Angel POV
Nasa mall ako ngayon dahil gusto kong mabawasan ang pag-iisip tungkol sa nangyari kagabi. At makapag gala narin dahil na bo-bored ako sa bahay.
Pumunta ako sa may dress section at namili ng gusto ko.
Habang namimili ako ng dress na gusto ko ay biglang may nag salita sa may gilid ko.
"Angel, Sabi na ba at ikaw yan eh." Tawag ng kung sino man.
Pagtingin ko ay si Kendrick pala kasama rin sina Aus at Jade.
Ano ba naman yan kaya nga hindi ko isinama yung dalawa kong kaibigan dahil gusto kong makapag solo ngayong araw hindi pa'ko pinagbigyan.
Pag tingin ko sa kanilang tatlo ay agad kong hinanap kung kasama ba nila si kurt.
Halos magkanda pipilipit na ang leeg ko sa paghahanap sa kanya ng mag salita si Aus.
"Hindi namin siya kasama." Sabi niya
"H-ha, A-anong hindi kasama? Maang maangan ko.
"Sabi ko hindi namin kasama si Kurt." Sabi ulit ni Aus.
"B-bakit h-hindi ko naman siya hinahanap ah." Utal kong sabi.
"Sus, Hindi hinahanap eh halos mabali nga yang leeg mo kakatingin sa may likod namin." Pang-aasar saakin ni Kendrick.
"Hoy hindi ah, inuunat ko lang ang leeg ko nangangalay na kase." Pag dadahilan ko.
"Tatanggi pa eh, Huling huli na." Sabat ulit ni kendrick. Lakas rin talaga mang-asar ng isang 'to eh no.
Si jade naman ay tahimik lang na nakikinig saamin.
Mga panira naman 'tong mga lintik na'to.
"Oo na hinahanap na, Dyan na nga kayo."
Tumalikod na'ko sa kanila at aalis na sana ng harangan ako ni Kendrick at Aus.
"Oh, Bakit na naman? Tanong ko.
Hindi ako makaalis dahil nakaharang pa sila sa daan.
"Hindi ka pwedeng umalis unless mag babayad ka saamin ng utang mo." Sabi ni Kendrick.
Anong utang ang sinasabi ng baliw na'to. Hindi nga ako nangungutang sa kanila ng pera eh.
"At anong utang naman yan aber? Tanong ko
Dahil hindi ko matandaan na umutang ako sa kanila.
"Ang ganda mo sana eh, Kaso ulyanin nga lang."
"Ano nga kaseng utang yon? Tanong ko na naiinis na dahil wala talaga akong maalala na umutang ako sa kanila.
"Just straight to the point Kendrick." Biglang imik ni jade at parang naiinip na.
Aba ay mainip siya d'yan sa hindi ko nga matandaan ang sinasabi nilang utang.
"Ito ha alalahanin mo, Diba kinausap mo kami no'ng mag bi-birthday ka. Tapos humingi ka ng pabor na papuntahin namin si Kurt sa birthday mo at kapag na papayag namin si kurt na pumunta sa birthday mo ay iti-treat mo kami." Paliwanag ni Aus.
Tanda ko na sinabi ko nga pala sa kanila na kapag mapapayag nila si kurt na pumunta sa birthday ko ay ililibre ko sila.
"Ano tanda mo na? Tanong ni Kendrick.
"Oo na." Pairap kong sabi.
"Kaya I-treat mo na kami ngayon." Atat din 'tong mga 'to ah.
Gusto ko pa naman sanang mag solo pero dahil sa mga 'to mapipilitan akong ilibre sila.
