Dumaan ang napakaraming araw at halos pitong buwan na ang nakakalipas, naging maayos ang pagtira nina Criza sa Canada. Isa parin siyang Assistant kagaya ng dati. While ang mga kaibigan naman niya ay nagta-trabaho rin sa iba namang mga company.
Nasa kwarto lang si Criza buong maghapon, wala siyang pasok dahil nagkaroon sila ng day-off. Dahil busy narin ang kaniyang mga kaibigan, siya na lamang ang tao ngayon sa Apartment. Eight PM pa ang dating ni Jessa, nagwa-waitress ito sa isang Restaurant malapit lang sa Apartment nila. Si Jirah naman minsan ay inaabot ito ng madaling-araw kung umuwi. Pag-kaggaling kasi nito galing trabaho , minsan ay nakikipag-bonding pa ito sa kaniyang mga co-workers sa mga Bar. Madalas na umuuwi ito na amoy alak. Mahilig talaga itong mag bar-hopping. Si joyce naman maya-maya ay darating nadin iyun.
Nagluto na muna si Criza ng pang-tanghalian niya. Katatawag niya lang kay Joana, tatlong araw na ang nakakaraan. Kinakamusta niya ang kaniyang Ama at maging ang kalagayan nila doon sa Pilipinas. Maayos naman ang mga ito, at mukhang medyo malakas narin ang Ama niya. Tila naka-recover na ito sa nangyaring stroke noon. Balak niyang tawagan muli sina Joana para mangamusta muli, dahil madami siyang free-time ngayon dahil wala siyang pasok.
Tapos na siyang kumain, at nahiga na
muli sa kama sa kwarto niya.Binuksan niya ang kaniyang cellphone at mayroong text message. Si Tiya Lucia niya ang nag text. Nahigit niya ang kaniyang hininga ng mabasa ang mensahe.From: Tiya Lucia
Criza, wala na si Don Paulo. Inatake siya sa puso kagabi. Pumunta ang Lola mo dito satin ng umiiyak.
Umawang ang bigbig niya. Nung unang buwan pa lamang niya sa Canada kinamusta pa niya si Don Paulo nung bumisita ang Lola niya sa bahay nila. Tinawagan niya noon si Joana para kamustahin ang lagay nila doon sa bahay, saktong nandun rin naman ang lola niya kaya minabuti niyang kamustahin na din si Don Paulo.
Sinabi ng Lola niya na may sakit daw ito sa puso. Kaya pala noong panahon na nakatira pa si Criza sa Mansyon ay napapadalas ang paghawak nito sa dibdib at mukhang hinahapo. Hindi daw ito alam ni Lyle na may malubhang sakit dahil hindi nito ipinapahalata noon.
Dahil sa siguro sa init ng panahon doon at Stress hindi na kinaya pa ni Don Paulo. Palagi daw iniisip nito kung ano ng kalagayan ni Lyle. Minsan daw ay hindi ito makatulog at minsan na lamang din bisitahin ang mga Resto nilang pagmamay-ari.
Saktong alis pa ng binata ay nag-away ang mag-ama dahil sa Mama nito. Humihingi ng paumanhin si Donya Patricia sa kanila dahil sa pang-iiwan nito sa kanila. Hiwalay na ito sa kaniyang ka-live-in partner, kaya naman gusto nitong buuin muli ang nasirang pamilya nila noon.
Hindi daw pumayag si Lyle dahil malaki ang galit nito sa kaniyang ina. Gaya nga ng sabi ni Don Paulo noon kay Criza handa parin siyang maghintay kung gaano pa katagal, dahil mahal na mahal niya si Donya Patricia. Dahil tutol si Lyle sa pagtanggap muli ng kaniyang Ama sa kaniyang Ina nag-away silang dalawa at ginusto ni Lyle na pumunta ng Abroad para doon na magtrabaho pag ka-graduate.
Kaya labis-labis daw ang lungkot na naramdaman ni Don Paulo nang iwan siya ni Lyle. Ang kinatwiran lamang daw nito ay gustong sumubok ng ibang bagay sa ibang bansa pero ang totoo galit ito sa kaniyang Ama dahil sa pagpapatawad nito umano sa kaniyang ina.
Hindi mapakali si Criza ng malaman niya ang masamang balita. Napa-iyak na lamang siya ng tahimik ng maalala ang mga pinagsamahan nila ni Don Paulo.
"Criza, bakit ka umiiyak? Ok ka lang?" Tanong ni Joyce sa kaniya.
Hindi na niya namalayan na naka-uwi na pala si Joyce galing trabaho at halos dalawang oras na pala siya umiiyak matapos mabasa ang message.
"Si Don Paulo Joyce...." Singhap niyang sabi
Agad na pumunta si Joyce kung saan naka-upo si Criza sa isang sulok habang yakap-yakap ang sariling binti. Hinaplos nito ang likod at buhok.
"Wala na siya Joyce. Wala na si Don Paulo" patuloy pa niya
"Shhhh...Tumahan ka na muna Criza. Kukuha ako ng tubig. Saglit lang" dali-daling tumungo si joyce sa kusina
Tumahan si Criza habang iniisip ang gagawin. Hindi siya kumain ng Dinner dahil wala siyang gana. Maya-maya pa ay dumating na ang dalawa. Magkasabay dumating sina Jirah at Jessa. Bakas sa mga mukha nito ang pagka-curious dahil gising pa silang dalawa ni Joyce.
"Anong nangyari. I mean bakit pugto ang mata ni Criza?" Puna ni Jirah. Mabuti at hindi ito naka-inom.
"Namatay na si Don Paulo. Yung kumupkop kay Criza nung maliit pa siya. Hindi na kinaya yung sakit sa puso inatake daw kagabi" kwento ni Joyce
Umupo ang dalawa sa harap ni Criza. Nakatulala lang si Criza sa kawalan.
"Criza, condolence" pakikiramay ni Jessa habang hawak nito ang isang kamay niya
"Condolence Criza. Ano ng plano mo ngayon? Pupunta kaba?" Pagkuwan ay tanong naman ni Jirah
Saka pa lamang siya natauhan ng marinig si Jirah na nagtatanong. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa tatlo. Mainit ang mukha ni Criza dahil pinipilit niyang huwag muli ibagsak ang mga luha ngunit hindi siya nagtagumpay.
Clean tears began to flow down her cheeks. Napahagulgul siya at napahawak sa bibig. Dali-daling niyakap siya ng kaniyang mga kaibigan upang damayan. Sobra siyang naapektuhan sa pagkamatay ni Don Paulo dahil napamahal na siya rito mula pagkabata. Malaki rin ang utang na loob niya dito dahil pinag-aral siya nito.
YOU ARE READING
The Cherished Promise [Completed]
Roman d'amour[R-18/Tag-lish story] Pitong taon pa lamang si Criza Mercado ng tumira siya sa Mansyon kasama ng Lola Minda niya dahil doon ito nagtatrabaho sa loob ng apat na dekada.Kinupkop siya ni Don Paulo at pinag-aral.Sinasaktan kasi siya ng Stepmother nya at...