Angel POV
Matamlay na naglalakad ako palabas ng gate. Paano ba naman maghapong hindi pumasok si Kurt mula ng lumabas siya kaninang umaga tapos galit pa saakin.
Nang makalabas ako ay dumiretso na'ko sa paradahan ng tricycle at diretso uwi na.
Yung dalawa namang bruhilda may gagawin daw kaya hindi sumabay saakin pauwi.
Kaya lang hindi pa'ko nakakasakay ng tricycle ay may tumigil na kotse sa harap ko.
Baka holdapin pa'ko ng lintik na 'to a. Hindi ko makita kung sino ang nasa loob ng kotse dahil tinted ito.
Baka naman kidnapper 'to. Jusko lord wag naman po sana.
"Hoy sino ka bumaba ka dyan, Holdaper ka ba o kidnapper Kung holdaper ka man o kidnapper huwag ako iba na lang dahil wala kang mapapala saakin mahirap lang ako, Bente na nga lang natira saakin e." Bunganga ko habang kinakatok ang kotse.
Ang tanga ko lang kase imbis na tumakbo ako ay kinatok kopa talaga ang kotse.
Baka naman pumarada lang o kaya may iniintay.
Pero hindi naman ito parkingan ng mga kotse dahil mga tricycle lang ng mga namamasada ang dapat mag park dito.
Tyaka kung holdaper o kidnapper yon kanina niya pa'ko nakuha.
Ng hindi lumabas ang nasa loob ng kotse ay naisip ko na umalis na.
"Angel, Sandali lang." Pigil niya sa pag sakay ko sa tricycle.
Pagharap ko ay si Sam pala kabababa lang galing sa kotse kanina.
So siya yung naka sakay sa kotseng yun.
Lintik siya hindi niya ba alam na kabang kaba ako kanina dahil sa ginawa niya.
Naka ngiti siya habang papalapit saakin.
Kung siya ay naka ngiti, Ako naman ay ang sama ng tingin ko sa kanya.
Grabe siya, Kung may sakit lang ako sa puso at inatake ako siya talaga ang una kong dadalawin kapag namatay ako.
"Ganon ka pala kapag may nang holdap o kumidnap sa'yo hahaha." Tumatawang sabi niya.
"Ha.ha.ha, e. Kung sakalin kita dyan." Sarcastic kong sabi.
Nang sa tingin naman niyang hindi ako nakikipag biruan ay tumigil siya sa pagtawa.
Pairap ko naman siyang tiningnan. Akala niya nakakatuwa yung ginawa niya. Hindi niya ba alam na kabadong kabado na'ko kanina.
"Akala mo ba nakakatuwa yung ginawa mo." Naiinis na sabi ko.
"S-sorry."
"Sorry, sorry. Walang magagawa yang sorry mo!
Naiinis parin ako sa kanya.
"Ganito na lang ilibre na lang ulit kitang Ice cream para hindi kana mainis saakin."
"Akala mo madadaan mo'ko sa pa ice cream na yan."
Pero ang totoo tuwang tuwa na'ko dahil nakarinig na naman ako ng ice cream.
"So ayaw mo? Dalawang ice cream ililibre ko, Ayaw mo parin? Pamimilit niya.
Isa pa sam, isang dagdag pa ng ice cream sasama na talaga ako.
"Tatlong ice cream deal or no-" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng magsalita ako.
"Deal sa tatlo kaya tara na bago pa mag bago ang isip mo."
Pagkasabi ko noon ay nauna pa akong sumakay sa kotse niya.
Hindi kona tatanggihan 'to, Basta usapang ice cream mabilis akong kausap.
