Chapter 12: Escort

188 4 0
                                    

Two weeks ago,nagkaroon ng pagpupulong sa Bright Star University para sa gaganaping Prom Night.Pinagsabay na ang mga graduating na Collage at Junior para daw masaya at marami.Kasalukuyang nasa Sala si Criza habang abalang-abala sa pagbabasa ng makapal na pocketbook kasama si Lyle.

"Criza, sasali ka ba sa Prom Night Bukas?" Tanong nito

"Baka hindi na, malaki kasi ang magagastos" aniya

"Sinabi kona kay Papa. Siya na daw ang bahala sa gastusin,sumali kana"

"Nakakahiya ang laki na ng naitulong sakin ni Don Paulo" pagtanggi niya

"Kasama iyun sa pag-papaaral sa iyo ni Papa. Kaya wag ka ng mahiya, para pati makasama ka, minsan lang iyun" pangungumbinsi nito

Saglit na nag-isip siya. Wala nga namang masama kung sasama siya.

"Kung sasama nga ako, wala naman akong Escort?" Nagkibit-balikat na lamang siya at ipinagpatuloy ang pagbabasa

"Sus,Escort lang ang problema mo? Ihahanap kita" galak nitong sabi

"Wag na baka kung sino pa i-partner mo" iiling-iling niyang tugon

"Alam ko na, e kung si Kyle na lang?" Biglang dinaga ang kaniyang dibdib ng marinig niya ang tinuran ni Lyle

"Di'ba Crush mo yun, since Elementary?" Dagdag pa nito

"Yun nga sana kaso" napabuntong hininiga siya "naunahan na ako ni Elenica, yung kaklase kong may crush kay Kyle" bakas sa mukha niya ang panghihinayang

"Ganun ba? E kung si Dadoy na lang, yung matabang kasing edad mo lang na matagal ng may gusto sayo?" Sabik nitong turan

"Utang na loob Lyle, huwag ang ugok na iyun" aniya

"O, bakit? Dati nga crush mo rin iyun, kahit hindi nagsisipilyo" pang-asar nito

Oo nga at crush niya iyun kahit medyo tabain ngunit nung nalaman niyang hindi ito nagsisipilyo agad na naturn-off siya. Bata pa naman kasi sila nun kaya wala pa silang alam. Eto lang naman si Lyle ang feeling match maker that time. Pero ngayon magkaibigan naman sila, yun nga lang ito naman ang nangungulit sa kaniya.

"Wag kang ganiyan, nagsisipilyo na yung tao. Isa pa bata pa kasi siya at isa pa di namin alam ang meaning ng crush nun" depensa niya

"So,sino na nga?" Hyperactive nitong tanong

"Wala nga kasi. Wag ka ng makulit diyan. Mas mabuti pang huwag ng sumali at tiyak na mahihiya lamang ako lalo na't wala akong Escort sa gabing iyun" nalulumbay niyang sabi

"Alam ko na kung sino! Ako na lang" buong kompiyansiya yang turan

"tutal maaari naman kahit sino ang maging escort" dagdag nito

Napamulagat siya. Totoo ba ang kaniyang naulinigan? E-escortan siya ni Lyle? Ipiniprisinta nito ang sarili niya para sa gabing iyun?

"Seryoso ka ba Lyle?" Usisa niya baka kasi dinadaya siya ng pandinig niya. Nakatitig ito sa kaniya, habang may matatamis na ngiti ang nakahulma sa labi nito

"Oo naman. Ako na lang ang Escort mo" anito "Can i be your date in Prom Night?" Malambing na tanong nito

Halata ang sinseredad sa mukha nito. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganun na lamang kainit ang nararamdaman niya. Why does she feel strange every time she looks at Lyle.Para siyang natutunaw na ice cream sa titig ng binatang ito sa kaniya.Tinanggal niya muna ang bara sa lalamunan bago tumugon.

"Yes" maikling tugon niya na sinamahan pa ng pagtango.

Nag-arkila sila ng kanilang susuotin para sa Prom Night. Nais ni Lyle na bumili na lamang para daw may souvenir ito ngunit mas ginusto ni Criza ang umarkila tutal isang beses lamang nila ito susuotin.

"Criza nakapili kaba?" Tanong nito sa kaniya

Narito sila ngayon sa isang Bridal Shop sa Chino Roces Avenue. At kasalukuyang tapos ng pumili. Ito ang unang pumasok sa isip ni Criza ng pumayag si Lyle na magrenta na lang ng kanilang suuotin. Bukod sa madaming bumibili dito, marami pang pagpipilian.

"Oo, ang gaganda nga ng mga kulay e. Ikaw ba? Nagustuhan mo ba?" Balik tanong niya rito

"Oo naman, magaganda ang kanilang mga design" komento nito

Nakarating na sila sa Mansiyon. Bumaba na si Criza sa kotse ni Lyle. Ito kasi palagi ang sinasakyan nila kapag may pupuntahan. Saglit na napadako ang tingin niya sa isang gate. At nagilalas siya ng makita si Kyle sa di kalayuan na nagsasarado pa lamang ng gate. Ngayon niya lamang ito nakita muli buha't ng makita niya ito nung nakaraang linggo. Nakita siya ni Lyle na pinagmamasdan si Kyle kaya agad nitong tinawag na siyang ikinataranta ni Criza.

"Kyle, aatend kaba bukas?" Tanong nito ng makalapit, inakbayan ni Lyle ito at tumingin kay Criza ng nakakaloko

"Oo naman bro, bakit mo naitanong?" Anito

Umiling-iling ito bilang tugon "Oo nga pala, kilala mona ba si Criza?" Naibaling ni Kyle ang tingin nito sa kaniya, ngumiti siya

"Oo naman, Hi Criza, by the way i'm Kyle" inabot nito ang kamay nito at siyang iginawad niya rin ang kaniyang palad. Saglit na nagkatitigan silang dalawa.

Ngayon niya lang nalapitan si Kyle, napakalambot ng mga kamay nito. Pero hindi niya inaasahan na wala man lang siyang naramdaman na hiya o kung ano man ng magdaiti ang kanilang mga palad. Hindi siya nakaramdam ng kakaiba bagkus parang natural na tao at kakilala niya lang si Kyle. Iisipin niyang parang hindi niya ito hinangaan ng matagal.

"Sige Kyle, mauna na kaming pumasok sa loob" sabat ni Lyle at agad na pinalis ang kamay niya sa pagkakahawak

Panira talaga ito ng moment! Napapalatak na lang siya sa pagputol ng usapan nilang dalawa ni Kyle dahil kay Lyle. Pumasok na sila sa loob dala-dala ang mga nirentahan nilang isusuot sa Prom Night.

"Grabe, parang ayaw nyo na bumitaw kanina sa pagkakahawak ah" usal nito sa kaniya ng makaupo muli sila sa Sofa

"Well, panira ka naman minsan ko na nga lang malapitan. Pinapasok mo kaagad ako" aniya

"Inaalala lang kita,baka kasi matunaw kana sa pagkakatitig ni Kyle sayo, mukhang type ka" anito

Nabigla si Criza sa naging hinuha ni Lyle. Saglit na nagkaroon ng katahimikan. Pupunta na sana siya sa kwarto niya para makapagpahinga ng pigilan siya nito. Hinawakan nito ang kaniyang kamay dahilan para mapalingon muli siya.Pagkuwan ay nagsalita ito.

"Gusto mo parin ba siya?" Nahimigan niya ang tila seryosong tono sa tanong nito

"Ha?" Tanging naisagot niya, dahil hindi niya alam ang sasabihin. Tila umurong ang dila niya dahil sa kakaibang presensya nito

"I mean, kung gusto mo siya at kung type ka nga niya, bawal ka pang mag-paligaw" anito na biglang nagbago ang tono

"Alam ko naman yun. Wala na pati akong Crush kay Kyle" tugon niya at itinuloy na ang pagpunta sa kwarto, dahil tumango na naman si Lyle sa narinig nito bilang pag sang-ayon sa tinuran niya.






The Cherished Promise [Completed]Where stories live. Discover now