CHAPTER 32

1.7K 25 0
                                    

Chapter 32: The arrival

SAFE na lumapag ang private plane ni Xenus sa NAIA at nakarating na nga kami sa Philippines. Tulala pa ako habang nakatingin ako sa labas ng bintana at bumibilis ang tibok ng puso ko.

Ang bansang ito na hindi ko naman sinasadyang kalimutan at talikuran na lamang bigla dahil nakaalis ako rito ng hindi ko naman namamalayan. Samu’t saring emosyon ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Apat na taon din akong nawala. Apat na taon ko ring nakalimutan ito at ni hindi ko man lang sinubukan na umuwi rito kasi masaya ako. Masaya na talaga ako sa buhay na kasama ang pamilya ko, ang mag-aama ko.

“Mommy?” Pagkuha ni Qence sa aking atensyon. Huminga ako nang malalim saka ko ibinaling ang paningin ko sa anak ko. Ginawaran niya ako agad ng matamis na ngiti. Hinagkan ko siya sa noo niya at tumingin pa ako kay Rence.

Inosenteng nakatitig lang siya sa daddy niya habang isinusuot sa kanya nito ang isang mabalahibong jacket. Napakunot-noo ako. Mainit dito sa Pinas at bakit ganyan kakapal ang ipasusuot ni Xenus sa kanyang anak?

“What are you doing, Xenus? Wala tayo sa bansa ninyo nor Korea. Hindi malamig dito. Bakit jacket ang gusto mong ipasuot sa anak mo?” malamig na tanong ko sa kanya. Saglit niya lang akong tinapunan nang tingin at inayos niya lang ang jacket sa katawan ni Rence. Lumapit siya sa amin at si Qence na naman yata ang susuotan niya ng makapal na jacket. Because he got one pa. “Xenus,” mariin na sambit ko sa pangalan niya at tumikhim lang siya. Ayaw pa akong pansinin ng lalaking ito. Grr.

“It’s okay po, Mommy. So cute naman po siya and comfortable,” sabi ni Qence at hinahaplos na niya ang balahibo no’n. Kulay pink iyong kanya at blue naman para sa kakambal niya pero hindi pa naman niya alam na mainit dito.

Nang hawakan ko iyon ay higit na kumunot ang noo ko dahil ang tigas nito at sobrang kapal pa. Ano’ng klaseng tela naman ito?

“Xenus—”

“A bulletproof jacket, Jhed. Hindi natin alam kung safe pa ba tayong makalalabas dito sa airplane, o sa kahit na eroplano.” Sa hindi ko malaman na dahilan ay nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya. Bakit kailangan ng ganitong bagay ang mga anak niya? Bakit parang...

Hinawakan ko ang braso niya at doon niya lang ako binibigyan ng pansin. “What do you mean by that?” I asked him.

“I’m just a foreigner of this country, Jhed, and four years ago... May ginawa ako na hindi maganda rito and my name, nasa blocklist na nila,” seryosong paliwanag niya.

Kaya ba hindi na siya nagtangka na ibalik ako rito dahil sa pangalan niyang nasa blocklist na? At ano naman kaya ang ginawa niya rito para gawin iyon sa kanya ng mga—may kinalaman kaya ito sa akin?

Napapitlag lang ako nang itayo niya rin ako at may panibago na naman siyang jacket pero mas malaki na ito compared sa suot ng mga anak namin.

“Ako na,” sambit ko pero hindi niya ako pinakinggan. Siya pa rin ang nagsuot nito sa akin.

Pagkatapos no’n ay inutusan niya ang mga tauhan niya. Pinagpawisan na ako ng malamig dahil masyadong seryoso ang prinsipe na ito. Na parang may panganib nga ang naghihintay sa amin at nakaabang pa. Handang-handa kasi siya, eh.

Nang bumalik si Xenus sa amin ay binuhat niya sina Qence at Rence. Natuwa pa nga ang dalawa dahil binuhat sila ng daddy nila na walang kahirap-hirap.

“Jhed, stay with my back. No matter what happens, just walk straight at huwag ka nang lumingon pa sa likuran mo,” paalala niya lang at hindi na ako nakipag-argument pa sa kanya.

Ang royal guard niya ay sila ang nagbuhat ng luggage namin. Yes, nakapaghanda pa silang tatlo. Naglakad lang ako sa likuran ni Xenus at hindi ko lang mapigilan ang hindi ngumiti dahil nasa akin ang atensyon ng kambal ko.

Gloom Series 6:Beg to be Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon