"Pagod ka na ba? Gusto mo ihatid na kita sa condo mo?" Ani Lyle habang nagmamaneho
Natapos na ang event, at nailista naman niya ang lahat na dapat ay ilista. Kasalukuyang nakasakay sila ngayon sa kotse ni Lyle at pabalik na muli sila sa kompaniya.
"Ok pa naman ako" sagot niya pagkuwan
Dahil medyo malayo ang Pasay sa Makati City, kumuha siya ng Condominium unit para hindi gasinong malayo ang uuwian niya.
"Gusto mo bang kumain muna?" Tanong nito
Umiling siya bago sumagot.
"Busog pa ako dumeretso na tayo sa opisina may kukuhanin lamang akong ilang bagay doon, naiwan ko kasi ang iba ko pang mga gamit e" aniya dito na kaagad naman ay sinunod nito
Ilang minuto pa ay nakarating na sila. Bumungad si Zyra at si Mrs. Guineva na agad bumati sa kanila.
"Sir Lyle, kanina po habang wala kayo may babaeng naghahanap po sa inyo" ani Mrs. Guineva kay Lyle
Gumuhit ang pagtataka sa mukha ni Lyle.
"Sino daw siya?" Tanong nito
"Hindi po nagpakilala ang sabi lang po niya kilala po siya ni Sir Pau" anito muli
"So nasaan na siya?" Tanong muli nito
"Pinag-antay ko po siya sa lounge area" anito habang tinuturo kung saan
"Teka, nasaan na siya. Ang sabi ko po Sir sa kaniya mamaya ay dadating narin po kayo pero bakit siya umalis" dagdag pa nito ng makitang walang tao sa lounge area
"Pag bumalik siya sabihan mo ako kaagad " anito sa malamig na tono
Bumalik na sila sa office ni Lyle at kinuha na ni Criza ang mga gamit niya. Tapos na ang duty niya kaya uuwi na siya sa condo niya. Nauna na si Lyle sa baba upang intayin na siya sa kotse nito dahil hindi sila maaaring magsabay.
Paglabas niya, dumeretso na muna siya sa comfort room para umihi dahil kanina pa puputok ang pantog niya nang nasa event pa sila. Pasado alas- nuwebe na, at bukas ng 9 am ang pasok niya.
Pumasok na siya sa restroom at sa awa naman ng diyos ay nairaos niya ang panunubig. Nag flash na siya ng toilet at lalabas na sana siya ng may marinig siyang taong nag-uusap. Pinakinggan niya ito.
"Che, alam mo ba kinikilabutan ako dun sa bagong pasok ni Sir Lyle na Executive Assitant niya"
"Correct ka sis, pakiramdam kong may something na nangyayari. Biruin mo sis, sa kaniya lamang ngumingiti si Sir Lyle samantalang satin napaka-cold"
"Alam mo napansin ko rin yan, hindi ko bet yung girl mukhang tingting"
"Ay sinabi mo pa, hindi yata siya pinapakain sa kanilang bahay. Pero aminin ko maganda siya. Pero...mas maganda ako"
"Gaga, 'tayo' hindi lang ikaw"
"Ok, mas maganda tayo. Ano okay kana? OA mo!"
Narinig niya ang tawanan ng mga ito. Nakaramdam siya ng konting inis dahil sa mga pangungutya ng mga ito. Binuksan niya ang pinto at nakita niya sa mga mukha nito ang bakas ng pagkaggulat.
"Ako ba pinag-uusapan niyo?" Deretsahan niyang tanong
Umirap lamang ang dalawang babae habang nagre-retouch ng make-up. Parang mga walang narinig ang mga ito.
"Alam niyo kung manlalait lamang kayo siguraduhin niyong walang makakarinig. Nabubuko tuloy ang ugali niyo" sarkastikong aniya
"Maigi na nga nang marinig mo, para alam mo na kung anong first impression namin sa'yo" palaban na sabi ng isang babae
YOU ARE READING
The Cherished Promise [Completed]
Romansa[R-18/Tag-lish story] Pitong taon pa lamang si Criza Mercado ng tumira siya sa Mansyon kasama ng Lola Minda niya dahil doon ito nagtatrabaho sa loob ng apat na dekada.Kinupkop siya ni Don Paulo at pinag-aral.Sinasaktan kasi siya ng Stepmother nya at...