CHAPTER 18

1.6K 23 0
                                    

Chapter 18: Rejection

KAHIT sinabi ko na sa asawa ko na ako ang makikipag-usap sa elders ay hindi pa rin niya talaga ako pinagbigyan at hinayaan. Mas pinili niya ang umalis upang siya na lang ang haharap sa mga ito.

Alam ko naman na worried lang siya sa akin pero gusto ko rin naman ang makatulong sa kanya. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo niya, ’no? Tsk.

Sana nga lang ay makuha niya sa magandang pakikiusap ang mga elder at hindi siya mabigo sa pagpunta niya. Dahil talagang mapipilitan siya na ako ang haharap sa mga ito. Wala namang problema sa akin.

Napatingin naman ako sa crib ng kambal. Tumayo ako at pinanood sila habang may ngiti sa mga labi ko.

“Hay, ang gaganda ninyong tiningnan. Hindi ko akalain na dalawa pala kayo ang nasa tummy ni Mommy,” sabi ko.

Habang pinagmamasdan ko silang dalawa ay parang may isang parte pa ng pagkatao ko ang nawawala. Kahit nakikita ko ang mga anak ko ay tila may kulang.

Wala sa sariling napatingin ako sa painting na ginawa para sa akin ni Xenus. Nakita ko lang ang maamong mukha ng batang babae ay nakaramdam ako ng saya sa puso. Napangiti na lamang ako na may kasamang pagtulo sa mga mata ko.

My Renna Cerae...

THIRD PERSON’S POV

Taas noong naglalakad si Xenus sa loob ng headquarters kung saan madalas na nagpupulong ang mga elders and royal family. Lalo na ang Levanna-Lindbergh.

He only arrived when he announced his sudden arrival. Well, his purpose is not even about the knowledge of the elders.

There was only one thing he did that he knew would be a problem in the future. But since it happened that what shouldn’t happen, he has no choice but to stand on it. Another one that has to do with his children.

And yes, it’s wrong to hide a married woman and what’s worse is that he brought her home and became the mother of his children. He knows the consequence in the near future but her is preparing for it.

It really turns out that he is a paramour of a married woman but what else he can do if he already loves her and he’s afraid to lose her?

Sampu lang naman ang mga elder na dapat si Jhed ang haharap sa mga ito ayon sa rules ng kanilang pamilya. Pero mga kapatid at pinsan iyon ng Lolo niya.

Alam niya na kung may alam din ang mga ito tungkol sa gusto nilang makausap ay mapapahamak lamang ang ina ng kanyang mga anak.

Hindi naman kasi sila totoong ikinasal dahil may asawa ito sa bansang sinilangan pero wala siyang sinabi rito. May amnesia ito at natatakot siya na baka ma-trigger pa na ikapapahamak ng huli.

Kaya mas pinili niya ang maglihim at araw-araw na nararamdaman ang guilt sa dibdib niya. Hindi naman ito ang kanyang plano, ang itago ito at ilayo sa totoong pamilya pero alang-alang sa kaligtasan ay dinala niya sa Denmark na upang protektahan ito.

Ang bawat elders ay may kanya-kanyang upuan ang mga ito kaya nang makapasok ito sa conference room ay agad na pumuwesto ang mga ito sa kanila-kanilang seats.

“Prince Xenus, what is it that we heard that you are already married and have children?” tanong ng 2nd elder na kapatid ng kanyang lolo.

‘We heard? Baka sinabi lang sa inyo ni Grandfather kaya nalaman ninyo ang tungkol doon?’ naiinis na tanong niya sa kanyang sarili.

“Why didn’t we find this out sooner? Why are you keeping a secret that you are still hiding a wife in your house?” the third elder asked him.

‘Sooner? Mas maaga na nga nilang nalaman ito at talagang ililihim ko sa kanila ang tungkol kay Jhed,’ he uttered again.

Gloom Series 6:Beg to be Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon