Chapter 13: Prom Night

200 6 0
                                    

Pasado ala-sais na ng gabi natapos si Criza sa pag-aayos. Nagbihis na ito ng kaniyang susuotin sa Prom Night. Red Satin Gown mermaid style ang kaniyang napili kahapon. Ipinares niya iyun sa night away silver ankle strap heels na siyang ipinamana ng kaniyang ina bago ito namaalam.

Susuotin niya lamang daw ito kapag especial ang mga event na pupuntahan niya. Pag kaingatan raw niya ito, at tanda pa niya ang mga binitawan nitong salita nung ibigay ito sa kaniya.

"Cinderella is the proof that a pair of shoes can change your life"

Binigkas niya ito sa harap ng salamin habang pinapasadahan niya ng tingin ang kaniyang sarili. God, am i dreaming? Tanong niya sa kaniyang sarili.

Isang butil na luha ang umalpas sa kaniyang mata at agad na pinahid iyun. Dagdag ang mga accesories ng namayapa niyang ina na ipinamana nito lalong nadagdagan ang kinang niya.

Para siyang si Cinderella mayroong madrastang Stepmother, at two stepsisters. At si Lola Minda niya ang kaniyang fairy god mother, dahil kung hindi dito hindi niya makikila ang pamilyang Villaceran.

Para akong isang prinsesa na hinihintay na ng aking prince charming sa labas ng gate.

Agad na napailing siya at lihim na pinagalitan ang sarili dahil sa mga pagpapantasya ng kaniyang imahinasyon.

Nasa labas na si Lyle at inaantay na siya nito. Nauna na itong magbihis. Bago pa man siya lumabas, tiningnan niya muli ang kaniyang repleksiyon sa salamin, at doon ay iginuhit ang mga matatamis na ngiti sa labi. Minsan lamang siya makadalo sa ganung sayawan at first time niya iyun kaya sasamantalahin na niya ang pagkakataon upang maging masaya siya sa gabing iyun.

Lumabas siya dala ang matatamis na ngiti at bumungad sa kaniya sina Don Paulo at Lola Minda niya. Nakangiti ito parehas sa kaniya.

"Napakaganda mo Criza, lalo kang kuminang" papuri ni Don Paulo

"Dahil po iyun sa mga alahas at gown" biro niya

"Hindi hija, sadya kang maganda kahit sa anong bihis mo. Youre such a treasure na dapat ingatan kung alam mo lang" ibinigay nito ang braso at iniabot sa kaniya, nagtaka siya sa ginawa nito

"Humawak ka sa akin hija, ihahatid na kita kay Lyle" masayang turan nito, ipinulupot na niya ang kaniyang kanang kamay at sinimulan na nilang maglakad

"Ikaw na muna ang bahala kay Lyle hija. Masaya ang loob ko dahil siya ang napili mong date sa gabing ito" anito habang inihahatid siya kay Lyle

Nakita niya si Lyle na umaapaw ang kagwapuhan sa suot nitong Notch Lapel Tuxedo black. At lalo itong umangas dahil hinihintay siya nito sa kaniyang kotse na Black Honda Civic Car.Lyle's looking in her way, bigla siyang kinabahan ng ngumiti ito ng matamis.

"Lyle, ikaw na ang bahala kay Criza, ingatan mo siya" bilin ni Don Paulo bago tuluyang iwan sila

"You look so beautiful tonight, Criza" puri nito, biglang nag-init ang pisngi niya at lihim na napangiti

"Ikaw rin Lyle, napaka-gwapo mo" aniya

"Shall we go" nilahad nito ang palad at agad niya iyong hinawakan. Pinagbuksan siya ng Passenger seat door. At tuluyan na silang umalis.

Napaka gentleman nito sa kaniya. Napaka suwerte niya ng gabi iyun dahil i-prinisita nito ang sarili para maging escort niya. She feels Lyle looking at her. Tahimik lang sila buong biyahe at ng makarating na sila sa kanilang School, napaka engrande ng bihis ng event na ito. Malaki naman ang espasyo sa kanilang School kaya hindi na siya magtataka kung magkakasiya sila dun. Tradition na talaga ito ng mga taga Bright Star, na dito idaos palagi ang nasabing Prom Night.

Inakay siya ni Lyle papunta sa isang table. Dun niya nakita sina Joyce, Jessa, at Jirah na napakaganda sa kani-kanilang suot na gown. Naupo sila sa tabi nito at saglit na tumungo muna si Lyle sa kaniyang mga kaibigan na karatig table lang din nila. Nagkwentuhan silang apat, at kinilig sila sa kanilang dalawa nang malaman ng mga ito na si Lyle ang Escort niya. Puro papuri ang mga narinig niya dito tungkol kay Lyle.

"He's so handsome Criza, bakit hindi na lang siya ang matipuhan mo?" Ani jirah

Sabay na tumango sina Jessa at Joyce. Umalingawngaw ang kantiyawan ng mga ito. Siya naman ay tahimik lamang na nakikinig. Saglit na nawala si Lyle sa paningin niya,mukhang magsisimula na ang event ngunit wala ito sa tabi niya. Lumapit na ang ibang lalaki sa mga kaibigan niya at nakiupo rin sa table nila ngunit si Lyle ay ni anino ay hindi niya makita.

Biglang namatay ang ilaw at napalitan iyun ng purple up lightning effect at dun pumainlang ang sweet song. Nahigit niya ang kaniyang hininga ng makita si Lyle na may hawak na red flower boquet at iniabot iyun sa kaniya. Tinanggap niya iyun, inilahad nito ang palad upang aniyayahan siya sa pag sayaw.

"Shall we dance?" Anito

Inabot niya ito at banayad siyang itinayo nito. Nagkatiyawan ang mga tao roon maging ang mga kaibigan niya. Pinaka-titigan niya ito at ganun rin ito sa kaniya.

He took her hand to put it on his shoulder. He pulled her waist closer to him. At halos magdikit na ang kanilang mga mukha ng sandaling iyun. They were close to each other. She heavenly smell of citrus scent that tickled her imagination. Marahil ay likha ng after shaved o cologne na ginamit nito. Halos sumabay sila sa chorus na kanta ng 'NSYNC'.

And I will take you in my arms
And hold you right where you belong
'Til the day my life is through
This I promise you
This I promise you.

Buong magdamag siya isinayaw ni Lyle. Ni kahit kaibigan na lalaki ay ayaw siyang pahawakan rito. Lalo na si Gabriel na tumangkang akitin ito na sumayaw.Si Lyle ang sumasagot sa pa-anyaya ng mga lalaking nakapila rito upang isayaw siya. Nang makaramdam siya ng panunubig, sinamahan siya nito sa ladies Room. At ng ito naman ang makaramdam sinamahan niya rin ito sa Mens Room. Napakasaya ni Criza ng gabing iyun.

"Ang haba ng hairlalu mo girl" biro sa kaniya ng mga kaibigan niya

"Kanino itong sapatos?" Tanong ng Mc habang hawak ito, natigilan silang lahat

Nakita niyang wala ang isang pares ng kaniyang sandals, hinubad niya kasi iyun saglit dahil hindi siya sanay sa heels ngunit hindi niya namalayan na nawawala na pala ang isang kapares nito, agad na nagilalas siya ng kuhanin iyun ni Lyle maging ang Mc ay di makapaniwala. Naiwan na naka-awang ang mga bibig ng mga ito, maging siya.

Lumuhod ito sa harap niya at kinuha ang paa niya at maingat na isinuot iyun sa kaniya. Ngumiti siya at aaminin niyang nakaramdam siya hiya pero at the same time mas umapaw ang 'kilig ng sandaling iyun'.

The Cherished Promise [Completed]Where stories live. Discover now