Chapter 14

100 0 1
                                        

Angel POV

Inalalayan niya ulit ako pabalik sa table namin. At habang pabalik kami ay hindi ko inaasahan ang nangyari dahil bigla na lamang akong natapilok at napahawak ako sa kanya kaya pareho kaming tumaob.

Ipinikit ko ang mga mata ko at inintay ang pagbagsak ng aking katawan sa sahig habang nakahawak sa mga braso niya.

Pagkabagsak ko ay nakapikit parin ang mga mata ko. Dahan dahan kong kinapa ang nabagsakan ko dahil malambot ito.

Wait alangan namang sa foam ako bumagsak eh tiles 'to kanina.

Hindi kopa sana imumulat ang mga mata ko ng biglang gumalaw ang nasa ilalim ko.

Pag mulat ko ng mga mata ko ay mukha ni Kurt ang sumalubong saakin. Kaya naman pala malambot eh sa katawan niya ako bumagsak.

Nakatingin ngayon si Kurt saakin habang nasa ibabaw niya ako. Hindi ko maiwasang hindi mailang dahil sa pwesto naming dalawa.

Kaunti na lang kase ay mahahalikan kona siya sobrang lapit ba naman ng mukha namin sa isa't-isa.

"Are you okay?Tanong niya saakin.

Magkalapit parin ang mukha naming dalawa. At amoy ko ang mabango niyang hininga ng tanongin niya ako.

"O-okay lang ako, Ikaw ba okay ka lang." Naiilang ko ring tanong sa kanya.

Hindi pa sana ako aalis sa ibabaw niya ng bigla siyang mag salita.

"Yeah, but can you get up." Nahihirapang sabi niya. Siguro ay nabibigatan na saakin.

Umalis naman kaagad ako sa pagkakadagan sa kanya.

Tatayo na sana ako ng kumirot ang paa kong natapilok. Agad naman niya akong nilapitan at tiningnan ang paa kong namula dahil sa pagka tapilok ko.

"Masakit ba? Tanong niya habang tinitingnan ang paa ko.

"Oo eh." Sabi ko habang hinihilot ang paa ko.

"Halika bubuhatin kita."

Binuhat niya nga ako ng pang bridal style at dinala sa table namin.

Pagkarating namin sa table ay dahan dahan niya akong iniupo at inalis ang heels sa paa ko at hinilot ito.

"Masakit pa ba? Tanong niya habang hinhilot ang paa ko.

"Medyo,Pero hindi na siya katulad kanina."

Hindi na kase siya masayadong makirot hindi na katulad kanina.

"Kaya mo bang maglakad? Tanong ulit niya.

Bakit pag ba sinabi kong hindi bubuhatin mo ulit ako. Sabi ng isip ko.

"Kaya naman." Sabi ko na lang

Ayoko naman na mahirapan siya pag nagka taong bubuhatin nga niya ako. Siyempre ayokong mahirapan ang bebe ko.

Kahit gusto ko pang mag sayaw at sulitin ang gabing ito na kasama siya ay hindi ko na kaya pa dahil sa panirang paa ko.

"Uy bes, Anong nangyari sa'yo? Tanong ni Coleen.

Kadadating lang nila sa table namin kasama ang mga kaibigan ni Kurt.

"Natapilok." Sagot ko.

"Yan t*nga hindi kase nag iingat."

Akala ko concern na.

"Grabe ka naman nasaktan na nga yung tao, Hindi kana naawa." Paawa kong sabi kay Coleen.

"Kasalanan mo lampa ka kase." Prangka talaga ng isang ito.

Nakakahurt naman ng feelings. Kung hindi ko lang talaga kaibigan to nasabunutan ko na.

My Snobber CrushWhere stories live. Discover now