Chapter 20

127 0 0
                                        

Angel POV

Bukas ay lunes na at dalawang araw ko ng kinukulit si papa na payagan akong sumama sa camping bukas.

"Pa naman payagan mona ako, Promise pagbalik ko dadalhan kita ng paborito mong mangga."

Paborito niya kase ang mangga kaya baka pumayag na siya dahil sa sinabi ko.

Ihahanap ko siya ng mangga sa bundok pero pag wala akong nakita ibibili kona lang siya.

"Totoo ba 'yan? Siguraduhin mo lang na may dala ka ha."

"So ibig pong sabihin pumapayag na kayo na sumama ako bukas?

Nakangiti kong tanong kay papa.

"Basta ba may dala kang mangga pagbalik mo, Payag ako."

Yes.

"Deal papa kahit dalhan pa kita ng puno." Biro ko sa kanya.

"Ayoko, Gusto ko bunga." Arte naman.

"Sige, Papa aakyatin ko para sa'yo." Biro ko kay papa.

"Sungkitin mona lang, Mamaya malaglag ka pa nyan." Tatawa tawang sabi ni papa.

"Payag kana papa ha, Wala nang bawian yan." Ulit ko kay papa.

"Oo na nga."




"Gayak na ba yung mga dadalhin n'yo para bukas? Tanong ko sa dalawa kong kaibigan.

Nadito kami ngayon sa isa sa paborito naming kainan mag kakaibigan.

"Oo naman, Noong friday ko pa nga ginayak yung akin pagka payag ni daddy." Hindi naman halatang excited 'tong isang 'to a.


"Mga bes daanan n'yo ako bukas saamin ha para sabay na tayong pumunta ng school."

"Sige, Pero dapat agahan mo gumayak dahil kilala kita Angel tanghaliin ka kung kumilos. Sinasabi ko sa'yo iiwanan ka talaga namin." Paalala saakin ni Anne.

Sus, kung makapag sabi akala mo napaka aga niyang gumayak.

"Oo na, Kahit ganon karin naman kumilos." Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Ikaw Coleen agahan morin bukas,kilala rin kita kung kumilos." Si Coleen naman ang binalingan niya pagkatapos saakin.

"Talagang kilala mo'ko magkaibigan tayo e."

Napatawa ako dahil sa sinabi ni Coleen kay Anne.

"Talagang namimilosopo kapa ha, Pag talaga ikaw tinanghali bukas iiwanan ka namin."

"Oo na aagahan na nga ATE."

"Tsk."







Good morning world it's 5 am in the morning. I decided to woke up early dahil baka talagang iwanan nila ako.

Ginawa kona ang morning routine ko pagkatapos ay bumaba na para mag breakfast.

"Mag-iingat ka doon anak ha." Paalala saakin ni mama.

"Opo naman ma."

"Yung mangga ko ha." Talagang mangga parin ang nasa isip ni papa a.

"Yes sir, Dadalhan kita ng maraming mangga."


Katatapos ko lang mag breakfast ng may bumusina sa labas. Siguradong sina Anne na 'to.

"Ma,Pa alis napo ako."

"Sige mag-iingat ka, Teka ihatid kana namin ng papa mo sa labas." Inihatid nila ako sa labas.

"Hi tita, Ganda mo palagi a." Bola ni Coleen kay mama sabay beso.

"Ikaw talagang bata ka napaka bolera mo talaga."

Nakipag beso rin si Anne kay mama.

"Tita, Tito alis napo muna kami." Paalam nila kina mama.

"O sige mag iingat kayo mga neng." Sabi ni papa.

"Yung mangga ko ha." Banggit ulit ni papa sa mangga.

"Oo na po papa, Talagang hindi n'yo malimutan ha."

Sumakay na kami sa kotse nina Anne at dumiretso na sa school.

Bus nga pala ang sasakyan namin papuntang bundok.

Hindi kami magkakasama nina Anne sa iisang bus dahil bawat strand ay tig-iisa ng bus.

Nang dumating kami sa school ay marami ng studyante ang naka abang sa bus.

Naka upo kaming tatlo ng may dumating na mga kotse.

Kotse pa lang noong nauuna kilala kona e.

Si Kurt myloves ko ang dumating.

Isa-isa silang bumaba sa mga kotse nila at ang huling bumaba ay si kurt.

Matutuwa na sana ako ng bumaba si Kurt sa kotse niya kaso lang may sumunod na bumaba na mukhang paa sa kotse niya.

At paano naman nakapasok ang paang 'to sa school.

Tsk. Panira naman ng araw.

Dumaan sila sa tapat namin at kita ko talagang ang lintang nakasabit kay Kurt.

Tsk akala mo naman maaagaw sa kanya e.

Huwag kang mag-alala dahil saakin rin ang bagsak niyan.

"Hi Angel." Bati saakin ni Kendrick ng dumaan sila sa tapat namin.

"Hi."

Si Kurt at yung linta naman ay lumagpas lang saamin.

Talagang hindi niya ako pinapansin.

Dumating na yung bus at agad naman nagsi sakayan ang mga estudyante.

"Paano ba yan kita na lang tayo sa bundok ha." Sabi ko sa kanila.

May nakita akong isang truck na may mga pantanim na puno. Siguro ay iyon ang mga itatanim namin.

Ang dami ha.

Hinanap kona kung nasaan naka parada ang bus na sasakyan namin at agad na sumakay.

Yung balak kong sumakay sa tabi ni Kurt ay naudlot dahil kay Hannah.

Kaya doon na lamang ako umupo sa malapit sa bintana.




My Snobber CrushWhere stories live. Discover now