CHAPTER 28

1.6K 22 0
                                    

Chapter 28: Begging

“ARE you sure, hon?”

“I have my car with me, babe. Nasa bahay rin siya ni Mommy at this moment, right?”

“Yes. Okay, take care. I love you.”

“I love you too, babe.”

Naalala ko na, naalala ko na ang asawa ko. Cervin Raeson Vesalius is my real husband at anak namin si Renna Cerae. Ang batang babae na naalala kong malapit din sa puso ko. Siya pala... Siya pala ang anak ko. Na inakala ko rin na hindi siya totoo, na baka gawa-gawa lamang siya ng imagination ko.

Bakit nagawa ito ni Xenus? Bakit niya nagawa sa akin ang bagay na ito?!

“Jhed...”

“Get out! Get out of here!” pagtataboy ko kay Margaret na walang ibang ginawa kundi ang ngumisi lang siya sa akin.

“I’m telling the truth, Jhed.”

“Wala akong pakialam sa sinasabi mo! Umalis ka na! Hindi ikaw ang gusto kong makausap ngayon! Si Xenus! Ang tang-inang prinsipe na iyon ang dapat magpaliwanag sa ginawa niya sa akin at hindi ikaw!” sigaw ko pa at narinig ko na lang ang pag-iyak ng mga anak ko.

“Mommy...” Nang sinubukan nilang lapitan ako ay umatras ako. Hindi ko alam kung bakit parang natakot ako. Natakot ako...

Pero may naramdaman akong kirot sa dibdib ko nang makita ko ang sakit at lungkot na dumaan sa mukha nila. Si Qence ang mas umiiyak habang inaalo siya ng kuya niya.

“Come here, twins. Alam ko kung saan ang Daddy ninyo. Dadalhin ko kayo roon. He’s waiting na rin sa inyo, eh,” sabi ni Margaret at nilapitan niya ang kambal. Sinubukan niyang buhatin si Qence pero pinagpapalo siya ni Rence sa binti niya.

“Don’t touch my little sister! Don’t touch her!”

“Mommy! M-Mom...” I shook my head.

Nang aalis na sana ako sa living room ay narinig ko pa ang pagmamakaawa nila. Tumulo ang mga luha ko. Bakit...bakit may pag-aalinlangan ako na lapitan sila? Bakit? Wala naman silang kasalanan. Wala naman... Anak ko sila...

“Mommy!” Pinunasan ko ang mga luha ko at lumapit na ako sa kanila.

Kinuha ko mula kay Margaret ang anak ko at agad itong yumakap sa leeg ko.

“I told you to get out of here!” sigaw ko sa malamig na boses. Itinago ko mula sa likuran ko si Rence na iyak nang iyak na rin siya. Ang higpit nang yakap nito sa laylayan ng suot kong damit.

“Akala ko kapag nalaman mo ang ginawa sa ’yo ni Xenus ay wala ka na ring pakialam pa sa kambal. Dahil galit na galit ka na nga sa Daddy nila,” nakangising sabi niya. Gusto ko siyang sampalin. Pero hindi ko lang kayang gawin dahil sa mga anak ko at kumikirot na rin pati ang ulo ko.

“Walang kasalanan ang mga anak ko. Sa akin sila kaya bakit idadamay ko sila sa galit ko sa Daddy nila?!”

“M-Mommy, stop it, please...”

“Umalis ka na, Margaret. Habang mahaba pa ang pasensiya ko sa ’yo at nagtitimpi lang ako na kaladkarin ka palabas,” malamig na saad ko at bumaba ang tingin ko sa suot niyang green na stiletto.

Ito ang...itong green stiletto niya ang huli kong nakita bago ako nawalan nang malay at ang araw na naaksidente rin ako. May... may kinalaman kaya siya sa aksidente ko?

“Fine. Babalik pa rin ako rito para makuha ang kambal. Tandaan mo na ako ang legal guardian nila, Jhed. Ikaw man ang biological mother nila ay ako pa rin ang legal mom.” I lose my control. Ibinaba ko si Qence at ipinuwesto ko rin siya sa likod ko kung saan nakatago rin ang kakambal niya.

Gloom Series 6:Beg to be Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon