CHAPTER 25

1.8K 27 0
                                    

Chapter 25: Years Later

LIGHT blue and white, iyon ang kulay ng villa ni Xenus. Sa sobrang laki nito at ganda ay wala na akong masasabi pa. Sa paghinto ng sasakyan ay unang binuksan iyong pinto sa side niya saka siya bumaba. Binuksan din ng isang lalaki ang pintuan sa side ko naman at mabilis na umikot doon ang asawa ko.

Hindi na siya naglahad pa ng kamay sa akin dahil nakatutok na iyon agad sa ulo ko. buhat-buhat pa niya kasi si Qence, eh. Sa pagbaba ko ay nasa likuran ko na ang isa niyang kamay upang alalayan naman ako.

“Starting from now... Dito na tayo maninirahan at malayo na sa mga... Sa gulo ni Grandpa. Jhed, my love... I promise you na hindi na tayo gagambalain pa ng elders. Mabubuhay tayong masaya rito kasama ang mga anak natin,” nakangiting sabi niya.

Hindi ko na rin napigilan pa ang ngumiti pero... parang hindi ko pa kayang maging masaya talaga dahil may kulang pa... May kulang pa tila sa pagkatao ko. Siguro iyon ay ang mga alaala kong nawala na until now ay hindi ko pa rin naaalala at nanatiling nakabaon pa iyon sa limot.

Nakuha rin ang lahat ng mga gamit namin sa dating tinutuluyan namin ni Xenus. Kasama na ang portrait ni Renna Cerae na naging isa kong inspiration sa buhay kasama na ang family ko.

Ang lalaki naman na si Cervin Raeson ay tuluyan ko nang kinalimutan. Na kung minsan ay nagagawa ko siyang alalahanin dahil sa mga alaalang lumilitaw sa isip ko.

Xenus owned his Lindbergh Shipping Airlines, a factory and Levanna Construction Company. Ang business na naipatayo naman niya ay nasa Philippines daw pero pumupunta lang siya roon if needed lang na. Iyong may urgent meeting or nagkaroon sila ng problema but he didn’t tell me kung ano’ng klaseng business naman ang mayroon siya roon. Ayaw niyang sabihin sa akin. Psh.

Hindi rin naman ako hinayaan ni Xenus na mag-stay lang sa villa para lang mag-alaga sa mga anak namin. Nagulat na lamang kasi ako noong dinala niya ako sa isang building na may fourth floor.

Wala pa ngang laman iyon dahil as in building pa talaga siya na walang mga gamit. Then he said, gawin ko raw iyon na isang restaurant or something business. Gusto niya na may pagkaabalahan din ako. So, naisip ko na gawin na lang itong restaurant sa umaga at bar naman sa gabi. Naging madali naman ang lahat because of my husband.

Malapit lang naman iyon sa villa pero isang bagay lang naman ang hindi ako hinayaan ng asawa ko. Ang umalis ng mag-isa kahit sa work ko pa. May personal akong driver at siya rin ang tumayong bodyguard ko.

Kahit naman daw kasi nakalayo na kami mula sa mga elders ay hindi pa rin kami sigurado if safe na ba kami. So, sinunod ko na lamang siya dahil ayokong mag-worry pa siya. Gayong busy-busy rin naman siya sa work niya, eh.

I was busy sana sa work ko nang bumisita sa akin ang mag-aama ko. Napatayo pa ako nang makita silang tatlo. Napangiti ako dahil nandito ang tatlong tao na nagbibigay sa akin nang lakas ng loob.

“Hey. Nandito ang nga mahal ko,” ani ko at tumaas ang sulok ng mga labi ni Xenus.

“Mommy!” Napangiwi ako nang sumigaw nang kay lakas-lakas ang mga anak ko. Sabay pa talaga nila akong tinawag.

Ang bilis nga lumipas ng panahon at ngayon ay three years old na sila. Kayang-kaya na nilang magsalita, kumain ng mag-isa at maglakad.  Super kulit din nilang dalawa, iyon nga lang ay spoiled sa daddy nila at maging sa Uncle Prince nila.

Zemuis, maganda na rin ang naging buhay ng prinsipeng iyon. May anak na rin siya, ang kaso nga lang ay hindi pa namin kilala ang naging wife niya dahil itinago niya ito mula sa amin. We understand naman, as long as happy rin siya just like his older brother.

Lumuhod ako para ma-level ko ang face ng mga baby ko. Sabay pa nila akong niyakap kaya muntik na kaming matumba na tatlo. Hinalikan ko sila pareho sa cheek nila.

Gloom Series 6:Beg to be Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon