Umagang-umaga nagising si Criza, naabutan niya si Lyle na hinihintay na siya sa labas malapit sa kotse nilang Mercedez-Benz.Talagang mayaman ang Villaceran Family.Inihatid siya ng Lola niya palabas ng bahay.Bumungad sa kanya si Lyle na guwapong-guwapo sa suot niyang uniporme at nakangiti ito sa kanya.
"Wow! Lyle sainyo ba itong magarang kotse" manghang turan niya
"Oo naman, para kang nakakita ng multo sa hitsura mo" aniya niya
Mga ilang minuto pa ay narating na nila ang School.Namangha si Criza ng madatnan niya ang napakalaking eskwelahan.Nakita niya ang mga batang naglalaro at nagtatakbuhan.
"Criza, ano bang grade muna? Hindi ko kasi natanong para pag gusto kita puntahan, mapupuntahan kita" tanong ni Lyle bago pa sila bumaba
"Grade Two na" ani nya habang minustra pa sa kamay ang number two na animo'y peace sign "ikaw ba Lyle anong grade mona?" Dagdag pa niya
"Grade Five na, sige magkita na lang tayo mamaya sa playground malapit sa garden"
Nagpaalam na sila sa isa't-isa at pumasok na.
Ff..
Alas-tres na ng hapon ng matapos ang klase nila.Nasa playground ngayon si Criza gaya ng napag-usapan nila ni Lyle.Dahil na-bobored na siya kakahintay nakipag-laro muna siya sa ibang bata habang hindi pa ito sinusundo ng kani-kanilang magulang.Maya-maya pa'y nakita niya si Lyle malapit sa Garden sa may hallway.Nakita niya na may kasama itong dalawang bata.Ang isang matangakad na medyo mataba at ang isa ay payat na medyo matangkad kay Lyle.Parehas silang may hinihngi kay Lyle ngunit di niya mawari kung ano iyun.Ninais niyang lumapit, ngunit bago pa man siya makalapit nakita niyang itinulak ng Mataba si Lyle ng hindi ibigay ang hinihingi sa kanya.
"Hoy batang mataba anong ginagawa nyo, bakit nyo inaaway si Lyle" matapang na sigaw nito sa dalawa
Nabaling ang tingin ng dalawang lalaki sa kanya. Nilapitan siya ng mga ito, kaya't medyo napaatras siya.
"Anong sabi mo bugwit" maangas na pagkakasabi nito sa kanya
"Anong bugwit ka diyan, ang sabi ko bakit mo inaaway si Lyle"
"Kaibigan ka pala ni Lyle" aniya ng mapayat na nakatingin kay Lyle "Badong huwag mo ng pansinin ang maliit na batang iyan" dagdag pa nito
Badong pala ang pangalan ng mataba.
"Badongg!! Ang bantot naman ng pangalan" pang-asar niya sa mataba dahil napipika na siya..kunwari ay nabahuan ito kaya't nagtakip siya ng ilong
Akmang lalapit na sana si Badong sa kaniya para itulak siya ng maunahan ito ni Lyle. Sa halip na si Criza ang matumba kay Badong iyun nangyari.Napapikit at napakagat-labi ito dahil sa sakit ng puwet niya dahil sa pagtama sa semento.
"Badong huwag mong i-bully si Criza, ibibigay ko na sa inyo ang pera ko. Tigilan nyo lang kami" pagmamakaawa ni Lyle ngunit may diin ang tono
"Ha?! Bakit mo ibibigay?" Gulat na turan ni Criza..napatingin si Lyle rito at hinarap siya
"Ayus lang kesa naman saktan kapa nila" nakangiting wika ni Lyle
"Hindi Lyle wag mong ibigay, Bad sila!!!"
"Ano bang pakialam mong bugwit ka?" Galit na sabi ng payat
Namay-awang siya at lumapit rito. Tiningan niya ito mula ulo hanggang paa na parang sinusuri ang pagkatao.Kumunot ang noo niya at ngumuso.
"Maliit ba ako sa paningin mo? Bakit hindi mo kainin!! Payatot!!?" Pang-asar niya, agad siyang inawat ni Lyle at humarang siya rito
"Ikaw bata, nakakapikon ka!!" Akmang susugod ang payat ng itulak iyon ni Lyle bagama't mahina lamang hindi ito napa-upo gaya ng matabang si Badong
Suntok ang iginanti nito kay Lyle, natamaan ang gilid ng bibig nito. Dumugo iyon.Sumigaw si Criza para awatin sila ngunit gumanti naman si Lyle at sa pagkakataong nasuntok rin niya ito malapit sa bibig, napapikit ito at napahawak sa kanyang pisngi marahil ay masakit.
Dumating ang dalawang Babae na umawat sa kanila. Susugod pa sana si Lyle ng pigilan ito ni Criza. Dumating ang Body Guard at pinaghiwalay-hiwalay silang tatlo.Matapos ang nangyari, dumeretso na sila sa kotse at katahimikan ang pumainlang sa buong biyahe.
"Criza, salamat kanina" mahinang sabi sa kanya nito
Nasa sala sila ni Lyle, inaantay nila si Lola Minda upang gamutin ang sugat ni Lyle sa pinsgi.
" Ok lang yun, malakas kaya ako. Kaya ipagtatanggol kita" tumuntong ito sa bangko at ipinakita ang muscle sa kanang bahagi ng braso niya. Natawa si Lyle at minustrang umupo na ito.
"Hindi ko alam ang tapang mo pala" papuri niya " at hindi ko alam na bugwit ka pala" dagdag niya, pang-asar talaga
Ok na sana ang papuri, inasar pa.
Dumating na ang Lola niya at ginamot na ang sugat.
YOU ARE READING
The Cherished Promise [Completed]
Romance[R-18/Tag-lish story] Pitong taon pa lamang si Criza Mercado ng tumira siya sa Mansyon kasama ng Lola Minda niya dahil doon ito nagtatrabaho sa loob ng apat na dekada.Kinupkop siya ni Don Paulo at pinag-aral.Sinasaktan kasi siya ng Stepmother nya at...