Hindi mapakali si Criza ng malaman niyang namaalam na ang isang Don Paulo Villaceran na siyang kumupkup dito sa napakaraming taon.Ikinagulat niya ang natanggap na telegrama kamakailan lang mula sa kanyang Tiya Lucia, isang sulat na may bahid ng lungkot.Gaya nga ng sabi ni Don Paulo ayaw niyang nakikita siyang umiiyak o nasasaktan, kaya't pinilit niyang ngumiti kahit bakas sa mga mata nito ang pamumugto dahil sa pag-iyak.
" Ay natunaw na Sabaw!" Gulat na turan ni Lola Minda
" Pasensya napo lola, ang puso niyo" ani ni Criza na may dalang pangamba
"Ikaw talaga Criza ang hilig mong manggulat" Panunumbat ng kanyang Tiya Lucia
Pinaupo ng kanyang Tiya Lucia ang
kanyang Lola dahil sa nangyari. Nanikip kasi ang dibdib nito matapos mabigla. Umuwi si Criza ng Pilipinas galing Canada. Nagtatrabaho ito doon sa isang Marketing Company. Wala talagang naiisip na dahilan si Criza para umuwi, napasugod lang ito pabalik ng Pilipinas ng mabalitaan niyang namaalam na si Don Paulo.Malapit sa puso ni Criza si Don Paulo Villaceran dahil kinupkop at pinag-aral siya nito mula Elementarya hanggang sa mag kolehiyo ito. Kaya't naririto siya para makiramay at dalawin ang minamahal niyang Don Paulo na naging mabuti sa kanya.
" Lyle, ikaw na ba iyan?" Tanong ng Tiya Lucia nya
"Opo Tita, kamusta na po kayo?" Tanong nito sa kanyang Tiya. " Ikaw po Lola Minda, kamusta napo matagal-tagal rin po tayong hindi nagkita" Bati niya sa Lola ni Criza
Agad na natigilan siya sa pag-iisip ng marinig ang pangalang "Lyle" tama ang nadinig niya. Agad na napatingin siya sa kanyang harap ng makita niyang nakatayo roon si Lyle Villaceran, ang nag-iisang anak ng namayapang Don Paulo.
"Criza bakit ka natutulala, hindi ba't naka moved-on kana?"
Tanong ng isang bahagi ng utak niya. Natauhan na lamang siya ng magtama ang tingin nilang dalawa, para siyang nabuhusan ng malamig na tubig ng maalala ang mga nakaraan nila ng binata. Di nya mawari na animo'y may pinipigaan ng kalamansi ang sugatan niyang puso. Nginitian niya ito ng bahagya ngunit isang matipid na ngiti lamang ang ginanti nito.Halatang may pait at galit ang namumuo sa kanyang mga mata.
[Flashback]..
Pitong taon pa lamang si Criza Mercado ng tumira siya sa mansiyon at sinimulang kupkupin nina Don Paulo at Donya Patricia. Sinasaktan kasi ito ng kanyang Stepmother. Maaga naulila si Criza sa kanyang ina, halos limang taong gulang pa lamang siya ng bawian ito ng buhay dahil sa sakit na breasts cancer. Ang kanyang Ama naman ay nasa Hospital dahil sa iniinda nitong sakit na Stroke. Mayroon siyang dalawang stepsister, kinakapatid nito sa kanyang Ama.
Mas matanda sa kanya ng tatlong taon ang isa at ito ay si Ate Krisha niya, habang ang isa naman ay mas bata sa kanya ng isang taon, ito ay si Joana. Bagama't stepsisters sila never siyang itinuring nito na kapatid. Sinasaktan ito ng Stepmom niya dahil inaaway daw niya ang kanyang mga kapatid kahit na sila naman itong nag-papasimuno sa pakikipag-away.
Nang malaman ito ng Lola Minda niya, agad na kinuha siya at dinala sa Makati City sa Maynila kung saan nagtatrabaho ito sa isang mansiyon. Habang ang Stepmom at Papa niya ay naiwan sa Lipa, Batangas.
YOU ARE READING
The Cherished Promise [Completed]
Romance[R-18/Tag-lish story] Pitong taon pa lamang si Criza Mercado ng tumira siya sa Mansyon kasama ng Lola Minda niya dahil doon ito nagtatrabaho sa loob ng apat na dekada.Kinupkop siya ni Don Paulo at pinag-aral.Sinasaktan kasi siya ng Stepmother nya at...