Chapter 35: Sister's love

161 3 0
                                    

Pagkatapos ng mga nangyari kagabi nakatulog siyang basang-basa sa kama at ngayong umaga ay umuwi si Criza sa kanilang bahay para makapag-paalam.

"Lola...sorry po ha, hindi ko po nadala dito si--" pinilit niyang huwag umiyak pero nagkusa ang luha niya na bumagsak.

"S-si Llyle, kasi may trabaho papo siya. Pasensya napo at diko natupad yung sinabi ko" aniya rito kahit iba ang dahilan kung bakit hindi sila magkasama ngayon.

Naka-upo sila sa sofa, habang sinusubuan niya ito ng lugaw ay humihingi siya ng tawad.

"Ayos lamang apo, bakit ka--" mahinang anito, marahil ang tinutukoy ay kung bakit siya ganun maka iyak.

"Ah eto po ba?" Aniya at pinahid muna ang luha. " Wala lang po ito, siguro ganito po kapag magiging Mama na, masyadong moody" aniya lamang at pinilit ang sariling tumawa.

"Alam nyo po ba, excited na ako sa paglabas ng anak ko. Alam ko po maliit pa siya pero ramdam ko na nasa sinapupunan ko po siya. Isang batang malusog, matapang at masiyahin hindi kagaya ko" aniya.

"Tuloy kana ba sa pag-alis mo? Babalik kana ba ulit sa Manila?" Tanong ng Tiya Lucia niya, nakabalik na pala ito, galing sa tindahan.

"Opo, tatlong araw lang po kasi ang leave ko medyo napa sobra na nga po e" aniya na pilit ang tawa.

"Aalis kana?" Mahinang tanong ng Lola niya. Bigla itong humikbi kaya nakadama siya kirot sa puso.

"Lola, dadalawin ko naman po kayo minsan, kailangan na pong umalis ni Criza, ang apo niyo. May naiwan papo akong gawain doon baka po magalit na sila" paliwanag niya rito. Lumuha ito ng kaunti.

"Lola naman, di'ba po kailangan ng isang magulang na kumita ng pera para sa anak nila. Lola para po ito sa magiging apo ninyo" aniya rito. Ngumiti ito ng kaunti.

"Babalik kaba?" Mangilid-ngilid ang luha nito habang nagtatanong.

"Opo naman po, kaya Lola magpagaling po kayo para paglabas ng magiging anak ko, malakas na po kayo. Di'ba po nangako kayo na aalagaan nyo po ang anak ko noong maliit papo ako? Kaya lagi po kayong uminom ng gamot ninyo, huwag kayong pasaway kay Tiya" bilin niya rito.

Tumango ito ng marahan. Hinalikan niya ito sa noo. Bumulong ito sa kaniya.

"Mahal kita, Apo ko" bulong nito sa tenga niya. Agad siyang napaluha sa narinig. Bumulong rin siya rito.

"Mahal na mahal ko rin po kayo Lola" aniya. Ngumiti ito habang may luhang pumapatak sa pisngi. Hinalikan niya muli ito sa pisngi.

"Mauuna na po ako Lola, Tiya Lucia" aniya at tumayo na, yumakap muna siya sa kaniyang Tiya Lucia. Hinatid siya nito sa gate ng bahay.

"Criza, alam kong may dinadamdam kang problema. Kung kailangan mo ng kausap nandito ako, kami ng Papa mo" sabi ng Tiya niya.

Umiling siya. "Wala po akong problema, pasensya napo at kailangan ko ng unalis" aniya.

Yumakap muna muli siya rito at tuluyan ng umalis. Bumalik muna siya sa bahay nila ulit para kunin ang gamit niya at magdala pa ng kaunting damit na naiwan niya doon. Naabutan niyang nagwawalis si Joana, hirap itong yumuko kaya minabuti niyang tulungan ito.

"Joana, ako na. Magpahinga ka na muna" aniya rito.

"Sige ba! Total bida-bida ka naman!" Malditang sabi nito.

"Joana, hindi ko intensiyon na galitin ka, ang sakin lang sana magkasundo na tayo" aniya rito pero inirapan lamang siya nito.

"Joana, magiging Mama kana. Alam ko ang pinagdadaanan mo, gaya mo humiwalay ako sa magiging Papa ng anak ko" aniya at tumulo muli ang luha niya. Lumaki ang mata nito tanda na naggulat ito sa sinabi niya. Hindi nito alam na buntis siya, dahil sa kaniyang ama lang niya iyun sinabi.

The Cherished Promise [Completed]Where stories live. Discover now