Chapter 26: I will prove it

200 4 1
                                    

"Good Night Kuya Lyle. Good night Ate Criza, have a sweet dreams" sabay -sabay na sabi ng mga bata.

Eight Pm na. Hindi na sila nakauwi pa dahil nalibang sila sa pakikipaglaro sa mga bata pagkatapos ng tanghalian. Maagang pinatulog nina Sister Felly ang mga bata para lumaki raw kaagad ang mga ito.

"Sige po Sister mauna na po kami ni Criza. Maraming Salamat po" paalam ni Lyle ng makapasok na ang mga bata sa kani-kanilang mga silid.

"Teka gabi na hijo. Bakit hindi na lang kayo dito matulog? May isang kwarto pa dun sa taas" sabi ni Sister Felly

"Oo nga naman hijo, bukas na lamang kayo bumyahe ni Criza. Alam namin na napagod kayo kanina sa pakikipag-laro sa mga bata" sabi naman ni Sister Emily

Tumingin sa kaniya si Lyle at masusing tiningnan siya nito kung payag bang magpalipas na lang sila dito ng isang gabi.

"S-sge po Sister Felly, Sister Emily. Dito na lang po kami magpapalipas ng gabi" siya na ang sumagot dahil mukhang nagdadalawang isip pa si Lyle

Hinatid sila ni Sister Emily sa taas habang si Sister Felly naman ay binisita ang mga bata kung natutulog na.

Tumambad sa kanila ang isang maliit na kwarto na pang-isang tao lamang. Malinis naman iyun pero iisa lamang ang kama at kumot. Sa palagay niya ay kasiya naman dun ang dalawang tao pero hindi niya maisip kung papaano sila matutulog kung iisa lamang ang kama.

"Sa sahig na ako Criza, matulog kana at maaga pa tayo bukas" anito pagkuwan

Iimik na sana siya ng bigla itong nahiga sa walang latag na kahit ano sa sahig. Binigay niya ang kumot dito para hindi ito ginawin.

"Wag na. Sa'yo na lamang iyan. I know you need that more, dahil lamigin ka"

"Pero malamig sa sahig Lyle baka magkasakit ka" concern niyang sabi.

"I'm okay. You have nothing to worry about" anito habang nakapikit

Nahiga na siya sa kama pero hindi siya dalawin ng antok. Baka ayaw lang talaga ni Lyle tumabi sa kaniya dahil nahihiya ito at binibigyan siya ng respeto bilang babae. Pero matagal pa ang magdamag tiyak na lalamigin ito lalo na't wala itong latag na kahit ano sa sahig. Tumagilid siya at ini-angat ng kaunti ang kaniyang ulo para tingnan si Lyle.

Ang pwesto nito ay parang fetus na baby, nakabaluktot habang  yakap-yakap ang sariling tuhod at tanging black coat niya lang ang ginawang kumot nito. Wala itong unan kaya siguradong masakit para dito ang mahiga sa sahig, hindi pa man din ito sanay sa ganung higaan dahil anak mayaman ito.

"Lyle, pwede ka naman tumabi sakin, hindi ako makatiis na naririyan ka habang ako ay naririto" sabi niya

Hindi ito sumasagot.

"Lyle, tulog ka naba?" Tanong niya muli

Para siyang tanga na kumakausap ng isang tulog. Tanong siya ng tanong ngunit wala namang sumasagot.

"Lyle,hindi kasi ako mapakali kapag nakikita kitang ganiyan, para kang fetus sa isang tiyan ng isang ina" napatawa siya ng mahina dahil sa pang-aasar niya dito

"Lyle----" natigil siya ng bigla itong bumangon at tumabi sa kaniya.

Inilapit nito ang mukha nito sa kaniya at nagtama ang kanilang mga mata. Umawang ang bibig niya dahil sa pagkabigla.

"Okay naba?" Tanong nito habang hindi pa inaalis ang tingin nito sa kaniya

Napalunok siya bago siya tumango. Tumihaya na lamang siya at umisod ng kaunti papalayo at nagkumot hanggang dibdib niya. Bigla siyang kinabahan, nagpabalik-balik ang tingin niya sa kisame at kay Lyle na himbing ng natutulog.

"Criza, matutulog ka na ba?"

Kulang na lang yata na tumagos ang puso sa dibdib niya ng bigla itong magsalita.

"H-hindi pa, b-bakit?" Tanong niya

Tumagilid ito paharap sa kaniya at napatingin siya. Bigla itong bumangon at nanatiling nakaupo lamang. Isinandal nito ang sarili sa headboard ng kama. Umupo rin siya at isinandal din ang sarili.

"Bakit Lyle, may problema ba?" Tanong niya. Umiling lamang ito.

"Criza, I'm sorry for what I did to you before. Hindi ko alam ang naging pakiramdam ko nung umalis ka. Para akong nababaliw at hinahanap-hanap ka" anito sa seryosong mukha

Hindi siya umimik at nanatiling nakinig lamang  sa mga paliwanag nito. Sawa na siyang makipag-talo, lalo na't tungkol ito sa pinagsamahan nila. Nakalipas na iyon at dapat ay nakalimutan na niya iyun.

"Sinabi sakin ni Papa na umalis ka sa Mansiyon ng hindi nila alam ang tunay na dahilan" patuloy pa nito.

"Past is past Lyle. Ilang years na din ang nakalipas, kalimutan mo na iyun" pag-iwas niya sa usaping iyun at umiwas siya ng tingin

"Criza, can you give me a chance? Gusto kong makabawi man lang sa'yo. Sobra kitang....na-miss" anito sa mababang tono

"Kalimutan na natin ang lahat, Lyle" sagot niya

Alam niyang nakalimutan na niya ito. Sigurado siya, pero bakit parang lumalambot ang puso niya sa tuwing tumitingin siya sa mga mata nito.

"I want to prove that I loved you before. Nagawa ko lang yun dahil sa selos sa inyong dalawa ni Kyle. Believe me Criza, I loved you"

Hindi na ni Criza naiwasang  itago ang sakit na naramdaman ng ibalik ni Lyle ang nakaraan na matagal na niyang ibinaon sa limot. Umalpas muli sa mga mata niya ang luha at hindi niya mapigilang huwag tumulo iyun. Umiling -iling siya para pigilan ang sariling huwag umiyak pero mukhang may sariling buhay ang kaniyang mga luha na pilit bumabagsak.

"Criza, Believe me. Minahal kita noon, nadala lang ako sa selos at galit kaya ko nagawa iyun. Akala ko ikaw ang nagloloko satin kaya gumanti ako. I never imagined that we would come to the point of being apart"

Biglang bumagsak ang mga luha nito kaya mas lalong lumambot ang puso niya ng makita na naman itong umiiyak at nasasaktan.

"Sshhh, Lyle. I know. Hindi lang ikaw ang may kasalanan, ako rin Lyle. Hindi ko naisip kung ano ang mararamdaman mo kapag sumasama ako kay Kyle. Hindi ko intensiyon na magloko dahil kaibigan ko lang talaga si Kyle " aniya

"I'm very sorry Criza, please give me a chance" anito

Nagkusa ang kaniyang kamay para punasan ang mga luha nito. Pinunasan rin nito ang mga luhang umaagos sa pisngi niya. Bakas sa mga mata nito ang pagsusumamo. Tumango siya bilang pagtugon. Binibigyan niya ito ng isa pang pagkakataon para patunayan ang mga sinasabi nito sa kaniya.

Kung si John Loyd Cruz nga ay binigyan ni Bea Alonzo ng second chance, si Lyle pa kaya na mahal na mahal niya kahit naging ganon ang trato nito sa kaniya.


The Cherished Promise [Completed]Where stories live. Discover now