CHAPTER 13

1.7K 24 0
                                    

Chapter 13: Pregnant

ANG bigat ng katawan ko kinabukasan at parang ilang beses akong nabugbog. Kahit ang mahinang paggalaw ko lang ay hindi ko man lang magawa. Napapangiwi pa ako dahil sumisisid pa rin ang kirot sa pagkababae ko. Napasobra yata kami kagabi.

When I looked at myself ay suot ko na ang puting t-shirt and my pajama. Maybe ang asawa ko nga ang nagbihis sa akin.

When I checked the digital clock sa bedside table namin ay 10:51AM na. Kumakalam na rin ang sikmura ko. Dahan-dahan kong iniangat ang katawan ko at napatingin naman ako kay Xenus na kapapasok niya lamang sa room.

As far as I remember ay wala na dapat siya rito sa ganitong oras because my work pa siya and he’s busy.

“Jhed,” he uttered my name and rushed to me para alalayan niya ako. “You okay?” he asked me. Mabilis akong umiling dahil hindi ako okay.

“My body is heavy and I was sore, and too painful, Xenus,” reklamo ko. Hinalikan pa niya ako sa sentido at tipid na ngumiti sa akin. Nababasa ko ang guilt na nakarehistro sa mukha niya. I cupped his jaw dahil baka sinisisi niya ang sarili niya kung bakit ako nagkakaganito. “I’ll be fine, Xenus. I had a great time doing what we did last night. Remember that I wanted us to have a baby?” I asked him and he nodded. He kissed my temple.

“I’m sorry for everything, Jhed,” mahinang sambit niya. Niyakap ko lang siya at humilig ako sa balikat niya.

Napapangiti ako dahil pamilyar na sa akin ang pakiramdam na ito. Iyong saya na siya mismo ang dahilan. Na siya ang nagpapasaya sa akin. Ang bilis na nga ng heartbeat ko at nagugustuhan ko na ang presensiya niya.

“Uulitin pa rin natin iyon para sigurado tayo, ’di ba?” Narinig ko lang ang pagtikhim niya at humigpit ang yakap saka niya sinubsob ang mukha niya sa leeg ko.

Kakayanin ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon dahil sa lovemaking namin basta gusto kong magka-baby na kami.

“Okay.”

“Bakit nandito ka pa rin sa bahay natin, Xenus? Hindi ba dapat ay nasa work ka na?” I asked him at marahan kong hinaplos ang dibdib niya. Nakapambahay rin siya at talagang hindi siya pumasok sa company nila.

“From when we did last night? Nah, hindi kita kayang,” sabi niya at hinagkan niya ulit ako sa gilid ng ulo ko. He’s so sweet.

“Thank you, Xenus.”

“For what?” tanong niya.

“Dahil mas pinili mo ang samahan ako ngayon,” sagot ko sa kanya.

“Ah, well... You’re always welcome. I’ll our maid to prepare your brunch, Jhed,” sabi niya at inalalayan niya ulit ako na makahiga sa kama.

***

Hindi nga ako nabigo sa gusto kong mangyari dahil sa halos gabi-gabi niya akong inangkin ay nagbunga ang aming ginawa.

I’m so happy but I notice the change in Xenus’ attitude. Especially the way he treats me. Ngunit pilit ko namang binabalewala iyon dahil may mga pagkakataon ay inaalagaan niya ako.

But during my 6 to 7 months pregnancy ay madalang ang uwi niya sa mansion namin dahil palagi na siyang busy sa work niya. May mga business trip siya na pinupuntahan.

Until straight ng isang buwan ay wala siya at tumatawag lang siya sa akin para lang tanungin ako kung kumain na ba ako dahil ayaw niyang malipasan ako ng gutom dahil may baby kami. Hindi lang isa, we’re having a twins hindi ko nga lang nasabi kay Xenus dahil gusto kong i-surprise siya.

Si Zemuis ay kahit alam niyang buntis na ako ay nagpatuloy siya sa pagbibisita sa akin. Nag-aaral pa rin siya and just like his older brother ay mabilis siyang natuto.

Gloom Series 6:Beg to be Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon