CHAPTER 42

2.2K 26 1
                                    

Chapter 42: Girlfriend

HE CUPPED my face and lowered his mouth to mine in a soft suggestive kiss. The kiss was more fiery, more sure and more demanding. I felt his restraint, his tenderness as he planted butterfly kisses on my jaw, down to my neck and shoulder.

“I want you, Jhed...” Pinigilan ko na siya dahil doon. Nag-iinit na nga ang pisngi ko at maging ang katawan ko pero nagawa ko pang magpigil.

“I’m tired from the trip, Xenus. Spare me,” sabi ko at marahan ko na siyang tinulak pa.

“Jhed...” Nasa boses niya ang pagsusumamo. I chuckled at naningkit ang eyes niya kasi nagagawa ko pa siyang tawanan.

“Do you still love me kahit nagawa kitang saktan at pagtulakan noon, hmm?” tanong ko sa kanya at tumango siya.

“I love you...” sambit niya at mararamdaman mo talaga ang pagmamahal niya sa ’yo.

Suwerte bang matatawag ang nagkaroon ako katulad niya? To be honest ay wala na nga akong problema pa sa kanya. Mahal na mahal niya ang mga anak namin, lalo na ang anak namin ni Cervin. Ewan ko kung ano lang ang pumasok sa utak niya kung bakit sa dami-dami ng babae sa mundo ay ako pa ang pinili niyang mahalin niya.

“Why? Bakit ako ang pinili mo? Ang daming babae riyan. May kauri ka from the royal family? Isang prinsesa. Bakit ako? Bakit sa akin ka pa nahulog? Sa babaeng may asawa’t anak na?” sunod-sunod kong tanong sa kanya. Isa ito sa gusto kong malaman, eh.

“Hmm... Nahuli lang ako, Jhed. Dahil kung iyon naman pala ang nangyari ay sana dinala na kita sa Denmark kahit na...bata ka pa no’n. Walang dahilan kung bakit ikaw ang pinili ng puso ko. Kaya kung mauulit ang nangyari noon ay hindi ako magdadalawang isip na ilayo ka ulit dito,” seryosong sabi niya.

“What do you mean by that bata pa ako noon?” I asked him in confused.

“Secret,” sabi niya lang kaya sinuntok ko ang sikmura niya pero hindi naman siya nasaktan. Tiningnan naman niya ang buhok ko at sinuklay niya iyon gamit ang mahahaba niyang daliri. “Humahaba na ang buhok mo, Jhed,” sabi niya. Umikli kasi iyon ng naoperahan ulit ako pero hindi naman literal na kinalbo ako.

I rested my chin on his shoulder and nag-tiptoe na ako dahil hindi ko iyon kayang abutin. Hindi ako naka-heels, kasi flat shoes lang ang suot ko. Until I wrapped my legs around his waist at sumiksik ako sa leeg niya.

“I’m sleepy,” mahinang wika ko. Bumuntong-hininga pa siya at hinawakan na lamang niya ang likuran ko at ang ilalim ng hita ko.

“And I’m hungry. Nagpahanda ako ng dinner natin.”

“But tapos na ako kumain ng dinner ko kanina,” sabi ko.

“But at least huwag mo akong tulugan habang kumakain ako. Jhed, gutom ako.”

“Pero gusto mo pa akong angkinin kanina kahit nag-aalburoto na ang tiyan mo?” laban ko.

“Kaya kong tiisin ang gutom ko,” sagot niya.

“Nasaan ba ang hinanda mong dinner? Sasamahan kita,” sabi ko.

“Nasa baba iyon. Wala rito.”

“Then tayo na sa baba.”

“But Jhed, bumaba ka na muna.”

“Ayaw ko.” Mas sumiksik lang ako sa kanya para hindi niya ako pababain. No choice na naman siya kundi ang buhatin na lamang ako habang naglalakad na siya sa hanging bridge.

Nararamdaman ko ang paggewang nito at humihinto siya kapag gumagalaw na iyon. Tumitikhim pa siya pero mahigpit din naman ang paghawak niya sa baywang ko. Na parang takot din siyang mahulog ako.

Gloom Series 6:Beg to be Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon