Chapter 22: Friendship Goals

182 4 0
                                    

Naka-graduate si Criza ng Bachelor of Science Business Administration, Major in Marketing Management. Naging Summa Cumlaude siya at gaya ng dati ang Lola Minda niya ang nagsabit sa kaniya ng mga medalya. Pag-uwi niya galing Recognition isinabit niya lahat ng kaniyang medalya sa kaniyang Papa at niyakap niya ito ng mahigpit.





Ngayong nakatapos na siya, ang daming opportunities ang dumating sa buhay niya. Dahil matalino siya at 4 years graduate, may mga company nag-o-offer ng trabaho sa kaniya.





Tinanggap niya ang trabaho. Because she has a Bachelor's Degree in Business Administration, and she is armed with a combination of skills that will enable her to strive in the global and highly competitive world of marketing, after 2 years naging isang Marketing Asisstant siya sa isang company. Nag-offer muli ang boss niya, gusto nitong pumunta si Criza sa Canada dahil sa isa pa nitong company.



Napag-desisyunan nayun ni Criza. Kapag doon na nga siya magta-trabaho mas malaki ang makukuha niyang sahod at makatutulong na siya sa pamilya niya.
Pumayag si Criza sa alok ng kompaniya. Tinawagan niya ang kaniyang mga kaibigan na sina Joyce, Jessa at Jirah. Kahit ilang taon na ang lumipas magka-kaibigan parin sila at mayroon narin itong kani-kanilang trabaho.



"Criza, totoo bayan? Pupunta ka na ng Canada?" Excited na sabi ni Jessa sa kabilang linya





"Oo nga, di'ba matagal na natin
gustong pumunta dun bakit hindi kayo sumama sakin?" Pag-aakit niya rito




"Oo nga, sasabihan ko sina Joyce at Jirah. God! Sis pangarap ko pumunta diyan sa Canada"





"Kaya nga sabihan mo sila, alam ko namang nakapag-ipon na kayo dahil matagal na natin itong plano and this is the right time kaya kumbinsihin mo na sila Jessa"






"Ok sige, sige bye" pag-putol nito at ibinaba na ang phone





Pumunta siya ng kaniyang kwarto upang mag-impake na. Ibinalita na rin niya ito sa kaniyang Ama at Lola niya. Pumayag naman ang mga ito pero sobra siyang nag-aalala sa kaniyang maiiwan dito sa Pilipinas kapag umalis siya.





"Criza, tuloy kana ba talaga anak?" Mahinahon na sabi ng Ama niya





Nakaupo ito sa kaniyang higaan habang pinagmamasdan siya sa pag-iimpake.





"Opo, Papa. Pangarap ko rin po kasi ang makapunta sa Abroad" aniya






"Sige, basta mag-ingat ka dun. Palagi kang mag-text pag may free time ka. Wag kang papalipas ng gutom, at wag mo masyadong abusuhin ang sarili mo sa pagta-trabaho, ayus lamang kami dito Anak" bilin nito




Niyakap niya ito ng mahigpit, medyo nanunumbalik na ulit ang lakas nito.Umiyak siya sa balikat nito, hindi niya mapigilang huwag malungkot. Hinimas nito ang likod niya para patahanin.




"Tahan na Criza, ayus lamang kami"
anito. Pinunas niya ang kaniyang luha at itinuloy ang pag-iimpake.





"Papa, basta magpa-galing kayo saka wag kayong mag-alala sakin, remember malakas ako" biro niya




Pumayag ang mga kaibigan niya. Magkikita-kita sila sa Airport bukas ng umaga. Dahil maaga pa naman pumunta siya muna sa kaniyang Lola para mag-paalam na bukas na ang alis niya papuntang Canada. Nalaman niyang wala narin pala si Lyle sa Pilipinas, sumama ito sa tita niya na nasa Singapore. Doon na dw ito nag-trabaho pagkatapos nitong g-m-raduate ng kolehiyo.




The Cherished Promise [Completed]Where stories live. Discover now