After few days, nagkita muli sina Criza at Kyle sa School. Tulad ng dati inakit niya ito upang kumain sa labas. Sa kalagitnaan ng kanilang masarap na dinner, naudlot ito ng tumawag ang Tita nito. Nagpasama ito sa kaniya at tumungo sila sa Condo Unit ng Tita niya. Nagpaiwan na lamang siya sa kotse upang makapag-usap ang mga ito ng maayos. Pumayag naman si Kyle at nagpaalam ito sa kaniya na babalik rin naman kaagad.
Nagmuni-muni siya at inisip si Lyle. Napapansin niya itong madalas umuuwi ng gabi o minsan ay madaling araw na. Amoy alak rin ito at amoy pabango minsan ng babae. Katapat lamang ng Building ang isang Hotel na kung saan dinadagsa ito ng madaming costumer kapag ganung oras. Her attention was caught nang napansin niya ang palabas na lalaki at babae sa hotel. Ang sweet ng mga ito na halos ay hindi na magkakahiwalay pa. She did a double take when her eyes caught a glimpse of familiar figure. Inakala niyang nagkakamali siya, ngunit nang suriin niya ito ng tingin laking pagkagulat na lamang niya ng makita si Lyle na kasama ang isang babae.
Nakita niya itong nakaakbay sa babae at sa baywang naman ito nakahawak sa kaniya. Hinahalik-halikan nito ang noo at mukhang may ibinubulong pa. Iniiwas niya ang tingin ng makaramdam na siya ng kaba. Baka nagkakamali lang siya sa mga iniisip niya, pagkakita sa mga ito.
Pero bakit galing si Lyle sa hotel? Anong ginawa nila dun?
Dumating na si Kyle at dala-dala ang isang kahon kasama ng mga paper bags. Umuwi pala ang kaniyang Tita rito para sa 2 weeks vacation at pagbalik nito sa Dubai, kasama na nito ang ka live-in partner niya na nakatira dito sa Condo.
"Are you okay? Namumutla ka yata?" Tanong nito habang nagmamaneho, marahil ay napansin nitong nakatulala siya
Tumango na lamang siya. Sa oras na iyun wala siyang ganang makipag-usap. Aaminin niyang nakadama siya ng selos, kahit na wala pa siyang karapatan. Ngunit nasasaktan siya, nagbitiw ito sa kaniya ng pangako pero hindi nito iyun pinaninindigan. Tumingin siya sa bintana at dinama ang lamig ng simoy ng hangin at tiningnan ang mga nagkikislapang ilaw. Tumulo ang isang butil ng luha niya pero agad niyang pinunas.
Nakahiga na ngayon si Criza sa kama. Hindi pa rin siya dalawin ng antok. Wala pa rin si Lyle hanggang ngayon. Iniisip niya ito kung ano na nang ginagawa ngayon ni Lyle.
Lalabas muna siya saglit, pagbukas niya ng pinto dumeretso kaagad siya sa kitchen upang kumuha ng tubig, narinig niya si Lyle na may kausap sa phone.
"Nag-enjoy kaba?" Tanong nito sa kausap
"Sige ba, mas gagalingan ko pa. Siguraduhin mong mapapagod ako" dagdag pa nito
"Sige na, i'll see you tommorow"
"Good night babe, have a sweet dreams" paalam nito
Biglang nabirawan niya ang baso kaya ito lumikha ng ingay at nabasag. Napatakip siya ng bibig at dali-dali itong pinulot. Nakita niya si Lyle na lumapit.
"C-criza? Bakit gising kapa?" Tanong nito na parang kinabahan bigla
"Iniintay kita, matutulog na rin ako" aniya
Matapos niyang ligpitin iyun, dumeretso na siya sa kwarto niya. Kaagad siyang napasandal sa pinto pagsarado niya. Napaiyak na lamang siya ng tahimik.
Tama ba ang narinig ko 'babe' ang tawagan nila? Tanong niya sa sarili
Paano na ako? How about our promises?
Hindi niya masisisi ang kaniyang sarili kung umiyak man siya o makaramdam ng selos. Mahal na niya ito, hindi lang basta gusto. Pero mahal rin ba siya nito? O pinaglalaruan lang ang damdamin niya?
YOU ARE READING
The Cherished Promise [Completed]
Romance[R-18/Tag-lish story] Pitong taon pa lamang si Criza Mercado ng tumira siya sa Mansyon kasama ng Lola Minda niya dahil doon ito nagtatrabaho sa loob ng apat na dekada.Kinupkop siya ni Don Paulo at pinag-aral.Sinasaktan kasi siya ng Stepmother nya at...