Angel POV
Nakahiga ako ngayon saaking kama habang iniisip ang mga nangyari kanina. Naalala ko si Kurt na hinalikan si Hannah. Yung kaninang umagang magandang mood akala ko may mangyayaring maganda. Hindi pala maganda kundi ubod nang sama.
Hyst erase erase Angel, Wag mo na lang isipin yung mga nakita mo kanina masasaktan ka lang kapag naalala.
Umidlip na lang ako at hindi na inisip pa ang mga nakita ko kanina.
Anne POV
Hi guys I'm Anne, Best friend of Angel. Ako ang pinaka matanda saaming tatlo we've friends since we we're little. Kaya alam na alam ko kung anong amoy nang mga utot nila.
Just kidding ^_^
So ito na nga kaya naman pala hindi na siya sumama saamin kumain sa labas ay dahil naka kita siya ng mga ahas.Ahas na nag tutuklawan.
Kaya kaming dalawa na lang ni Coleen ang kumain.
"Sa tingin mo bakit hindi sumama si Angel saatin? Kanina parang gutom na gutom siya tapos biglang nag bago ang isip."
"I think may nakita siyang mga ahas na nag tutuklawan kaya hindi siya sumama."
Sige mag isip ka Coleen.
Hindi kase kita ni Coleen yung dalawa dahil nakatalikod siya kanina.
"Ha?Anong connect ng nag tutuklawang ahas sa hindi niya pag sama?
Daldal naman nito.
"Kumain kana nga lang dami mong tanong eh no."
Pagkasabi ko sa kanya noon ay tumahimik na siya at ibinalik na sa pag kain ang atensiyon.
Ano na kayang nangyari kay Angel.
Angel POV
Na alimpungatan ako ng biglang tumunog ang alarm clock ko. Namalayan ko na lang na umaga na pala at hindi na ako nakakain kagabi. As usual ginawa kona ang morning routine ko at pagkatapos ay bumaba na at nag almusal pagkatapos ay pumasok na.
Pagkarating ko sa university ay nakita ko ang mga kaklase ko na naka pila. Naalala ko na ngayon nga pala ay may practice kami para sa gaganaping prom ngayong darating na Friday.
"Angel, tara na." Yaya saakin ni jhean ang kaklase ko.
"Sige susunod ako ilalagay ko lang itong bag sa room."
Pag kasabi ko noon ay dumako naman ang tingin ko kay kurt na busy sa cellphone niya. Hmmp tampo parin ako sa kanya. Nilagay kona ang bag ko sa room at tyaka sumunod sa kanila.
*****
"Okay guys, so by partner ang gagawin natin. And kung sino ang ka height niyo sila yung makaka partner niyo."
Sabi noong babaeng magtuturo saamin.
Kanya-kanya namang hanap ang mga kaklase ko at ang ibang section kung sino ang mga ka height nila para maging partner nila. Pagkatapos nilang maghanap ng kanilang mga ka partner ay ako na lang ang wala kaya nag hanap na ako nang ka height ko.
Nang dumako ang tingin ko sa isang lalaki ay alam ko na agad na hindi siya ang magiging ka partner ko. Paano baga naman eh ang punggok. Pag tingin ko naman don sa isa ay mas maliiit pa sa una kong nakita. Ano ba yan mga ang pupungok naman nila.
"Hi miss- ano nga palang pangalan mo?
Tanong niya saakin. Ito nga pala yung si Mr. Punggok guy na una kong nakita. Mukhang gusto niya pa yata akong maging ka partner ah. Well sorry siya dahil ayoko sa kanya.
"Angel."
"Hi miss Angel, Gusto mo bang maging partner ko."
Sabi na nga ba eh.
Pakshit na punggok to hindi niya ba narinig ang sinabi noong babae kanina na ka height daw dapat ang ka partner. O hindi lang talaga siya marunong tumingin ng ka height niya.
"I'm sorry Mr. But I already have my partner na kase eh."
Diretsiyahang sabi ko kay Mr. Punggok.
Well cute naman siya kaya nga lang ay ang cute din ng height niya.
"But wala naman akong makita na may ka partner kana."
Kulit ha itaktak koto eh.
"May kinuha lang kase siya."
Dahilan ko para umalis na siya.
Kulit eh pag ako di nakapag pigil itataktak ko na talaga to.
Nang makita ko si Kurt na papunta sa direksyon kung nasaan kami ni punggok ay agad akong nag salita.
"Oh he's here na pala eh, Hi Kurt."
Sinalubong ko siya at agad kong isinukbit ang kamay ko sa braso niya. Nakita ko namang umalis na si punggok ng makita niya ang pag hawak ko sa braso ni Kurt.
"Partner tayo ha." Sabi ko kay Kurt.
Tutal ay wala pa naman siyang ka partner at halos magkasing height lang naman kami. I-iisang tabi ko muna ang pagtatampo ko sa kanya marupok ako eh kahit walang kami HAHAHA.
"Bitaw."
Nang hindi ko inalis ang kamay ko sa braso niya ay siya na ang kusang nag alis. Hysst kelan ka kaya babait saakin.
"Hoy Kurt tayo ang magka partner." Sabi ko sa kanya.
"Ayaw kitang maging kapartner."
Aalis na sana siya ng bigla namang dumating ang babaeng magtuturo saamin. Kaya wala siyang choice kundi ang maging ka partner ako.
*******
Last practice na namin ngayon. Dahil bukas na gaganapin ang prom. Habang nag papractice ng sasayaw ay halos mapunit na ang labi ko sa kakangiti. Sino bang hindi mapapangiti kung ang kapartner mo ay ang crush mo diba.Kung ang labi ko ay halos mapunit na dahil sa kakangiti. Ang kanya namang mga mata ay halos gusto na yata akong patayin dahil sa sobrang sama ng tingin niya saakin.
"Kurt puwede ba na kahit bukas lang sa prom ay wag mo naman akong tingnan nang ganyan please."
Tikom lang ang bibig niya at hindi sinagot ang pakiusap ko. Ano pa nga bang aasahan lagi naman siyang ganyan saakin.
Gusto ko kase na maging memorable ang gabi ko bukas. At gusto ko na kahit saglit lang ay bumait naman siya saakin. Last prom na kase namin to dahil malapit na kaming grumaduate.
Kurt POV
"Kurt puwede ba na kahit bukas lang sa prom ay wag mo naman akong tingnan nang ganyan please."
Pakiusap ni Angel saakin.
Nag-iisip ako kung gagawin ko ba ang paki usap niya na bumait ako sa kanya. Ewan ko ba kung bakit parang ang snobber ko sa kanya eh wala naman siyang ginawa saakin na masama. Siguro dahil alam ko na may gusto siya saakin kaya hindi ko siya pinapansin at ayoko lang na mag away kami ng girlfriend ko. Kapag nalaman niyang may kinakausap akong ibang babae lalo at may gusto saakin siguradong aawayin niya. Selosa yun eh.
Pero nakapag isip na ako na kahit ngayon lang ay babait muna ako sa kanya and then pagkatapos ng prom balik dati na ulit ang pakikitungo ko sa kanya.
Good evening every one🫶
#take care and don't forget to eat your dinner(◠‿◕)
This is new story, Please Vote and Follow me TYSM❤️