Chapter 9

43 0 1
                                    

Angel POV

"At dahil truth ang pininili mo, Ito ang tanong ko sa'yo. Titigilan mona ba ang paghabol sa isang taong matagal mo ng gusto, ngunit hindi ka gusto? Tanong ni Coleen, Parang namang tanga ang tanong nito oh alam naman niyang hindi ang isasagot ko sa tanong niya eh. Kakagigil talaga itong babaeng ito sarap kurutin sa singit eh.

"Hoy Angel ano na, naka tulala kana diyan." Kulbit saakin ni Coleen. Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako at nakatitig kay Kurt.

"Siyempre hindi, alam kung dadating din ang araw na magugustuhan din niya ako." Sagot ko sa tanong niya.

Umaasa ako na balang araw ay magustuhan rin ako ni Kurt. Oo at may girlfriend siya but malakas ang kutob ko na saakin rin mapupunta Si Kurt balang araw.

"Sige sabi mo yan eh." Pagkatapos niyang sabihin yon ay ibinigay niya saakin ang bote para ako naman mag paikot nito.

Pinaikot ko ang bote at sakto namang kay Kurt ito tumama.

"Truth or dare? Tanong ko kay Kurt.

"Truth." Ano kayang magandang itanong sa kanya.

"May balak kapa bang makipag hiwalay kay Hannah at mag hanap ng bago?Tanong ko.
Alam kong nagulat sila sa tanong ko.

Pero siyempre wala ng atrasan ito at para makasigurado narin ako kung may balak pa siyang iwanan si mukhang paa at mag girlfriend nang bago.

"No, I want to be with Hannah and spend my whole life with her." Sagot niya, Sabay halik sa noo ni Hannah.

Sakit noon ha bakit pa nga ba ako nag tanong ng ganon. Eh alam ko naman na masasaktan lang ako. Kahit kailan talaga ang tanga mo Angel.

"Ahh okay." Mahina kong sabi.

Tapos na ang pag lalaro namin ng spin the bottle at medyo lasing narin ako. Ang mga kasama ko naman ay tuloy parin sa pag iinom habang ako ay tumigil na muna.

"Angel inom pa ang hina mo naman." Pag papa-inom saakin ni Kendrick.

"Tigil muna ako medyo tipsy na kase ako eh." Pag-ayaw ko sa alok niya.



Kring kring...

Nagising ako dahil sa tunog nang alarm clock. Bumangon kaagad ako at ginawa ang aking morning routine. At Pagkatapos naman ay bumaba na ako para mag almusal.

"Kamusta naman ang birthday girl kahapon maayos naman ba? Pangungumusta saakin ni Papa.

"Masaya naman po, thank you po ulit sainyong dalawa ni mama." Sobrang thankful talaga ako dahil sila ang naging mga magulang ko.

"Ay sus wala yun anak basta para sa'yo." Sabi naman ni mama.

"Anak, mag almusal kana may pagkain doon sa lamesa." Alok saakin ni mama.

"Sige po ma."

Buong maghapon lamang akong nakatambay sa bahay. At walang ginawa kundi ang manood ng TV.

FASTFORWARD

Lunes na ngayon at nag gayak na ako sa pag pasok. Aga ko ngayon no maganda kase umaga ko eh. Ewan ko lang kung bakit siguro may magandang mangyayari saakin ngayon.

Pagka pasok kopa lamang sa room ay binati kona kaagad ang mga kaklase ko dahil sa good mood nga ako ngayon.

"Good morning guys." Malakas kong bati sa kanila.

"Aba maganda yata morning natin ngayon Angel ah, Na I crushback kana ba? Tanong ni Jerome ang bakla kong kaklase.

"Ewan ko nga rin eh kung bakit maganda ang mood ko ngayon, Hindi pa naman ako naiicrush back."Sabi ko kay Jerome.

"Good morning Kurt." Bati ko kay Kurt na binale wala naman niya. Kahit kailan talaga napaka Snobber niya. Umupo na lamang ako sa aking upuan, kaka upo kopa lamang ay  bigla namang dating ng professor namin.

"Class quiet may Iaannounce ako sainyo." Pagkasabi ni Prof noon ay bigla namang tumahimik ang mga kaklase ko.

"May magaganap ngayong darating na biyernes na teen Prom at dahil graduating na kayo ay lahat kayo ay kasali. At bukas ay may practice kayo hanggang Thursday. Sa Friday naman ay 6pm ang start ng program." Mahabang pag aannounce ni Prof Sean. Tuwa naman ang mga kaklase ko dahil nga nag ka meron din sa wakas ng prom. Siyempre ay tuwa din ako dahil kahit huling taon na namin dito sa school ay makakaranas parin kami ng prom.

Pagkatapos nang last period namin ngayon ay lumabas na ako at pinuntahan ang dalawa kong kaibigan. Sasabay ako sa kanila ngayon pauwi dahil may usapan kaming tatlo na kakain kami sa labas.

"Hello mga bes." Bati ko sa kanilang dalawa pagka kita ko sa kanilang dalawa.

"Ganda nang umaga natin ngayon ah, Anong meron ha? Tanong ni Coleen.

"Wala naman, gumising na kase ako kaninang umaga na maganda ang mood eh." Ngiti kong sabi sa kanya.

"Tara na guys, Kumain na tayo nagugutom na ako eh."Aya ko sa kanila.

Palabas na kami sa may gate ng may mahagilap ang mga mata ko. Bigla na lamang nag bago ang  mood ko kung kanina ay sobrang ganda, Ngayon naman ay para akong lantang gulay dahil sa nakikita ko ngayon. Pano hindi mag babago ang mood ko eh nakita kong naghahalikan sina Kurt at mukhang paa.

"Wag na pala tayong tumuloy, Na wala bigla ang gutom ko." Matamlay kong sabi sa kanilang dalawa.

"Bakit bes? Tanong ni Anne. Pero hindi ko na pinansin at nag paalam na lang ako sa kanilang dalawa na uuwi na.

"Una narin ako sainyo ha, may gagawin pa pala ako." Paalam ko sa kanilang dalawa. Dali dali rin akong umalis at iniwan silang dalawa doon nang may pagtataka. Tinawag pa nila ako pero tuloy tuloy lang akong umalis.

Tuloy tuloy lang akong umalis at hindi pinansin ang pag tawag saakin nang dalawa kong kaibigan. Pagka layo ko sa kanila ay doon tuluyang tumulo ang mga luha ko.  Hindi kona kase kaya eh, Ang sakit sobra. Oo ngat wala akong karapatang mag selos dahil wala lang naman ako para sa kanya at lalong wala namang kami para mag selos ako. Pero yung puso ko eh ang tanga bakit kase sa dami nang lalaki sa mundo sa kanya pa tumibok itong puso ko. Kailan kaya matatauhan itong puso ko. At sana pag natauhan na ako ay tumibok naman ito sa taong ako rin ang gusto. Pero sa ngayon maghahabol muna ako hanggang hindi pa ako natatauhan.

Sa paglalakad ko ay hindi ko napansin na may kasalubong pala ako kaya nabangga ko siya.

"Aray." Daing ko dahil napa upo ako sa semento sa lakas nang pagkakabangga ko sa kasalubong ko.

This is new story, Please Vote and Follow me TYSM❤️








My Snobber CrushWhere stories live. Discover now