CHAPTER 33

1.7K 20 0
                                    

Chapter 33: The strange feelings

NAUBOS namin ang pizza at ang burger na binili ng tauhan ni Xenus. Busog na busog na nga si Qence at marahan kong hinimas-himas ito dahil napansin ko ang paghawak niya. Nakikita ko rin ang paghinga niya na awang na awang ang labi.

“Busog na ba ang baby ko, hindi ka na hungry?” I asked her at tumango naman siya as for respond.

Napatingin ako sa labas ng bintana at pumasok na ang sasakyan namin sa isang subdivision. Maraming security sa guard house. Alam kong place na ito ni Tito Mori. Sa paghinto nito ay nasa tapat na namin ang malaking mansion.

Bumukas na agad ang pintuan sa side namin pareho ni Xenus. Nauna akong bumaba bago ko inalalayan si Qence. Dahil sa laki ng stomach niya kasi nga marami siyang nakain at mabagal ang bawat galaw at kilos niya. Pinasan ulit siya ng kanyang ama bago kami nagtungo palapit sa mansion. Hinawakan niya lang din sa kamay si Rence dahil mas pinili nito ang maglakad.

Malaki na itong mansion ng parents ni Xena pero walang-wala talaga ang villa ni Xenus. Talagang mayaman naman ang isang ito. Napailing na lamang ako sa naisip ko at pumasok na lang kami sa loob. Bumungad sa amin ang maganda at malaking living room. May mga bulaklak pa sa vase ang nakapaligid dito.

Una kong nakita si Tito Mori at napatayo pa siya nang makita akong naglalakad na towards him.

“Wow, my beautiful niece.” Patakbong nilapitan ko si Tito at sinalubong naman niya ako nang mahigpit na yakap.

Close kami ng anak niyang si Xena at isa na siya sa second father ko. Dahil parang si Daddy lang naman siya. Mabait siya at maalalahanin, pero kung iba na ang kaharap niya ay seryoso siya at walang eskpresyon ang mukha niya.

“Tito...”  Naramdaman ko ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko at ang paghagod niya sa aking likuran.

“Cashren, welcome back... Finally...” Kahit nalaman ko na may alam din ang tito ko sa nangyari sa akin ay hindi naman ako nakaramdam ng galit sa kanya. Kasi alam kong may mga dahilan siya kung bakit mas pinili niya rin ang magpanggap na wala siyang kaalam-alam sa nangyayari.

“T-Thank you po, Tito... Si Xena po ba ay nasaan na?” tanong ko at kumalas ako mula sa aming yakapan. Pinunasan ko pa ang nangingilid kong mga luha.

Hindi sumagot si Tito Mori at bumuntong-hininga lang siya. Ramdam na ramdam ko ang bigat at ang lalim no’n. Mukhang may problema siya sa cousin ko.

“Hon. May narinig akong maraming sasakyan sa labas—Wait... Sino ang kasama mo ngayon, honey?” nagtatakang tanong ni Tita, ang wife ng uncle ko. Ewan ko kung nagkukunwari lang ba siya or sadyang hindi na niya nga ako nakilala pa? Nakalimutan niya ako ng ganoon lang kadali? Four years lang naman akong nawala, ah. May short-term memory yata si Tita.

“It’s my niece, honey. Si Cashren,” sambit ni Tito Mori.

“The real Cashren?!” gulat na sambit pa niya at nagmamadali pa siyang lumapit sa side namin.

Mabilis na inagaw naman ng tito ang dala niyang tray. Mahigpit din akong niyakap ni tita na ginantihan ko naman.

“Prince Xenus, please have a sit,” narinig kong sambit ni Tito Mori.

“Oh my, God... Hija... Akala ko ay hindi ka na namin makikita pa,” naiiyak na sabi ni Tita at hinawakan pa niya ang mukha ko.

“Puwede po ba iyon, Tita?” tanong ko at naiyak talaga siya nang makita na niya ako.

“But your cousin, our daughter... Ang sabi niya ay nasa maaayos na kalagayan ka naman at huwag ka raw namin na masyadong alalahanin pa. But we can’t help it dahil wala talaga kaming idea kung nasaan ka na,” aniya.

Gloom Series 6:Beg to be Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon