Nang sumapit na hapon, pumunta siya at dumalaw kina Tiya Lucia niya, saktong naroroon ito at naabutan niyang pinupunasan ang Lola niya at pinapalitan ng pampers. Gusto na naman niyang maiyak ngunit pinigilan niya at pinatatag ang boses.
"Tiya Lucia, Lola Minda" aniya
"Aba, sino iyun? Naririnig mo Inay? Sino kaya iyun parang kilala ko ang boses na iyun ah" pagkukunwaring di nakilala ng kaniya Tiya Lucia para masurpresa ang Lola Minda niya.
Pasimple siya sa paghakbang, at ng makalapit siya rito agad na pumalit siya sa pwesto ng kaniyabg Tiya Lucia.
"Lola" mapagbirong aniya rito.
Pinagmasdan niya ito, mahina na ang katawan at halos di na makagalaw. Nakahiga ito sa maliit na kama. Tapos na itong punasan at palitan, naka pampers na rin ito at sobrang payat. Ibang iba ang hitsura nito nung nakatira pa ito kina Don Paulo dati. Napahagulgul siya ng iyak at napayakap rito.
"C-criza, ikaw bayan?" Nanghihinang tanong nito.
"Opo Lola,sorry po at ngayon lamang ako nakadalaw, sobra ko po kayong namiss" aniya at tiningan muli ang muha nito.
Nakita nito iminulat ng kaunti ang mata nito para makita siya. Bigla itong napahagulgul ng iyak. Hindi niya alam kung malungkot ba ito o natutuwang nagbalik na siya.
"Lola, bakit po kayo umiiyak? Papangit kayo nan" biro niya rito habang ang luha ay umaagos sa pisngi niya.
"Wala apo, namiss lamang kita. Na miss ka ni Lola" mahinang sabi nito habang umiiyak.
"Lola naman ih, pinapaiyak nyo rin ako. Ako rin po La namiss ko kayo" aniya dito at suminghot siya.
"Hindi namin alam kung bakit bigla siyang nanghina hija. Alam mo lagi kang bukang bibig ng Lola mo. Lagi niyang sinasabi na 'ang ganda ni Criza, mabait yun, makulit at iyakin' kaya minsan, umiiyak na lamang siya kapag naaalala ka" paliwanag ng Tiya Lucia niya.
"Lola, nandito na po ako. Bakit po bigla kayong nag kaganyan, hindi po ako sanay Lola" aniya habang patuloy paring umaagos ang luha niya.
Pinunasan niya ang luha na dumadaloy sa pingi ng Lola niya at hinalikan ito sa noo gaya ng paghalik nito noon nung maliit pa siya.
"Lola, may maganda po akong balita. Alam nyo po ba na mag kaka-apo na kayo sa tuhod, buntis po ako Lola at ang Ama nito ay walang iba kundi si Lyle" pagbabalita niya
Agad na umiyak muli ito habang nakatingin sa mga mata niya.
"Opo Lola, mahal ko po si Lyle at mahal na mahal niya po ako. Kaya Lola magpaggaling po kayo, uminom po kayo ng gamot niyo" aniya rito at pinahid muli ang luha ng Lola niya.
"Nasan?" Tanging sabi ng Lola niya
"Sino po, ang alin po? Si Lyle po ba?" Tanong niya rito.
Tumango ito ng marahan at umiyak muli. Alam niyang namimiss na niya si Lyle dahil matagal niya itong inalagaan at hindi man lang gaano noon nakausap dahil sa trabaho.
"Nandito po siya sa Batangas, gusto niyo po ba siya makita Lola?" Tanong niyang muli.
Tumango muli ito.
"Hayaan nyo Lola, pagbalik ko po dito kasama ko na siya. Alam nyo po bang hindi na ako pasaway sa kaniya. Hindi narin po kami nag-aaway at nag aasaran. Mahal na mahal po namin ang isa't-isa gaya po ng pagmamahalan nyo ni Lolo noon" aniya.
Nakita niyang umiiyak rin ang Tiya Lucia niya. Alam niyang nahihirapan na ang Lola niya. Hindi niya alam na ganito na pala kalala ang sitwasyon nito, ayaw nitong magpadala sa doktor kaya maintenance na lang ang iniinom niya. Sa tagal tagal ng pagsisilbi niya kina Don Paulo at pag-aalaga sa mga Apo nito alam niyang pagod na din ito at nais ng makapag pahinga. Niyakap niya muli ito at Niyakap niya rin ang Tiya Lucia niya. Bumalik siya sa Lola niya at pinahawakan ang tiyan niya. Umiiyak lamang ito habang may matipid na ngiti ang sumusungaw sa tuyo't na labi nito.
YOU ARE READING
The Cherished Promise [Completed]
Romance[R-18/Tag-lish story] Pitong taon pa lamang si Criza Mercado ng tumira siya sa Mansyon kasama ng Lola Minda niya dahil doon ito nagtatrabaho sa loob ng apat na dekada.Kinupkop siya ni Don Paulo at pinag-aral.Sinasaktan kasi siya ng Stepmother nya at...