Napabalikwas ng bangon si Criza ng mapagtanto niyang hindi ito ang kwarto niya. Napahawa siya sa kanyang ulo dahil para iyung binibiyak na buko. Ang sakit rin ng katawan nya at hanap niya ay tubig na sobrang lamig. Para siyang uhaw na uhaw sa malamig na tubig. Ikinagulat niya ang pagbukas ng pinto, nakita niyang pumasok si Lyle kaya nag taklob siya ng comforter.
"Gising ka naba Criza?" Tanong nito sa mahinahon na tono
Hindi siya tumugon at narinig niya muli ang mahinang lagapak ng pinto, marahil ay umalis na si Lyle. Bumangon siya habang sinasapo ang masakit niyang ulo. Pagbukas niya ng pinto isang pigura ni Lyle ang bumungad.
"Ayy palaka!!" Gulat at malakas na turan niya
Criza namn sa gwapong iyan palaka pa talaga?
"Masarap ba ang tulog mo?" Tanobg nito pagkuwan
"Bakit ako nandito? Sa k-kwarto mo?" Nauutal niyang tanong
"don't you remember what happened last night?" Isang pilyong ngiti ang gumuhit sa mga labi nito
Napamulagat siya. Hindi niya maintindihan at maalala ang mga nangyari kagabi. Tiningnan niya si Lyle na nakatingin sa kaniya na halos sinusuri nito ang ulo niya hanggang paa. Ipinagkrus niya ang kanyang braso at itinakip iyun sa kanyang dibdib.
"A-anong ibig mong sabihin? Wag mong sabihin na may nang-yari?" Kabado niyang tanong rito
"Oo" nakangising tugon nito
Napaawang ang bibig niya.Hindi niya alam kung ano ba ang dapat isipin sa narinig.
"Bakit parang ang tamlay mo Apo? May sakit kaba?" Tanong ng kaniyang lola habang hinahagod ang buhok niya
"P-po, wala naman po la" hindi siya nag-aangat ng tingin at ipinagpaoatuloy niya lamang ang pagkain
"Ganun ba, hindi kasi ako sanay na tahimik ka. Ako'y pupunta muna sa garden hija, at ako'y magdidilig muna" paalam nito
Umalis na ang kaniyang Lola at ng magkasarinlan silang dalawa ni Lyle. Agad na nagbukas ito ng usapan.
"Criza, are you alright? Ang tahimik mo nga pansin ko" puna nito
Sino bang hindi tatahimik kung may kasalanan ka? Sa isip-isip niya lang
"Ah,Oo okay lang ako" pilit na ngiti niya, hindi siya makatingin ng diretso dito
"Masarap ba ang tulog mo?" Tanong nito pagkuwan
Saglit na nag-angat siya ng tingin rito, namataan niya itong nakatitig sa kaniya habang pinapanood siyang kumain. Napalunok siya. Uminom siya ng tubig dahil hindi niya kinakaya ang titig nito sa kanya, para siyang nalulusaw sa mga oras na iyun.
"Natatandaan mona ba ang nangyari satin last night?" Seryosong anito, na may pilyong ngiti sa labi
Agad na nasamid siya, lumabas ang tubig na ininom niya sa kaniyang ilong. Mabilis na pinuntahan siya ni Lyle at hinagod ang likod.
"Ano ba Criza, dahan-dahan. Alam kong hang-over ka pero wag mong lunurin ang sarili mo sa malamig na tubig" tawa-tawa nitong turan
YOU ARE READING
The Cherished Promise [Completed]
Romance[R-18/Tag-lish story] Pitong taon pa lamang si Criza Mercado ng tumira siya sa Mansyon kasama ng Lola Minda niya dahil doon ito nagtatrabaho sa loob ng apat na dekada.Kinupkop siya ni Don Paulo at pinag-aral.Sinasaktan kasi siya ng Stepmother nya at...