Hindi nakatulog si Criza matapos mangyari ang mga naganap kani-kanina lamang madaling araw. Pasado ala-siete na ng umaga ngunit hindi man lang siya dinalaw ng antok. Lumabas siya ng kaniyang kwarto at tumungo sa kusina. Nadatnan niya ang kaniyang Lola na abala sa paghahanda ng makakain.
"Lola, tulungan ko na po kayo" aniya
"Sige apo, at ihahatid ko na muna ito kina Don Paulo at Lyle" anito
Nakaramdam siya ng kaba. Parang may daga na naglalaro sa kaniyang dibdib ng marinig ang pangalan ng binata. Naalala niya ang mga nangyari kaninang madaling araw. Ano na lang ang magiging reaksiyon nito kapag nagkita sila? O maging siya?
Ipinagpatuloy ni Criza ang iniwan ng kaniyang Lola. Nag-gayat na lamang siya ng kamatis, dahil sa lalim ng kaniyang iniisip nataga siya ng kutsilyo. Hindi naman ganun kalalim ngunit mahapdi iyun. Hinugasan niya iyun at saktong dumating ang Lola niya.
"Apo sabi ni Don Paulo,pumunta ka raw doon. Susunod na lamang ako at tatapusin ko muna ito" Anito sa kaniya, hindi nito napansin na nasugatan siya
Pinapapunta? Kumuha na lamang siya ng kapirasong tela at itinali iyun sa kaniyang hintuturo. Biglang nangimi ang buong katawan niya ng maaninag si Lyle na nakaupo sa hapag- kainan.
"Criza hija. Join us" alok ni Don Paulo sa kaniya ng makita siya
Ngumiti siya at naupo. Magkaharap sila ngayon ni Lyle. Dumating ang Lola niya upang ihatid ang vegetable salad na ginawa nito. Tumayo ito sa likod niya at inayos-ayos ang buhok niya.
"So, how's the Prom?" Pagbubukas usapan ni Don Paulo
Agad na nagkatitigan silang dalawa. Hindi makatagal si Criza sa titig ni Lyle kaya siya na ang unang bumawi ng tingin dito. Ibinaling niya ang tingin kay Don Paulo.
"O-okay naman po, nag enjoy po ako. Maraming salamat po pala dahil pina-attend niyo ako" aniya
"Anong oras kayo nakauwi?" Tanong muli nito
Hindi tumutugon si Lyle. Marahil ay hindi parin niya gasinong napapatawad si Don Paulo sa pagsisinungaling nito sa kaniya. Napilitan lamang niya ito lapitan upang kausapin na pasalihin si Criza sa nasabing Prom Night. Ngunit back to normal na naman ang trato nito sa kaniyang Ama. Napipilitan lamang ito na magsalita o ngumiti kapag may kailangan.
Tumingin si Criza kay Lyle na patuloy lamang ang pagkain. Hindi umiimik, kaya inulit ni Don Paulo ang tanong. At deretsahan niya iyong sinagot.
"Alas-tres po ng madaling araw" maikling tugon niya
"Anong masasabi mo Lyle kay Criza nung gabing iyun, huh?" Pangatlong tanong nito
Parang question and answer kung magtanong si Don Paulo. Natigil siya sa pag-iisip ng magsalita si Lyle.
"She's so beautiful that night. Isinayaw ko siya buong magdamag" anito habang hindi nag-aangat ng tingin at patuloy lamang sa pagkain
Dahil sa ikinikilos ni Lyle tiyak na napansin na iyun ni Don Paulo na malaki parin ang tampo nito sa kaniya
"Lyle, i'm so sorry about sa mga kasinungalingan ko. Sana mapatawad mo ako anak"
"Papa, ayus na iyun. Kalimutan na natin yung mga nangyari. Matagal ko ng kinalimutan si Mama" anito ng tumingin ito ng deretso sa Papa niya
Tumango si Don Paulo. Lihim na napangiti siya maging ang Lola niya. Sa wakas ay sumagot na rin ito sa kaniyang Ama. Marihap rin kasi ang role ni Lyle, nagpapanggap siyang masaya kapag kaharap niya ang Papa niya. Hindi niya pupwedeng isisi ang lahat sa kaniyang ama. Kinakailangan niya rin magpatawad. Ngunit hindi pa siguro ito ang oras para mangyari ang bagay na iyun. Namapatawad ng lubusan ang kaniyang mga magulang at wala ni-isang kinikimkim na galit sa mga ito.
Ff..
Nag pipinta si Criza sa labas malapit sa garden. Dahil mahilig talaga siya sa Arts sumubok rin siyang magpinta ng kung ano-ano. Nakita niya si Lyle na may kausap sa cellphone. Naninibugho siya kapag hindi sila nagkaka-usap o nagkakasama ni Lyle kahit na nasa Mansiyon pa ito lagi. Lumingon ito sa gawi niya at isang poker face lang ang nakita niya. Pagkuwan ay umiwas rin ito agad ng tingin. Hindi niya alam kung bakit ganun si Lyle ngayon. Sapantaha niya ay umiiwas ito sa kaniya. Pero bakit?
Ff..
Dahil sa puyat magmula nung Prom Night at nung makaraan ang dalawang araw, tinanghali na naman siya ng gising. Paglabas niya ng kwarto,nakita niya si Lyle na kadadaan pa lamang sa silid niya. Hindi na niya ito nagawang tawagin pa. Tinitigan niya ito kung saan patutungo, ngunit nabigla siya ng bumalik ito at magtama ang tingin nila. Nataranta siya ng kaunti ngunit agad na nakumbinsi ang sarili na huwag magpahalata na kabado siya.
Ngumiti ito sa kaniya ng bahagya. Tinawag niya ito at lumapit siya.
"Lyle, saan ka papunta? Bibisitahin mo ba yung Restobar niyo dito?" Tanong niya at pinatatag ang boses
"Oo. Mauna na ako" maikli nitong tugon
Parang hangin na mabilis itong nakaalis kaagad sa harapan niya. Naging tuod siya. Nakaramdam ng kirot sa dibdib. Hinabol niya ito ng tingin, marahil ay late na ito kaya nagmamadali. Ngunit bakit parang may kung anoman ang bagay na kumirot sa kaniyang puso. Umiiwas ba talaga siya?
Kinalimutan na lamang ni Criza ang mga nangyari nung gabing iyon. Disindido na siyang burahin sa ala-ala ang maiinit na damdamin nung gabing iyun. Ngunit parang hindi niya yata kaya, lalo na't ang binatang ito ang kaniyang unang sayaw at unang halik. Hindi ito basta-basta mabubura ng ganun-ganun lang. Marahil ay nadala lamang sila parehas kaya nangyari ang bagay na iyun. Ngunit ang hindi niya matanggap, ng dahil dun ay nabago ang pagiging magkaibigan nila ni Lyle.
Is he mad at me? Did I do something wrong? Why am I hurt? Angil at tanong niya sa sarili. Mga tanong na nais niyang mahanap ang kasagutan. Kasagutan na magmumula lamang kay Lyle.
YOU ARE READING
The Cherished Promise [Completed]
Romance[R-18/Tag-lish story] Pitong taon pa lamang si Criza Mercado ng tumira siya sa Mansyon kasama ng Lola Minda niya dahil doon ito nagtatrabaho sa loob ng apat na dekada.Kinupkop siya ni Don Paulo at pinag-aral.Sinasaktan kasi siya ng Stepmother nya at...