CHAPTER 6

1.8K 34 0
                                    

Chapter 6: Meeting the 12th Prince of Denmark

KAHIT na sinabi na sa akin ni Xenus na wala kaming anak ay hindi pa rin nawala sa isip ko ang batang babae na iyon. Malakas ang kutob ko na nakilala ko na siya at alam ng puso ko kung sino siya sa buhay ko.

Hindi ko alam kung bakit ayaw akong paniwalaan ni Xenus. Kahit nawala man ang alaala ko ay hindi ko makakalimutan ang anak ko. Alam kong anak ko siya, hindi ako puwedeng magkamali.

I feel like there’s something wrong.

“Jhed.” Hindi ko pinansin ang tumawag sa akin dahil alam kong si Xenus lang iyon. “Jhed, hey,” he said at naramdaman ko na lamang ang pagyakap niya sa akin from behind.

Nanuot agad sa akin ang matapang na perfume na gamit niya. Mainit ang klase nang yakap niya pero wala akong maramdaman na tila pamilyar ito sa akin. Wala akong nararamdaman na kahit na ano.

Nang hindi pa rin ako kumikibo ay iniharap niya ako sa kanya kahit naka-wheelchair pa rin ako. Ikinulong ng dalawang palad niya ang pisngi ko.

“Nahanap mo na ba si Renna Cerae, Xenus?” tanong ko at tumigas lang ang expression ng mukha niya. It seems na hindi niya nagustuhan ang narinig niyang sinabi ko.

“Jhed, how many times do I have to tell you that we don’t have a daughter?” malamig na tanong niya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at nagmamakaawa ko siyang tiningnan.

“I told you na hanapin ang anak ko, Xenus. Naniniwala ako na totoo siya at anak ko siya,” sabi ko na ikinailing niya sa akin. Binawi niya ang kanyang kamay at tumayo siya. “Xenus...”

“Yes. May anak na sana tayo pero nawala siya noong pinagbubuntis mo pa lang siya. That’s because of your car accident, Jhed,” sabi niya at nag-init lang ang sulok ng mga mata ko.

“Xenus...”

“I’m done talking with you,” malamig na saad niya saka niya ako iniwan.

“Xenus...”

Bakit ganoon siya sa akin? Bakit ayaw niya akong paniwalaan, eh ako ang asawa niya? Bakit? Bakit niya ako pinapahirapan ng ganito? Bakit hindi na lamang niya ito hanapin para sa akin?

Renna Cerae... Alam ko talaga na hindi ka ibang bata sa akin. You’re my daughter, Renna. N-Nasaan ka na ba?

Nang sumapit ang gabi ay nagdala lang ng pagkain ko sa room ko ang mga kasambahay.

“Where’s Xenus?” I asked them.

Naninibago lamang ako dahil noong nagising na ako from my comatose ay kasama nila palagi ang asawa ko sa tuwing nagdadala sila ng pagkain ko. Siya ang nagpapakain sa akin.

“Umalis po kanina si Prince Xenus, Young Lady,” sagot sa akin ng isa at hindi ko alam kung bakit palagi kong naririnig ang pagtawag nila kay Xenus na prince. Iniisip ko na baka first name niya iyon. Kahit ang pangalan ng sarili kong asawa ay hindi pa ako sure kung Xenus lang ba talaga o may karugtong pa ito.

Pero nang makita ko ang kabuuan ng mansion namin ay doble ang laki nito kaysa sa mga normal na mansion lang.

Malawak ang ground nito at makikita rin mula sa malayo ang matatayog na punong kahoy na nakapalibot sa mansion. Fifth floor din ito, may sarili siyang gym, entertainment room, ball room. Sampu ang guest room at may malaking swimming pool. Sa likod ng mansion ay may soccer field naman at malawak din siyang garden.

Dalawang araw kong hindi nakita si Xenus dahil siguro... Nagalit talaga siya sa akin. Kasi hinahanap ko raw ang batang babae na hindi naman daw nag-e-exist sa mundo.

Gloom Series 6:Beg to be Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon