CHAPTER 48

1.9K 24 0
                                    

Chapter 48: Lovemaking

WARNING: R-18. This story contains mature content that not suitable for young readers and sensitive people, only for open minded. Read at your own risk.

BAGO kami bumalik sa hotel ay bumili na muna kami ng meryenda for our kids. Paborito na nila ang Jollibee, noong nasa Canada ang magkapatid ay ako minsan ang nagbabantay sa tatlo. Pinapasyal ko sila tapos nauuwi rin sa Jollibee. Nang makita iyon ni Qence ay nagtatalon na siya sa sobrang saya at ang lapad pa ng ngiti niya. Mahinang natawa ako.

“I love you always, Daddy. Thank you po,” malambing na sabi niya at hinalikan pa ang pisngi ko.

“I love you too, baby,” nakangiting sabi ko rin sabay halik sa pisngi niya.

Tahimik lang si Rence pero ang laki ng ngiti niya. Hinalikan ko lang ang noo niya saka ko tiningnan ang anak ni Jhed. Si Renna Cerae, hindi naman siya mahirap mahalin. Nakikita ko sa kanya ang Mommy niya at pakiramdam ko ay anak ko na nga rin siya. Sigurado ako na kapag lumaki na siya ay sa Mommy niya siya magmamana.

Malambing siyang bata at mabait, pero minsan daw ay suplada ito lalo na sa mga taong hindi niya kilala. Mahal ko ang Mommy niya at mamahalin ko rin ang mga mahal sa buhay ni Jhed.

“Saan po ba kayo nagpunta ni Mommy, Daddy Xenus? Tapos nakabili po kayo nitong Jollibee?” she asked me in confused. Palaging may kislap sa mga mata niya.

“Nag-enroll for your Mom. Mag-aaral na ulit siya dahil gusto iyon ng Mommy Cashner mo,” sagot ko at tumango lang siya. “You want fries, baby?”

“Yup po. More fries, please!” I kissed her cheek bago ko sila iniwan doon sa living room ng penthouse ko. May babysitter naman sila na nagbabantay sa kanila at hindi kami mababahala pa roon.

Hinanap ko pa si Jhed. Dahil pagkatapos niyang halikan sa noo ang mga anak namin ay nagtungo agad siya sa kuwarto na tinutuluyan ng mga ito. Nakita kong nakahiga siya sa kama.

“Jhed?” I uttered her name.

“Oh?” tugon niya. I sat down on the bed at sinalat ko ang noo niya pababa sa leeg niya. Normal naman ang temperature niya. “Okay lang naman ako. Wala akong sakit, Xenus,” sabi niya at tinanggal ang kamay ko pero hinawakan na lamang niya iyon. Pinaglalaruan niya ang mga daliri ko.

“Gusto mo talagang makita si Margaret?”

“Ha?! Ano’ng gusto ko siyang makita?! Gusto ko lang siyang harapin! Dahil sa ginawa niya sa akin! Ano’ng makita. Psh,” nagsusungit na sabi niya na tinawanan ko na lamang siya.

“Wala kang sakit pero bakit nandito ka?” nag-aalala ko pa ring tanong sa kanya.

“Napagod ako kanina sa paghihintay ko na ma-enroll ako at gusto kong mag-rest. Come here, tumabi ka sa akin,” sabi niya at agad na akong tumabi sa kanya nang higa. Naghintay raw siya kanina pero ako naman ang pumila, ha. Hindi ko na lamang sinabi iyon dahil baka magalit pa siya sa akin.

Isinubsob niya ang ulo niya sa dibdib ko. Hinalikan ko naman ang ulo niya at inamoy ang buhok niya. She smell so good. Umabot ang tungki ng ilong ko sa leeg niya.

“Jhed, no... Masyado pang maaga,” natatawang sabi ko dahil sa kamay niyang nasa belt ko na at sinusubukan na niyang tanggalin iyon.

“Inuunahan na nga kita,” sabi niya.

“But we can’t do that thing here. Dito natutulog ang mga bata,” sabi ko at bigla siyang bumangon. “Jhed?”

“Gumamit tayo ng bagong hotel room?” suhestiyon niya. Dahil sa nakikita ko na handa na nga siyang gawin iyon ay pinagbigyan ko na siya. Baka magbago pa ang isip niya.

Gloom Series 6:Beg to be Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon