CHAPTER 38

1.8K 24 0
                                    

Chapter 38: Found her twins

NA KUNG minsan din ay naaawa ako sa kanya. Parang bata rin naman kung makaasta. Kapag hindi ko na siya papansinin ay uupo na lang siya sa isang sulok at yayakapin ang mga binti niya. Halos mabali na nga ang leeg niya sa kayuyuko niya.

Napapatawa ako kung minsan pero hindi ko iyon ipinapakita sa kanya. Na-discharge rin naman ako after a week at sa mansion pa rin kami nag-stay, kina Daddy at Mommy.

Natanggap na nga nila si Xenus. Kahit napapansin nila na iwas na iwas ako rito pero hindi naman sila nagkokomento pa. Na hinahayaan na lamang nila kami.

Si Renna ay palagi na siyang nandito, hindi rin naman dahil sa akin. Kasi hinahanap pa rin ng Daddy niya ang kakambal ko. Nag-aaral na nga ng daycare ang anak ko at kahit gusto ko siyang ihatid kung minsan ay hindi ko naman magawa. Hindi pa raw safe.

Napatikhim ako at tiningnan ko ang side ni Xenus. Nakaupo siya sa sahig at ganoon pa rin ang posisyon niya. Nasa living room kaming lima. As usual kasi ay busy ang parents ko sa work nila pero maaga pa rin naman sila kung umuwi rito.

Maingay ang tatlo habang naglalaro sila. Dahil sa pagdating nga ng kambal ay maraming laruan ang binili ng parents ko for them. Nag-e-enjoy naman ang tatlo.

“Come here, Lindbergh. May pag-uusapan tayong dalawa,” sabi ko at wala pang isang minuto ay agad na siyang tumayo. “Kumuha ka na muna ng meryenda sa kitchen. Gusto ko ng coffee,” utos ko pa at mabilis siyang nagtungo roon. Napatingin ako kay Renna ng nasa akin na pala ang atensyon niya. “What is it, honey?” I asked her.

“Mommy, may servant po tayo here. Bakit si Daddy Xenus ang uutusan mo para kumuha ng meryenda natin?” I shrugged my shoulder.

“Mukha siyang servant, eh. Next time ay hihingi ako sa Lola mo ng damit ng isang kasambahay para sa kanya,” sabi ko at napasinghap siya sa gulat.

“Mommy, that is so mean na po,” nakangusong sabi niya na ikinahalakhak ko.

Sa pagbalik ni Xenus ay may dala na siyang malaking tray at maingat niyang inilapag sa center table. Sandwich, pancake, pasta and drinks ang hinanda niya at may coffee rin.

“Meryenda time!” sigaw ng mga bata at lumapit sila sa amin.

Nagdala nga lang sila ng maliit na chair nila at doon na lang sila sa center table. Inasikaso pa sila ng Daddy nila, and as for Renna. Kahit kayang-kaya na nga niya ang sarili niya na kumuha ng gusto niyang kainin ay hinintay pa niya ang pag-asikaso nito sa kanya.

Siya pa nga ang naunang bigyan ng sandwich at pasta sa bowl niya. Napangiti pa ako nang makita ko ang paghalik niya sa noo nito. Parang anak na nga rin ang turing niya sa panganay ko.

“Hala po, Daddy Xenus! May pasa ka?!” gulat na tanong ni Renna at hinawakan pa ang braso niya.

“This is nothing, Renna. I’m alright,” sabi niya at sumilip pa nga ako para lang makita iyon. Namumula nga ang kaliwang kamay niya.

I cleared out my throat at tumayo ako para kumuha ng medicine kit. Mayroon naman dito sa libing room at pagkakuha ko no’n ay bumalik ako sa kinauupuan ko. Kinuha ko lang ang gamot para sa pagkapaso.

“Jhed?”

“Halika rito. Gagamutin ko ’yang kamay mo. Hindi ka kasi nag-iingat,” paninisi ko pa sa kanya at umupo ako ng patagilid sa sofa.

Isang salita ko lang ay susunod na siya agad. Ganito siya palagi. Tumaas pa ang kilay ko sa paraan nang pag-upo niya. Dahil parang isa siyang hari at sinasakop niya ang reyna niya.

Nasa tuhod ko ang kamay niya at nasa gitna na nga ako ng mga hita niya. Hindi ko na lamang pinansin pa ang posisyon naming dalawa. Tinutulak ko kung minsan ang dibdib niya dahil sa pasimpleng pagsinghot niya sa buhok ko. Nang hinahayaan ko na nga siya ay panay halik na siya sa sentido ko.

Gloom Series 6:Beg to be Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon