CHAPTER 41

1.9K 22 0
                                    

Chapter 41: Reunited

AFTER our chit-chat with my family ay diretso agad kami sa bedroom. Humiga ako sa tabi nina Renna, Rence and Qence at simula nga nang umalis kanina si Xenus ay hindi na siya bumalik pa. Kahit hinahanap pa siya ng mga kiddo ay hindi man lang ako nag-react. Bahala siya life niya.

Ewan ko kung nagtatampo lang ba siya or nag-iinarte lang din. But I was about to sleep na rin sana kasi tulog na ang mga baby na katabi ko sa bed nang tumunog ang ringtone ng cellphone ko.

Napasimangot ako nang makita ko na si Xenus lang pala ang tumatawag. Ibabalik ko na sana ito sa bedside table pero mas lalo siyang mangungulit at baka magising pa ulit ang mga anak ko.

Bago ko ito sinagot ay umalis na muna ako sa kama. “What? Bakit ka ba tumatawag? I was about to sleep na!” sagot ko mula sa kabilang linya.

“Please, labas ka muna, Jhed,” he pleaded agad.

“Ikaw na lang ang pumasok dito sa penthouse at ayoko na talagang lumabas. Inaantok na ako,” malamig na saad ko.

“Kahit saglit lang, Jhed...”

“Ano ba kasi ang ginagawa mo riyan?” tanong ko at napatingin pa ako sa suot ko. Naka-pajamas ako, eh.

“Bukas na lang tayo mag-usap—”

“Please... Please... Please, my love...”

“Fine!” Nagpalit na muna ako kasi ayokong lumabas ng naka-pajamas lang ako. Nasa hotel pa kami. Maxi dress na kulay maroon ang sinuot ko na hapit na hapit sa katawan ko. “Twiny? Bakit gising ka pa?” tanong ko sa kakambal ko nang makita ko siya sa may living room. Nasa kabilang room natulog ang parents namin.

“Oh, may ginawa lang akong resume. Balak kong mag-apply sa hotel kasi sinabi kanina ni Dad na hiring sila ngayon. I just want to try na mag-work dito.”

“Pero kaya mo na ba?” nag-aalalang tanong ko.

“Yes, months naman na ang nakalipas. I’m a survivor, remember?” sagot niya at tumango lang din ako. “Ren, tapusin mo rin ang studies mo. Naikuwento rin sa akin ng parents natin noong nag-aaral ka pa raw. Gusto mo iyong ituro sa mga estudyante ay kung paano magpayaman—kung paano magnegosyo kasi sa paniniwala mo ay dapat may alam tayo about kung paano kumita ng pera ng hindi tayo nagiging empleyado. Mas gusto mo nga na huwag na lang mag-aral kaya ka palaging nasa third spot sa klase. Naiintindihan kita kasi may punto ka naman talaga. Please, twiny. Ipagpatuloy mo pa rin ang studies mo,” sabi niya. Siya lang ang tumatawag sa akin ng Ren.

“Okay, sabi mo iyan at susundin ko.” That’s for my future naman ang ginagawa niya. So ayos lang din.

“Naku, sis. Actually kung papasok ka na ay third year college ka na. Katatapos ko lang ng online class mo kanina,” sabi niya at kumunot ang noo ko. Pinaharap niya sa akin ang laptop niya therefore I walked closer to her.

“What do you mean by that?” curious kong tanong.

“Tinapos ko lang itong second semester mo sa second year. Ito ang pinagkaabalahan ko habang nasa Canada tayo. Minsan mo na akong naging proxy so ako ulit ang nag-attend ng online classes mo being a second year college student. Tatapusin mo lang ang two years mo sa ICU.” Natulala ako sa kanya. Akala ko puro nood lang siya ng movie sa laptop niya.

Sa online class pala siya na-busy at kahit tapos na siya sa studies niya ay in-enroll niya ako ng walang kaalam-alam!

“Cashner, the hèll!” I cussed and she chuckled.

“You need to maintain your grades, uno, uno and uno lang dapat. Please, focus ka na muna sa studies mo. But may time ka pa naman. Next pasukan naman ay third year college ka na.” Hinalikan ko siya sa pisngi niya at niyakap.

Gloom Series 6:Beg to be Loved (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon