CHAPTER 4

2K 41 0
                                    

Chapter 4: Accident

I really judged that man too much. Because he is a gentleman. That was the last night I saw him and I can say that it was like a kiss from the wind because I was only with him for a short time but he left a strange impact on me.

I didn’t even know if he was the real prince of Denmark. Pero walang dahilan na pagdudahan siya dahil ang dami niyang bodyguards.

I smile every time I remember how annoyed he was with me because he said he didn’t understand Tagalog. Maybe if he stayed here longer I might be more attached to him and I might even like that man.

But I met the man who I think will be with me for the rest of my life. I love Cervin Raeson Vesalius, even though I was still studying in college, I immediately accepted his marriage proposal.

I was serious when I agreed to marry him because he loved me. Hindi rin naman nagtagal ay nagkaroon kami ng anak. Renna Cerae, my beautiful daughter. One year and five months old na siya. Hindi pa siya gaano marunong magsalita.

“Papasok na naman si Mommy sa school nila at maiiwan ka na naman sa Momma mo, my baby...” nakangiting sabi ko at binuhat ko siya. Ilang beses kong hinalikan ang pisngi niya. Napabungisngis tuloy siya.

“Ah... Mommy!” Pati leeg niya ay hinalikan ko rin kasi lumakas ang pagtawa niya. Umupo ako sa sofa at inihiga ko siya sa lap ko, hindi ko siya tinigilan sa paghalik at sa pagkiliti ko sa kanya. Lumuluha na nga siya dahil sa kakatawa niya.

Kahit suot ko pa ang uniform ko ay balewala na iyon dahil mas gusto kong marinig ko ang boses ng baby ko.

“Hon, you’ll gonna be late,” sabi ng asawa ko at akma niyang kukunin mula sa akin si Cerae ay mahigpit ko itong niyakap at hinalikan ko ang sentido nito.

“Gusto ko pang mayakap ang baby ko, eh. Parang palagi ko siyang nami-miss araw-araw. What if, um-absent na lang ako, babe?” tanong ko at umiling siya.

“You need to, kahit hindi mo masyadong siniseryoso ang studies mo,” sabi niya.

“No, akin na muna si Cerae,” sabi ko at natawa na naman ng baby namin. Yumakap din siya sa akin at humilig sa dibdib ko.

“Cashren, honey...”

“Hayaan mo na ako, babe. Feeling ko kasi ay hindi ko na makikita pa ulit ang baby Cerae ko.”

“Ano ba iyang pinagsasabi mo? God, Cashren. Malamang araw-araw at gabi-gabi mo pa rin naman makakasama ang anak natin,” sabi niya.

Saglit ko pang tinitigan ang mukha ni Cerae, kamukha siya ng Daddy niya at kahit nga palagi ko pa rin siyang nakikita ay nararamdaman ko pa rin ang pagka-miss ko sa kanya. Parang hindi pa sapat ang mga oras na nakakasama ko siya.

“I love you, baby Cerae... Ikaw talaga ang nagpapasaya kay Mommy,” malambing na sabi ko at hinawakan niya ang pisngi ko kaya yumuko ako para mahalikan niya ang pisngi ko. “What a sweet, baby...”

“Akin na si Cerae, si Mommy ulit ang mag-aalaga sa kanya.” At this moment ay parang ayaw kong malayo sa anak namin pero wala naman akong magagawa pa dahil may pasok ako.

And I think, nararamdaman din ni Cerae ang pangungulila ko agad sa kanya dahil mukhang ayaw niya rin na humiwalay sa akin. Kaya matagal pa kaming naglambingan na tatlo saka ako tumigil.

Ikinulong ko ang maliit na mukha niya at hinalikan ang lips niya. “I love you, so much, baby Cerae.”

Humalik din ako sa pisngi ng asawa ko saka ako tuluyang lumabas. Minsan lang ako hinahatid ni Cervin sa school dahil ako ang nagda-drive ng sasakyan ko, eh.

Gloom Series 6:Beg to be Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon