Umalis si Criza sa Mansiyon ng hindi nag-papaalam kay Lyle. Hindi naman nito kailangan pang malaman ang mga desisyon niya sa buhay dahil alam niyang wala siyang halaga dito.
Bumalik si Criza sa Probinsya ng Batangas. Mabuti na lamang at tinanggap muli siya ng kaniyang Stepmother. Nakalabas na rin ang kaniyang Papa sa Hospital kaya maaalagaan narin niya ito.
Pinag-aral parin siya ni Don Paulo hanggang sa makatapos siya ng 4th year High School. At ngayon, makalipas ang tatlong taon ay kasalukuyang kumukuha siya ng Course na Marketing sa Kolehiyo. Wala na siyang balita pa tungkol kay Lyle, kahit na paminsan-minsan ay dumadalaw sa kanila ang Lola Minda niya. Hindi ito nagkukwento tungkol sa binata maging sa mga kaganapan sa Mansiyon.
Kasalukuyang nasa hapag-kainan si Criza. Wala siyang pasok ngayong araw dahil Sabado. Lumabas mula sa kwarto ang Ate Krisha niya.
"Ate, kumain kana, sabay na tayo" alok niya rito ng mapansin niya ito
She rolled her eyes nang marinig nito ang alok ni Criza.
"Ayoko!" Tanging sabi nito at dere-dretsong lumabas ng bahay
It's fine with her na kahit ganun parin ang pakikitungo nito sa kaniya. Wala naman itong ipinagbago maging si Joana sa kabila na ilang taon rin siyang nawala at pasulpo't- sulpot lang siya kung dumalaw dito.
Ang Stepmother naman niya ay nagtitinda sa isang Clothing Store, hindi kalayuan sa kanilang bahay. Malamang ay pupunta doon si Ate Krisha niya para tumao. Samantalang siya naman ay palaging naiiwan sa bahay para bantayan ang kaniyang Ama. Si Joana naman ay may ginagawang project kasama ang mga kaklase nito.
"Papa, alam niyo po ba graduating nako this year. Gusto ko pong makapag-trabaho kaagad para maibili ko kayo ng inyong maintenance na gamot" Aniya sa kaniyang Papa habang itoy nagtutulog
Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang Ama. Hindi pa naman matanda ang kaniyang Papa ng tamaan ito ng stroke, yun nga lang dahil sa labas-masok ito sa Hospital humihina na ang pangangatawan nito.
Saglit na pinagmasdan niya ang mukha ng kaniyang Ama. Napaka-guwapo talaga nito lalo na nung kabataan. Inisip niya kung buhay pa ang kaniyang Ina, itatanong niya kung paano na-inlove ito sa kaniyang Ama. Nami-miss na niya ang kaniyang Ina. Tumulo ang isang butil ng luha niya at hinalikan ang kamay ng kaniyang Ama. Hinayaan na muna niya itong matulog at sinimulan na niyang gawin ang iba pang household chores sa bahay, pagkatapos ang homework niya.
Ff...
Maaga siyang nagising, dahil balak niyang sumimba. Pagkatapos dumeretso naman siya sa Palengke uoang mamili ng mga kinakailangan sa kanilang Bahay. Hindi na siya nag-pasama pa kina Ate Krisha niya at kay Joana dahil malamang na hindi naman ang mga ito papayag. Mas maganda na nga ang mag-isa para maka-pamasyal pa siya.
Nadaanan niya ang isang matanda na namamalimos. Nakaupo na ito sa tabi ng kalsada habang humihingi ng limos gamit ang bao. Binigyan niya ito. Ngumiti ito sa kaniya.
Pagkauwi niya, dali-dali na siyang nagluto ng tanghalian. Siya rin kasi ang naka-toka sa pagluluto tuwing Sabado at Linggo. Habang ang magkapatid naman ay namamasyal. At ang Stepmom naman niya ay palaging nasa Store, kanina lang ito pumunta roon ng dumating siya. Binantayan kasi nito ang kaniyang Papa.
"Ang sipag naman ng Anak ko. Pasensya na anak hindi pa kaya ni Papa na gumawa ng mga ganiyan" papuri ng kaniyang Ama habang pinapanood siya nitong magluto
"Nagmana po ako sa inyong dalawa ni Mama, parehas masipag. Saka ayos lang po sakin na gumawa ng mga ganito, para narin po matuto ako"
"Tagalang nagmana ka sa iyong Mama anak. Maganda siya katulad mo" Anito na sa tono ng boses ay may lungkot na madarama
"Papa, parehas akong nagmana sa inyo. Napaka-gwapo mo at napaka-ganda ni Mama talagang perfect match kayo" Aniya at naupo siya sa tabi nito sa mahabang sofa
"Ikaw ba anak, mayroon kana bang napupusuan? Kung hahanap kaman, yung kaya ka sanang alagaan gaya ng pag-aalaga namin ng Lola mo" Seryoso nitong aniya sa kaniya
Agad na nalungkot siya. Ang totoo nan bumabalik parin sa mga ala-ala niya si Lyle ang first love niya. Ang kaso mukhang hindi sila perfect match kaya siguro kinailangan niyang umalis sa Mansiyon dahil naka-tadhana talaga iyung mangyari.
"Wala pa po Papa, hayaan niyo po pag nakahap po ako ipapakilala ko po sa inyong lahat" Aniya na lamang kahit na meron naman na talaga
"Wala pa naman po pati Papa sa isip ko ang mag-boyfriend, gusto ko po munang makatulong sa inyo" dagdag pa niya
Tinitigan siya ng kaniyang Ama kaya umiwas kaagad siya. Gusto niyang aminin ang mga nangyari sa kaniya sa Mansiyon pero mas isinantabi na lamang niya iyun dahil mas gusto niyang kalimutan na lamang ang lahat ng mga pinag-samahan nila ni Lyle.
"Sige sabi mo e, basta kung saan kaman sasaya anak, dun din ako. Pero kapag sinaktan ka ng lalaking gusto mo, paniguradong gagaling talaga ako para masuntok ko siya" biro nito
Napatawa silang dalawa dahil sa pagbibiro ng kaniyang Ama. Naghayin na siya ng pagkain sa Mesa. At inakit na niya itong kumain.
Sana nga Papa kagaya mo siya, isang maunawain at mapagmahal na Ama.
Lihim na napangiti siya dahil sa mga sinabi ng kaniyang Ama. Alam niyang mahal na mahal siya nito. Dinadalangin niya na sana ay gumaling na ito para balang-araw makapag-bonding silang buong pamilya.
"Criza kain kana Anak. Iniisip mo ba ang perfect match mo? Dadating rin din iyan Anak sa tamang panahon at pagkakataon" Pukaw sa isipan niya
Sana talaga Papa, sana ang makilala ko ay ang perfect match ko at isang lalaking kasama ko sa pagbuo ng mga pangarap ko.
YOU ARE READING
The Cherished Promise [Completed]
Romance[R-18/Tag-lish story] Pitong taon pa lamang si Criza Mercado ng tumira siya sa Mansyon kasama ng Lola Minda niya dahil doon ito nagtatrabaho sa loob ng apat na dekada.Kinupkop siya ni Don Paulo at pinag-aral.Sinasaktan kasi siya ng Stepmother nya at...