Naupo si Gab sa tabi niya dahil bakante na yun. Alas-kwatro na ng hapon. Maya-maya pa'y dumating na ang banda na marahil ay kakanta sa gabing iyun.
"Criza, inom ka naman diyan. Isa lang" pilit ni Gab sa kanya
"A-ayaw ko hindi nga ako umiinom Gab" mahinahon na aniya na pilit itinutulak ang iniaabot na beer
"Isa lang please" pagmamakaawa niya
Naagaw pansin nila ang lahat ng tao roon, pati mga kaibigan nito na inaabangan ang banda sa may bandang unahan malapit sa stage, agad na ni-cheer siya ng mga ito para uminom ng beer. Maging ang mga kaibigan niya ay nais siyang painumin.Nagsisipalakpakan pa sila habang isinisigaw ang pangalan nito.
"Criza, criza, criza..iinom nayan!! Iinom na iyan" tanging sigawang naririnig niya kaya agaw pansin siya sa eksenang iyun
"Look, hindi kana bata.This is the time to have fun. Minsan lang ito kaya, please " pag-aarok ni Gab
"Sige na Criza wag ka naman kill joy!" Sigawan ng mga kaibigan nito
"Shhh, Quiett iinom na si Criza" aniya at ibinaling muli sa kanya ang tingin
Criza huwag mong iinumin yan, yari ka sa lola mo sinasabi ko saiyo.
Paalala niya sa sarili. Ngunit kalaunan ay pumayag siya. Uminom siya ng beer, medyo napaitan siya ngunit bakas sa mukha niya na masarap naman. Pinahid niya ang kanyang bibig. Maya maya pa'y inaabutan na naman siya ni Gab. Hindi na siya nakatanggi, nilagok niya iyun na deretsuhan.
"Aghhh" napaismid siya halos masinok-sinok siya.
Medyo sumasakit na ang ulo nya dahil marami-rami na rin siyang naimom.Nakatuon ang dalawang siko niya sa table habang sapo niya ang nag-iinit na pisngi.Hindi kasi siya sanay uminom ng alak dahil first time niya iyun. Mababa siguro ang tolerance niya pagdating sa alak, kaya ganun na lang kadali ang naging epekto nito.Lumapit sa kanya si Jessa,namalayan na lamang niya na kinulbit siya nito.
"Bes, ayus ka lang?" Tanong nito na agad niyang nilingon
Tumango-tango lamang si Criza bilang pagtugon. Pakiramdam niya wala siya sa kanyang ulirat.Hindi na niya namamalayan ang kaniyang ginagalawan,maging ang taong lumalapit sa kaniya.Medyo nakakaramdam narin siya ng antok.
"Gusto mo bang mag-pasundo?" Pagkuwan ay tanong muli nito sa kanya
Hindi na siya nakasagot, bagkus ito'y isinubsub ang sarili sa lamesa.
Ff...
Unti-unting inangat ni Criza ang kanyang mukha dahil sa narinig niyang malamlam na boses.
"Criza tara na, uwi na tayo" mahina at may malambing na tono
"L-lyle, b-ba't ka nandito? Paano ka nakapunta?" Ngiti-ngiti niyang turan sa binata
Sinusundo na pala siya ni Lyle pabalik ng Mansiyon.She suddenly felt that Lyle wrap his arm around her back and behind her knee. Then she lifted him up and brought her close to his body.
Isinakay siya nito sa kotse.Si Lyle ang nag-drive nun. Mga ilang minuto pa ng tumigil ito sa isang maliit na convience store. Bumababa ito at sinundan niya ito. Nang makita siya nito pilit na pinaupo siya sa isang tabi.
"just sit down, I'll buy you some water" utos nito
Naupo naman siya, medyo humihikab-hikab na siya. Tiningnan niya ang kaniyang cellphone at pasado alas-nuwebe na.
"Hey, uminom ka muna" rinig niya mula sa malapit, nakabili na pala si Lyle ng tubig at iniabot nito sa kanya.
"Lyle...isusumbong mo ba ako kay Lola" halos nakapikit niyang turan
Napatawa si Lyle, dahil kakatwa naman talaga dati-rati siya ang nagtatanong nito ng mahuli siya sa kalokohan niya at ngayon naman ay ito na ang nagtatanong. At mukhang lasing na lasing talaga ito.
"Bakit ka uminom, di'ba mahigpit na ipinagbabawal ni Lola Minda na huwag kang iinom ng alak?" Seryosong turan nito
"Si Gab kase e, pinilit niya ako at isa pa yung huli kong ininom juice lang naman e" busangot na sagot niya
"Juice? E ba't ka nag kaganyan, mukha kang sabog" di makapaniwalang turan nito
"Rum"mahinang aniya
"A-ano? Anong sabi mo Criza?" Inilapit niya ang kanyang tenga sa bibig nito upang marinig ang mahinang tinuran nito
"RUM!!!!!!" Sigaw nito kaya't napalayo si Lyle at kinamot-kamot ang tenga
Halos mabingi na siya sa sobrang lakas ng sigaw nito. Para yatang tumalon ang kaniyang tutuli sa sobrang pagkabingi niya. Hindi niya alam na ganito pala ito malasing mabilis maubos ang pasensya.
"What the hell are you Criza, sasagot ka na nga lang sumigaw ka pa.Anong sabi mo "Rum" ang brand na ininom mo?" Tanong muli nito
Nag-isip ito kung anong klaseng alak yun. Nagilalas siya ng maisip niya.
"Grabe ka, Rum pa talaga ang natipuhan mong inumin. Alam mo bang mabilis at malakas makatama nun. Para nga siyang juice pero..malakas ang sipa nun Criza" manghang-mangha nitong turan
"Nasusuka ako Lyle" nanghihina nitong sagot muli
Nataranta si Lyle,pagkuwan ay napa-duwak na nga ito sa tabi at hinagod-hagod ni Lyle ang kaniyang likod, agad na binigyan siya ni Lyle ng tuxedo jacket dahil masyado ng malamig sa labas. Pinapasok na niya ito sa loob ng kotse at iniuwi na.
Nakatulog na si Criza sa kotse dahil sa sobrang antok. Pinagmasdan siya ni Lyle at tila isang magandang dyosa ang natutulog ng mga sandaling iyun.Naisipan niyang itanong rito kung sino si Gab.
"Criza, sino pala si Gab na sinasabi mo?" Tanong nito, ng pumihit ito na ipinahiwatig na nagising ito saglit
"Friend ko" mahinang tugon muli nito
"Nanliligaw ba siya sayo Criza? Manliligaw mo ba siya?" Tanong uli nito
Hindi ito tumugon. Lumapit si Lyle sa tenga nito upang bumulong.
"Criza, manliligaw moba siya?" Bulong nito
Hindi inaasahan ni Lyle na bigla itong pipihit muli kaya muntikan ng sumayad ang labi niya sa labi nito. "Oum" tugon nito. Agad na napangiti siya at napasandal sa passenger seat. Bigla siyang nakadama ng hindi maipaliwanag na naramdaman.
Bat ako napa-ngiti? Sh*t! Ang ganda niya! Turan ng kabilang bahagi ng isip niya
YOU ARE READING
The Cherished Promise [Completed]
Romance[R-18/Tag-lish story] Pitong taon pa lamang si Criza Mercado ng tumira siya sa Mansyon kasama ng Lola Minda niya dahil doon ito nagtatrabaho sa loob ng apat na dekada.Kinupkop siya ni Don Paulo at pinag-aral.Sinasaktan kasi siya ng Stepmother nya at...