaw niya talaga saakin.

Ang sakit grabe.

Ng hindi ko na kaya ay umalis ako at tuloy tuloy na nag lakad kinig ko pang hinabol ako ni Anne at Coleen.

Sunod-sunod ang pag tulo ng mga luha ko habang naglalakad.

Bakit ka umiyak self, hindi ka dapat umiiyak kase malakas ka.

Kahit hindi ko na makita ang nilalakadan ko dahil sa mga luhang nasa mata ko ay diretso parin ang lakad ko.

Bahala na kung saan ako dalhin basta maka layo lang ako sa kanila.

Gusto ko muna makapag isa.

"Angel! Wait ayos ka lang ba? Tanong ni Anne habang naka sunod sila saakin.

"Pwede bang hayaan n'yo muna akong mag-isa, please."

Ng maramdaman kong wala ng nasunod saakin ay ipinag patuloy ko na ang paglakakad.

Alam rin siguro nila na gusto ko muna talagang makapag isa.

Sorry for the typos and wrong grammar.✌🏼

This is new story Please Vote and follow me TYSM❤️









My Snobber CrushWhere stories live. Discover now