Angel POV
It's already 6pm na at nag kakasiyahan pa ang mga tao dito saamin. Nakita ko Si papa na papalapit saakin kaya agad ko naman itong sinalubong.
"Happy birthday my one and only Princess." Bati saakin ni sabay yakap niya saakin.
"Thank you po papa sa lahat na appreciate ko po ang ginawa n'yo ni mama para saakin." Pag papasalamat ko sa kanya sabay halik sa pisngi niya.
"Ano ka ba naman anak, Kahit ano pa yan siyempre gagawin namin lahat ng mama mo para sa'yo." Naka ngiting sabi ni Papa
"Kung ginusto mo nga lang nang bonggang party ngayon bakit ang hindi?Para sa'yo kaya naming gawin lahat mapasaya ka lang." Dag-dag pa niya.
"Okay na po itong simpleng handaan lang pa, Basta kasama ko kayo ni mama sa special na kaarawan ko ay masaya na ako." Paliwanag ko kay papa.
"Sweet naman ng mag-ama ko ah, pwede bang makisali sa ka sweetan n'yo? Bungad ni mama saamin biglang yakap.
"Ang bilis ng panahon no dalaga na ang anak natin, mamukat mo may boyfriend na yan." Pang-aasar ni mama saakin. Nahawaan na siguro ito ni Papa ng pang-aasar.
"Si mama naman eh, hinawaan ka ba ni Papa at ng aasar kana rin." Medyo inis kong sabi.
"Siyempre anak hindi naman malabong hindi ka boyfriend sa ganda mo ba namang iyan eh." Sabi pa ni Papa.
"Pano po ako magkaka boyfriend, Eh yung future boyfriend ko may girlfriend na hayst." Buntong hiningang sabi ko kina mama at papa habang nakatingin kung saan naka puwesto si Kurt at ang Girlfriend na masayang nag haharutan.
"Anak marami pa naman diyang iba eh, Hindi lang naman siya ang lalaki sa Mundo." Si mama habang nakatingin rin kung saan ako nakatingin.
"Basta ma, pa Si Kurt lang ang gusto ko tapos." Sabi ko sa kanilang dalawa.
"Bahala ka anak, Ang tigas talaga ng ulo mo manang mana ka talaga sa mama mo." Sabi ni papa na idinamay pa Si mama sa katigasan ng ulo ko
"Aba haha at idinamay pa talaga ako sa katigasan ng ulo ha, Sino kaya saating dalawa ang matigas ang ulo ha? Sarcastic na tawa ni mama habang sinesermonan Si Papa.
"Siyempre ika- Hindi na naituloy ni papa ang sasabihin niya ng ambahan siya ng sapak ni mama.
"Sige ituloy mo makakatikim ka saakin." Pag haya ni mama ng kamay niya kay papa.
"Siyempre ako, Ikaw naman hindi ka mabiro hehe." Ngiwing sabi ni papa sabay hawak sa bewang ni mama at halik sa pisngi nito.
"O siya Sige anak punta lang kami sa ibang guest ha, Ikaw na muna bahala sa mga kaklase mo." Pag papaalam nina mama at papa.
"Ay wait lang po papa at mama, Papaalam po sana ako pwede po ba akong uminom? Paalam ko sa kanilang dalawa. Ngayon ko pa lamang susubukan na tumikim ng alak dahil nga pinagbabawalan nila ako noon dahil bata pa nga lang daw ako. Ngayon naman ay legal age na baka naman payagan na nila ako.
"Sige anak, basta wag lang mag papaka lasing ha." Pag payag ni Papa saakin.
"Sige po pa thank you po ulit sainyong dalawa." Pagkasabi ko noon ay pinuntahan ko yung dalawa kong kaibigan na busy na nakikipag inom na pala kina Kurt. At kailan pa nilang dalawa naging ka close ang mga yon.
"Oh Angel nandyan ka pala, hali ka rito upo ka." Pag-anyaya saakin ni Kendrick.
"Nandito lang pala kayong dalawa." Pag sita ko sa dalawa kong kaibigan.
"At dahil birthday mo, bakit hindi ka uminom Angel." Sabi saakin ni Aus sabay iniabot saakin ang isang basong may lamang alak. Nakita ko sina Kurt at Hannah na halos mag lampungan kaya agad ko namang tinanggap Ang baso na may lamang alak dahil sa nakita ko. Inisang lagok ko lamang ang alak na nasa baso.
"Woah Angel dahan dahan lang para kang ngayon lang nakatikim ng alak ah." Sita naman ni Jade saakin. Talagang ngayon lang ako nakatikim dahil ngayon lang ako pinayagang uminom.
"Ahm actually ngayon nga lang yan nakatikim dahil hindi yan pinapayagan ng parents niya, Ngayon lang." Sabat naman ni Coleen. Agad ko naman itong siniko dahil talagang sinabi niya pa na hindi ako pinapayagang uminom. Nag Peace sign naman ito saakin.
"Guy's laro tayo." Biglang umimik itong Si Hannang paa, hmm napaka epal talaga.
"At ano namang laro iyan? Tanong ni Anne. Sura din ito sa babaeng ito siguro pataray kasi ang pagkakatanong niya eh. Kaibigan ko nga talaga siya HAHAHA.
"Spin the bottle, Ganito yung mechanics ng laro. Kung sino yung matapatan ng ulo ng bote pipili siya sa dalawa truth or dare at kapag truth ang pinili niya sasagutin niya yung itatanong sa kanya at ang mag tatanong ay yung nag paikot ng bote. Kapag hindi niya nasagot ay iinom siya ng alak. At kapag naman dare ang pinili niya ay susundin niya ang iuutos sa kanya at ang mag uutos rin ay yung nagpa ikot ng bote. Pero kapag hindi rin nagawa ay iinom rin siya ng alak. Ano game ba kayo? Mahabang lintaya ni Paa Este ni Hannah.
"Ay mukhang maganda yan, Sige game ako dyan." Tuwang tuwa naman na sabi ni Coleen. Ano ba naman itong babaeng ito hindi niya ba alam ma mortal enemy ko yang paang yan.
"I'm in." Pag payag din ni Aus
"Sige ako rin." Si Kendrick rin
"Try natin." Naki sali narin Si Jade.
"Sige na nga." Napipilitang pag sali ni Anne.
Sabay tingin nila saakin at Kay Kurt."Kayong dalawa hindi ba kayo sasali? Tanong ni jade.
"Kaya n'yo na yan manonood na lang ako sainyo." Sabi ko sa kanila.
"Ano ka ba naman Angel sumali kana, Bawal ang kill joy dito." Pag pilit saakin ni Aus. Dahil makulit sila ay napapayag nila ako. Si Kurt na lang ang hindi nila mapilit.
"Sige na love please sumali kana." Paawang sabi ni Hannah.
Hmmp kuritin ko singit niya eh napaka pabebe sarap sakalin.
At dahil nga sa pagka pabebe nitong paang ito ay sumali na Si Kurt.
"Oo na sasali na." Pag payag ni Kurt
"Okay game ako na ang unang mag i-spin, Nga pala kung sino yung natapatan ay siya naman ang mag papaikot ng bote." Dag-dag pa ng paang ito.
Inispin na niya ang bote at tumapat ito kay Kendrick.
"Kendrick sayo tumapat ang bote truth or dare? Tanong ni Paa kay Kendrick.
"Ahm dare."Nag isip pa Si Kendrick bago siya sumagot.
"Ang ipapagawa ko saiyo ay hingin mo yung number noong babaeng naka black dress." Turo ni paa doon sa babaeng naka upo malapit lang saamin.
"Easy." Pagkasabi ni Kendrick noon ay agad niyang nilapitan ang babaeng naka black dress at hiningi ang number nito. Pagkakuha niya ng number nito ay kaagad na siyang bumalik sa puwesto namin.
"Hyst walang kahirap hirap, Pano ba yan ako na ang mag i-spin." Sabi ni Kendrick at hinawakan ang bote kaagad naman niya itong pina ikot. Hanggang sa tumama ito kay Anne.
"Oh Anne sa'yo naman tumama ang bote, truth or dare? Tanong ni Kendrick. Nag isip muna Si Anne bago sumagot.
"Ahhh hmm truth na lang." Sagot ni Anne."Sige ito ang tanong ko saiyo, Ilan na ang mga naging ex mo? Tanong ni Kendrick.
"I think mga tatlo Sila." Sagot ni Anne.
Nagpatuloy ang paglalaro ng spin the bottle. At medyo tipsy na kami dahil marami-rami narin kaming nainom. Dumapo ang mga mata ko sa dalawang taong kanina pa nag lalampungan sa harapan ko. Kanina pa parang tinutusok ang puso ko dahil nga sa dalawang ito. Pero tinitiis ko lang dahil ayokong masira ang gabi ko.
Hanggang saakin tumapat ang bote.
"Oh kay Angel na tumapat ang bote truth or dare? Tanong ni Coleen dahil sa kanya tumapat kanina ang bote. Ang tagal ko bago pumili dahil hindi ko alam kung alin ang pipiliin ko at nawala rin ang isip ko sa nilalaro dahil nasa dalawang taong nasa harap ko ang iniisip ko
"Ahhh ahhmm truth na lang." Wala sa mood na sagot ko.
This is new story, Please Vote and Follow me TYSM❤️
