"Mag-ingat ka Criza sa byahe. Pag uuwi ka na mag text ka lang samin, susunduin ka namin sa Airport" bilin ni Jirah kay Criza
Nasa Ottawa International Airport sila ngayon dahil inihatid nila si Criza. She decide na umuwi na muna para pumunta sa burol ni Don Paulo.
"Ok, sige ba. Pagbalik ko at sinundo niyo ko ilibre nyo ko ha" masigla nyang sabi
"Oo ba, ikaw pa e malakas ka samin. Lilibre ka daw ni Jessa pag balik mo" pagtuturo ni Joyce
Pinilit ni Criza na ngumiti. Dahil sabi ni Don Paulo ng nabubuhay pa ito ayaw na ayaw daw nito na makikita siyang malungkot o umiiyak man lang. Kaya pinilit niyang ngumiti at pasiglahin ang sarili kahit buong magdamag siyang umiyak ng umiyak.
Alam na kaya ni Lyle? Tanong niya sa sarili ng makaupo na siya sa eroplano.
Nakadama siya ng kaunting kirot sa kaniyang puso dahil sa inisip niya. Marahil ay alam na ito ni Lyle, tiyak na uuwi ito. Pagkalipas ng maraming taon muli na naman silang magkikita at mag ku-krus ang kanilang mga landas. Tadhana nga naman.
Isinandal na lamang niya ang kaniyang sarili sa upuan at ipinikit ang mga mata. Matutulog na lamang muna siya para ipahinga ang mga iniisip.
Ff....
"Cabin crew please take of your seats for take-off"
Nagising si Criza ng mahimigan niya ang announced ng pilot. Malapit na pala sila mag-landing. Ibinaba ni Criza ang sleeping mask at hinubad na ang slipper para makapag-prepare na siya sa pagbaba.
Ilang oras rin ang naging byahe niya at madaling araw na siya nakarating sa Loyola Memorial Chapels sa Makati kung saan nakaburol si Don Paulo.
Pumasok siya sa loob at nakita ang lola niya, agad niya itong ginulat para surpresahin na umuwi na siya.
"Ay natunaw na sabaw!" Gulat na turan ng Lola niya
Sumikip ang dibdib nito kaya agad na pinaupo ito ng Tiya Lucia niya. Agad na natigilan siya ng marinig ang familiar na boses------ni Lyle. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng makita muli ang binata.
[End of Flashback]...
"Lyle ikaw na ba iyan?" Tanong ng Tiya niya
"Lola, pupunta lang po muna ako kay Don Paulo gusto ko po siya makita kahit ngayon lang" paalam niya
Umalis na siya at pumunta kay Don Paulo na payapang nakahiga ngayon sa kabaong niyang kulay ginto. Tumulo ang isang butil ng luha niya at agad niya iyong pinalis.
"Don Paulo, alam niyo po ba matagumpay na po ako ngayon. Isa napo akong isang Marketing Assistant sa isang kompaniya. Maraming Salamat po sa lahat-lahat... at patawad po kung hindi ko natupad ang pangako ko na hindi na muli ako iiyak at malulungkot. Hindi ko po kasi kayang tiisin itong bigat na nararamdaman ko, pasensya na po" aniya habang hinihimas ang kabaong ni Don Paulo
Lumamig ang presensya ng may maramdaman siyang tao na nakatayo mula sa likod niya. Pinunas niya ang luha niya at dahan-dahang lumiwas ng daan para hindi na niya makita pa kung sino iyun.
Patungo siya ngayon sa labas para makapag-pahangin. Hahawakan na sana niya ang sedura ng pinto ng bigla siyang hatakin sa braso ng isang matangkad na lalaki dahilan para matama siya sa matitipunong dibdib nito.
"What the fuck are you doi---" naputol ang sasabihin niya ng marealize niyang si Lyle iyun.
Wala siyang ipinagbago. Guwapo parin ito gaya ng dati. There was only a slight difference sa itsura nito ngayon kesa noon. His wavy hair ay umabot na sa kaniyang balikat. Mayroon na din itong bigote na naka-dagdag ng pag-kalalaki sa kaniya.
YOU ARE READING
The Cherished Promise [Completed]
Romance[R-18/Tag-lish story] Pitong taon pa lamang si Criza Mercado ng tumira siya sa Mansyon kasama ng Lola Minda niya dahil doon ito nagtatrabaho sa loob ng apat na dekada.Kinupkop siya ni Don Paulo at pinag-aral.Sinasaktan kasi siya ng Stepmother nya at...