Chapter 3: Excited

254 7 0
                                    

Nang-magtanghali na niyaya si Criza ng kanyang lola upang mananghalian na. Hindi pa niya nakikita si Lyle ngayong umaga marahil ay may ginagawa pa ito.





"Lola nakita nyo na po ba si Lyle?" Tanong nito habang iniintay ang isinasandok ng lola niya





Dalawa lang sila ngayon sa hapag. Katatapos lamang kumain ng mga iba pang kasambahay roon. Pasado ala-una na ng hapon ngunit ngayon pa lamang sila nag-tatanghalian.




"Hindi pa apo, mukhang nagkakasundo na kayo ah" aniya ng kanyang lola



"Opo, mabait naman po pala si Lyle e" ngumuso ito "kaso hindi ko papo siya nakikita" malungkot na turan nito



"Mamaya ay makikita mo rin iyun" Ani lola




Pumainlang ang katahimikan, hindi masyado madaldal ngayong araw si Criza marahil iniisip niya ang mapagbirong bata na si Lyle.Natapos na siya kumain, naubos nya iyun.Nasarapan siya sa luto ng Lola niya dahil paboritong ulam ang nakahain. Pork Humba ang niluto ng lola niya naalala niya ang kanyang Mama nung nabubuhay pa ito. Mahilig rin siyang ipagluto ng Humba at subuan kapag kumakain siya. Ngunit ngayon ay wala na.Tumayo siya para kumuha ng tubig sa mini Refrigirator ng magsalita ang Lola niya.





"Pasan ka? Tapos kana bang kumain?" Tanong ng lola niya



"Opo lola, kukuha lang po akong tubig" nakanguso parin nitong tugon





"Wag ka ng malungkot, sige ka papangit ka! Mamaya ay pag nakita ko si Lyle e sasabihin kong hinahanap mo siya" masayang turan ng lola niya






Napangiti siya ng marinig niya iyun. Para siyang nabuhayan ng dugo, friendly naman kasi talaga siya at ngayon na may kasundo na siya hindi na siya maboboring sa Mansyon.Nang-nagiimpis na sila ng pinagkainan agad na napansin ni Criza na papalapit sa kanila si Don Paulo. Agad niya itong nginitian. Nakita ito ng kanyang lola kaya agad nitong sinundan ng tingin kung sino ang nginingitian nito. Nakita nila si Don Paulo, bagama't hindi naman ito gaano ganun katanda, mayroong tungkod ito.





" Don Paulo, kain po kayo" alok ng lola niya "pagpasensyahan nyo na po at tapos na kami ng dumating kayo" dagdag pa nito





"Lola, siya poba ang Papa ni Lyle?" Mahinang tanong ni Criza lola niya






"Oo apo, siya si Don Paulo"





" Ayus lang tapos na akong kumain" sabat nito sa kanila




" Ito ba Minda ang sinasabi mong Apo?" ani nya na ang tinutukoy ay siya



"Opo Don Paulo" ngiti-ngiting aniya ng lola niya





"Anong pangalan mo hija?" Tanong nito sa kanya






"Criza po" maikling tugon niya





"Hmm.. nice name. Kaya ako naparito upang itanong kung papasok ba bukas si Criza sa School?" Seryosong tanong nito






" Naku, hindi papo siya makakapasok e. Malayo po dito iyong paaralan na pinapasukan niya. Baka po hindi muna siya makapasok ngayong taon" paliwanag ng lola niya







Dahil sa narinig napanguso na naman ito at nakadama ng lungkot. Hindi niya alam na pasukan na pala bukas ngunit hindi siya makakapag-aral sa ngayon. Dati-rati ay excited siyang pumasok kapag nalalaman niyang pasukan na, ngunit sa narinig niya, hindi siya masaya dahil hindi siya makakapasok, hindi pa kasi siya enrolled.






"Ganun ba?" Ani Don Paulo habang hinihimas ang balbas nitong puti, mukhang nagiisip ito ng kung ano man




"Ang gusto ko sana kung maaari pumasok na si Criza. Total mukhang mabait naman siya at close na sila ni Lyle ako na ang magpapa-aral sa kanya hanggang sa makatapos siya. Madami na akong utang na loob sa iyo Minda kaya panahon na para makabawi ako sayo" alok ni Don Paulo




"Nako huwag napo Don Pa--" hindi na natuloy pa ang sasabihin niya dahil agad na tumikhim ito ng malakas, lumapit siya rito at dinala sa sulok upang hindi makinig ni Criza ang pag-uusapan nilang dalawa





"Look, Minda madami ka ng naitulong samin hindi lang sakin kundi kay Lyle na rin. Isa pa si Lyle ang may gusto na sabay sila ni Criza na pumasok. Sabay na sila sa School tutal ngayon ko lang nakita na ganito kasaya si Lyle mula ng iwan siya ng Mama niya. Di'ba madalang siyang ngumiti noon pero ngayon ang laki na lagi ng ngiti niya, abot tenga na" tawa-tawang ani nito





Huminga muna ito ng malalim bago sumagot sa alok ni Don Paulo. Tumingin ito kay Criza na nakaupo muli sa lamesa habang umiinom ng tubig.




"S-sige ho, kayo po ang bahala.
Maraming maraming salamat po Don Paulo napakalaki ng utang na loob ko sa inyo, lalo na't hindi ko alam ang maaaring gawin kay Criza dahil nasa Hospital parin ang Papa niya"






Pumunta si Criza at humawak ito sa palda niya para magbigay ng presensiya.Nakita niyang nakangiti si Don Paulo ng makita siya. Iniluhod nito ang isang tuhod para maging kapantay siya nito.





"Criza hija, papasok kana sa School bukas. May mga nakahanda ng School supplies para sa inyo maging ang uniform mo.Sabay kayo ni Lyle bukas ha" aniya nito sabay gulo sa buhok niya





"Talaga po Don Paulo?" Halos mangislap ang mga mata niya sa sobrang tuwa






"Oo Apo, magpasalamat ka kay Don Paulo" ngiting aniya ng lola niya







Niyakap niya si Don Paulo ng napakahigpit bilang pasasalamat. Lalo siyang na-excite dahil sabay sila ni Lyle na papasok bukas sa eskwelahan. Ang buong akala niya hindi na siya makakapag-aral, ngunit nagkamali siya. Inihanda na niya ang sarili para bukas.

The Cherished Promise [Completed]Where stories live. Discover now