Nasa kwarto ngayon si Criza, at patuloy na pinag-aaralan ang pagguhit para sa nalalapit na labanan sa susunod na linggo, para sa Buwan ng Wika. Nakailang ulit na si Criza at halos mapuno na ang trash can niya dahil sa dami niyang mali.
"ANAK NG TIPAKLONG!! Namali na naman ako!" barinong turan niya dahil namali na naman siya sa pag kukulay
Sa halip na kulay dilaw ang maikulay niya sa araw, ang nangyari ay naging asul ito.. na dapat ay sa langit maikukulay.
Criza naman bakit kaba lutang?
Dahil ba sa pag-amin sa iyo noon ni Gab, na gusto ka niya? At kahit hindi mompansinin ay magpapatuloy parin siya sa panliligaw? Ang labo mo naman, mag concentrate ka!Pangaral niya sa sarili. Bakit nga ba kasi nalulutang siya.Halos kanina pa siyang ganyan sa classroom. Natural na madami sa kanyang nagkakagusto dahil matalino siya at maganda.Kinamot niya ang kanyang ulo na style bruha, humugot siya ng malalim na hininga upang ikalma ang sarili, hanggang sa maitama niya ang pagkukulay para matapos na ito.
"Sa wakas!" Sambit ni Criza pagkuwan ng matapos na ito sa pagkukulay
Itinaas niya ito sa kisame at pinagmasdan, naisip niyang ipakita iyun kay Lyle para magbigay ito ng opinyon. Alam niyang narito na si Lyle dahil Half-day lang ang mga ito at nagpaalam na dederetso ito sa Mansiyon.
Dati-rati kasi ay hindi ito dumeretso kapag half-day, palagi niyang kasama ang kanyang barkada.Kung hindi ito pumupunta sa Computer Shop nasa Mall naman ito, at madalas ginagabi ito ng pag- uwi. Pasalamat na lamang siya at hindi siya nahuhuli ni Don Paulo at ng Lola Minda niya, at pasalamat siya dahil si Criza lang ang nakakaalam ng sikreto niya. Mag ka-kontsaba sila.
Dali-daling lumabas si Criza sa pinto ng kwarto niya dala-dala ang isang type writing na may drawing na ginawa niya. Halos ang lakad niya ay parang isang limang taong gulang na excited bumili ng ice cream, may pakembot-kembot pa ito habang tinutungo ang silid ng binata, dahil excited siyang ipakita iyun kay Lyle.
Pagbungad pa lamang niya sa tapat ng kuwarto ni Lyle, nakita niyang naka-kawang ang pinto. Itinulak niya iyun at dahan-dahang binuksan. Natatandaan pa niya ang sinabi ni Lyle na maaari siyang pumasok kapag bukas ang pinto dahil handa itong mag-paistorbo.
Saglit siyang napatingin sa kabuuan ng kwarto ni Lyle iniuli niya ang paningin, ngayon na lamang ulit ito nakapasok roon. Tanda pa niya ang unang pasok niya doon, nung kumain sila ng Cake at naglaro ng video games nung Graduation ni Lyle nung Elementary. At ngayon ay nakapasok muli siya, halos walang ipinag-iba ang kwarto nito. Ganun parin kakalat, at ganun parin ang style ng mga gamit.
Wala sa loob ng kwarto si Lyle, marahil ay nasa kasilyas ito.Talagang mayaman sina Lyle, yun ba namang may banyo sa loob ng kwarto samantalang siya sa probinsya nila, kahoy ang dingding ng kasilyas at malayo pa iyun sa bahay nila.
Napansin niyang bukas ang Window ng Computer ni Lyle, kaya agad niya iyung tiningnan kung ano ang huling ginawa nito sa Computer.Laking pagkabigla niya ng makita ang mga babaeng ibinubulgar ang kanilang pagkatao. Halos mga walang saplot ang nga naroroong pictures at video na naka saved.
Tiningnan niya isa-isa at halos lahat talaga ay ipinapakita ang pagkababae. Nahigit niya ang kaniyang hininga dahil sa natuklasan, at lalong siyang nabigla ng makita niya si Lyle na lumabas sa Cr kasama ang babaeng walang pang-itaas. Bagama't may pang ibaba ito na underwear, wala naman itong saplot sa itaas na kitang-kita ang malalaki at namimilog nitong dibdib na halos MISSSING IN ACTION TALAGA!.
YOU ARE READING
The Cherished Promise [Completed]
Romance[R-18/Tag-lish story] Pitong taon pa lamang si Criza Mercado ng tumira siya sa Mansyon kasama ng Lola Minda niya dahil doon ito nagtatrabaho sa loob ng apat na dekada.Kinupkop siya ni Don Paulo at pinag-aral.Sinasaktan kasi siya ng Stepmother nya at...