Angel POV
"Guys! gusto n'yo bang sumama saamin. May nakita kase kaming maliit na ilog. naisipan namin na maligo muna bago tayo umalis dito sa bundok." Siguro ang tinutukoy na ilog ni Kendrick ay yung tinambayan ko kanina.
"Ano G! Ba kayo?." Dagdag pa ni Aus.
Nakatambay kaming tatlo dito sa tent namin ng makita naming papunta sila dito.
Ya-yayain lang pala kaming pumunta sa ilog kaya nadito.
"S-sige." Pag payag ko.
"Sige, Daanan na lang namin kayo mamaya kapag papunta na tayo."
Pagka alis ng tatlo ay agad naman akong hinampas ni Anne sa braso.
Tiningnan ko siya ng may pagtataka.
Bakit niya ako hinampas anong ginawa ko.
"Baliw ka ba! Bakit ka pumayag na sumama sa kanila." Gigil na tanong niya.
"B-bakit anong masama, Sasama lamang naman tayo sa kanila."Paliwanag ko.
"Tsk, Ang sabihin mo kaya gusto mong sumama ay dahil sa Kurt na 'yan."Gigil parin niyang sabi.
Agad naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
Oo nga. Kaya gusto ko ring sumama ay dahil kay Kurt.
Last chance na talaga ito at kapag talagang walang pag-asa ay titigil na talaga ako.
"Pagbigyan mo na'ko. Promise last na talaga 'to."Naka pout kong sabi.
"Hayst, Ewan ko sa'yong babae ka ang tigas talaga ng ulo mo." Naka irap na sabi niya.
Sa Cellphone niya na lang ibinaling ang tingin niya at hindi na'ko pinansin.
Si Coleen naman ay parang bale walang nakikinig saamin.
Alam siguro na wala rin siyang magagawa kahit mag salita rin siya.
Naka tanaw lamang ako sa kanila habang sila ay naliligo sa ilog.
O mas tamang sabihin na nakatanaw ako sa dalawang tao na hindi mapag hiwalay.
"Angel! Join kana. Hindi naman malamig ang tubig." Pag tawag saakin ni Kendrick.
Sina Anne at Coleen naman ay naliligo narin kasama nila.
Ako lang itong hindi pa nakiki join sa kanila dahil na bwelo pa'ko.
Pansin ko si Hannah na palaging nakatingin saakin.
Nang iinggit siguro dahil tuwing mag tatama ang mata namin ay bigla na lamang siyang lilingkis kay Kurt.
Si Kurt naman ay hindi na'ko magawang sulyapan dahil sa nangyari.
Nang mawala ang pagkalamig ko ay pumunta narin ako sa ilog ay naki join sa paliligo nila.
"Angel. Gusto mo bang sumali sa laro namin?"Aya saakin ni Coleen.
"Anong laro naman yan?" Tanong ko.
"Lusot karayom sa ilalim ng tubig."
"Ayoko baka mamaya umihi pa kayo."Pagtanggi ko.
Hindi sa ayaw ko talaga. hindi lang kase ako maalam lumangoy ng malalim feeling ko kase mauubusan ako ng hininga kapag malalim ang paglangoy ko.
"Tsk, Kill joy mo naman."Naka ngusong sabi nito.
Bumalik na lang siya kay Anne at ito naman ang inaya nito.
Ngunit sa halip na pumayag rin ay iniwan lamang siya ni Anne.
Kaya ayun si luka lumangoy na lang mag-isa.