Chapter 29: Who's that stranger girl?

215 3 0
                                    

Nakakailang hakbang pa lamang sila  ay mukhang napagod na kaagad siya. Hindi siya gaano nakatulog kagabi at medyo masakit rin ang katawan niya ngayon.

"Okay lang ba kayo Ms. Criza? Kung pagod na kayo pwede namang bumalik na tayo?" Tanong nito

"No need. Kaya ko pa naman----" hindi niya masyado nasabi ang huli dahil hindi niya alam ang itatawag rito.

"By the way, sino ka nga ulit. Sorry if i forgot" aniya

"My name is Zyra Dimaculangan but you can call me 'Zy'. 4 years na akong nagtatrabaho dito at naka assign ako sa front desk" pagpapakilala nito

"Ikaw pala si 'Zy' nice to meet you. Sana magkasundo tayo" masaya niyang bati

Naglibot-libot lamang sila at nakarating sila sa cafeteria, ikinuwento nito kung papaano mamuno si Don Paulo. Nalaman niyang mabait ito sa mga empleyado, kabaliktaran naman ng kaniyang anak na si Lyle. Matagal na rin palang ipinakilala ni Don Paulo si Lyle sa mga ito na balang araw ay ito rin ang papalit sa pwesto sa pamumuno.

"Ms. Criza paano kayo nagkakilala ni Sir Lyle?" Tanong nito matapos magkwento

Hindi niya alam kung dapat bang niyang sabihin kung papaano sila nagkakilala ni Lyle. Baka magalit lamang si Lyle kapag ikuwento niya.

"Kaibigan kasi siya ng kaibigan ko nung high school, same course din sila kaya nakilala ko siya dahil sa kaibigan ko" pagsisinungaling niya

"Tapos, paano kayo nagkasama at paano ka niya naging asisstant?" Masusi nitong tanong

"Marketing rin kasi ang natapos ko, nalaman kong may company pala sila kaya nag-try akong mag-apply bilang assistant" aniya

"Ah ganun pala. Si Mrs. Fernandez kasi ay matanda na. Nung nalaman niyang namatay si Sir Pau ay pinili narin niyang mag resign, dahil matanda na nga rin siya" paliwanag nito

" 'Sir Pau' pala ang tawag ninyo kay Don Paulo. Si Mrs. Fernandez pala ang dating executive assistant ni Don Paulo" aniya naman

"Huh? Don Paulo?" Naguguluhanng tanong nito

"I mean si Sir Pau, dating executive asisstant niya ay si Mrs. Fernandez" pagtatama niya

Tumango lamang ito. Naputol ang pag-uusap nila ng mag ring ang phone niya at kinuha niya iyon sa bag. Nakita niyang si Lyle iyun. Tumingin siya kay Zyra na nakatingin rin sa kaniya.

"Sagutin mo na Ms. Criza baka importante yan" anito. Sinagot niya ang Phone.

"Nasa cafeteria kasama ko si Zy" aniya sa kausap sa kabilang linya. Matapos ang pag-uusap nila pinatay na niya ang phone.

"Sir Lyle" nagtatakang sabi ni Zy pagtingin niya rito

"Huh?" Tanong niya dito

Sinundan niya ng tingin si Zy at nakita niyang nakatayo sa likod niya si Lyle.

"Let's eat lunch" anyaya nito

Bakas sa mukha ni Zy ang pagtataka kung bakit ganun ang trato ni Lyle kay Criza. Kinuha ni Lyle ang isang kamay ni Criza at inakit na ito palabas. Naiwang namamangha si Zy dahil sa nangyari.

Ff...

"Do i have an appointment?" Tanong nito sa kaniya

"Yes, sir. May event po kayong dapat attend-an para i-meet si Mr. Avelarde mamayang 6 pm sa Aperativo Clubhouse" aniya na nakatingin sa calendar events na ginawa niya

"Ok pupunta tayo. Ano pa?" anito

" Ahmm..wala naman na po Sir" aniya

"Pag tayong dalawa lang, huwag ka nang gumamit ng 'po at opo. Nagmumukha naman akong matanda nan e'" natatawa nitong sabi sa kaniya

The Cherished Promise [Completed]Where stories live. Discover now