CHAPTER 31

2K 31 0
                                    

Chapter 31: Princess & Trip together

THE NEXT day ay nag-impake na ako ng mga gamit ko na dadalhin ko sa Philippines, sa pag-uwi ko. Gustuhin ko man na ayaw magdala ng mga ito dahil kay Xenus ito nagmula ay wala na akong choice pa.

Baka kasi mananatili muna ako sa isang hotel. Dahil kailangan ko rin magpagawa ng passport para lang makasakay ng plane. May sapat na akong perang dala at nandito pa ang cards ni Xenus. Mayaman naman na siya kaya okay lang gamitin ito at alam kong hindi pa mauubos. Babayaran ko na lamang siya pagdating ko.

“Mommy are you leaving?” tanong sa akin ni Rence. Nang makita niya akong nag-aayos na ng mga gamit ko. I kneeled in front of my son and I held his both cheeks. I smiled at him. Kamukhang-kamukha niya talaga ang Daddy niya. Psh.

“A-Are you, Mommy?” singit na tanong naman sa akin ng anak kong babae na si Qence. Kambal sila at iisa lang talaga ang mukha nila. Hinaplos ko pareho ang pisngi nila at hinalikan ko sila sa noo.

Masakit man ay kailangan ko itong gawin. Apat na taon na rin naman akong nawala. Hindi dahil naglayas ako o sumama sa ibang lalaki gayong may asawa ako.

I am married with Cervin Raeson Vesalius at pakiramdam ko, nagtaksil ako sa sarili kong asawa. Mahal ko si Cervin at kahit malayo ako ay alam kong hinahanap na ako no’n. Kaya bago pa mahuli ang lahat ay kailangan ko nang umuwi sa Pinas, dahil nasa Denmark ako at this moment.

“Babalik ka naman, ’di ba po, ’My?” naiiyak na tanong sa akin ni Qence. Namumula na ang ilong at pisngi niya na ikinangiti ko. Si Rence na nakakuyo lang at alam kong umiiyak na rin siya.

“Babalik naman pero hindi ko alam kung kailan,” sagot ko at nginitian ko sila.

Masakit ang iwan sila, ang malayo sila sa akin pero kailangan na kailangan ko na talagang umalis sa lugar na ito dahil alam ko, ikamamatay ko ang mag-stay rito nang mas matagal.

I have a car accident four years ago, at comatose ako for two months, then when I woke up one morning. Wala na akong alaala. I am stucked with darkness and full of sorrow.

“Can we go with you, Mommy?” Si Rence naman ang nagtanong sa akin.

“No, son. You’ll stay with your Dad and I won’t promise kung babalik pa ako rito,” sabi ko dahil kasi may pakiramdam ako na hindi na ako babalik pa sa villa na ito.

“You mean, hindi ka na po talaga babalik?” humihikbing tanong ni Qence.

Bahala na ang Daddy ninyo. Hindi naman ako takot na hindi ko na sila makita pa kung sakaling aalis ako. Natatakot ako pero alam kong hindi naman niya ilalayo ang mga anak ko sa akin.

Minsan ang mga ibon na matagal mo nang ikinulong sa isang hawla ay kailangan mo ring palayain. Dahil tayo, bawat tao ay may sariling kalayaan. Mga ibon pa kaya?

Gusto ko lang din makalaya sa buhay na ito na puro kasinungalingan lang at puno ng pighati. Well, masaya naman na ako dumating sa buhay ko ang kambal kong anak. Masakit ang iwan sila pero kailangan. Kailangan kong gawin ito bago pa ako masiraan ng bait sa prinsipeng iyon. Walang kuwenta.

“Mahal na mahal ko kayo,” tanging nasambit ko at kinuha ko na ang maleta ko.

Dinig na rinig ko ang pag-iyak nilang dalawa habang habol-habol ako ng mga ito. Pero tiniis ko ang sarili ko at walang emosyon na lumabas mula sa silid na iyon.

“Mommy!”

“Mom, don’t leave us, please!”

“Mommy, sama na lang po kami!”

“The mistress is leaving,” ani ni Margarette nang madatnan ko siya sa sala ng mansion.

Walang nababahirang emosyon na tiningnan ko siya habang may mapaglaro sa kanyang labi.

Gloom Series 6:Beg to be Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon