CHAPTER 37

1.8K 22 0
                                    

Chapter 37: Annulment

PARANG ayoko talagang maniwala sa nalaman kong in coma na naman ako in two months. Because I can even feel it na parang kanina lang kaming nag-usap ng parents ko. Ang bilis naman yata lumipas ang panahon.

But on second thought, sobra-sobrang sakit pala ang naramdaman ko dahil naghalo-halo ang emosyon. Kaya siguro ako naman ang nag-break down. Napahawak ako sa ulo ko ng mapansin ko na parang may benda ito but a cotton bonnet lang pala siya.

Wala na akong nararamdaman na kahit na anong sakit, ang kaso lang ay parang mahina ang katawan ko.

Nilingon ko ulit si Xenus at hindi niya talaga pinuputol ang titig niya sa akin pero bumabagal na nga ang pagkurap niya at makikitang mabibigat na iyon. Any moment ay babagsak na ang ulo niya sa hospital bed ko.

“Umuwi ka na muna sa bahay para magpahinga,” sabi ko pero sa malamig na boses pa rin.

“No, I’ll stay here with you. Babantayan kita, Jhed,” giit niya at humigpit lang ang hawak niya sa aking kamay.

“Sige na. Umuwi ka na. Huwag ng matigas ang ulo mo. I’m fine with here and I just wait for my parents to arrive. Go home, Lindbergh,” malamig pa sa yelong saad ko para lang sumunod na siya sa akin. Ngunit panay na ang kanyang pag-iling.

“Let me stay with you, please my love. You don’t have any idea kung gaano ako nag-aalala sa ’yo,” sabi niya. I took a deep breath. Walang kasing tigas ang kanyang ulo.

“Come here. Humiga ka sa tabi ko.” At first ay nag-aalalangan pa siya na sumampa because hindi naman talaga kami bati but kalaunan ay sinunod niya rin ang utos ko. Sa kaliwang pulso ko lang ang dextrose ko at puwede siyang humiga sa right side ko. Malaki rin kasi ang bed.

When I extended my arms ay roon niya inihiga ang kanyang ulo at diretso ang tingin niya sa mga mata ko. I don’t have any choice but to hug him. He rested his head on my chest. Sinilip ko ang mukha niya at nakapikit na nga ito.

Ang isa niyang braso ay nasa baywang ko na. Napansin ko naman na parang pumayat ang mukha niya? I mean iyong pisngi niya ay manipis na? Humahaba na rin ang buhok niya at tumutubo na ang bigote niya sa kanyang panga. But he still looks handsome. Nauntog nga yata ang ulo ko dahil nakaramdam na ako ng awa sa kanya just because naalala ko ang mga ginawa ko. Tsk.

Jhed...” I caressed his jaw at napansin ko naman na malalim na ang paghinga niya. Nakatulog na yata pero pangalan ko pa rin ang binabanggit niya. Ano naman kaya ang napanaginipan nito?

Nang bumalik sina Mommy at Daddy ay kasama na nila ang mga anak ko pati na si Cervin and until now ay tulog pa rin si Xenus. Nagawa ko na ngang makaupo pero sumiksik lang siya sa baywang ko at doon siya yumakap.

“Akala ko dalawang baby lang ang kasama mo. May big baby ka rin pala, Cashren,” sabi ni Cervin at naiiling lang siya nang makita ang katabi kong mahimbing na natutulog.

“What happened to your face, Cervin?” I asked him dahil may pasa siya sa pisngi niya.

“This is nothing,” he replied and shrugged his shoulder. Lumapit pa siya sa akin at hahawakan na sana niya ang balikat ko nang may pumigil sa kanya. “He’s just asleep but...”

“Nahanap mo na ba ang kakambal ko, babe?” I asked him using my endearment to him. Umiling siya at bumuntong-hininga na naman. Alam kong mahal na niya ang kapatid ko kasi halata na iyon sa eyes niya. Parang mababaliw pa nga siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mahanap si Cashner.

“Kumain ka na muna, anak,” ani Mommy at hinahanda na niya ang dala niyang lunch box.

Binalingan ko naman ang mga anak ko. “Hi, Mommy,” bati sa akin ni Renna ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya. Hawak niya ang kamay ng mga kapatid niya at nasa gitna na naman siya ng mga ito.

Gloom Series 6:Beg to be Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon