Prologo

71 6 0
                                    

Calilah Agatha's

"Mr. Tristan Milandro Laurente, please proceed to window 3. Thank you"

Kaagad kong nabitawan ang hawak kong ballpen nang marinig ko ang pangalang iyon. Kahit parang lalabas na ang puso ko sa dibdib ay pilit akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.

Siya ba iyon? Bakit siya nandito? Bakit kailangang magtagpo pang muli ang mga landas namin?

Anim na taon nang tahimik ang buhay ko. Ayoko na ng gulo. Ayoko nang bumalik sa impyernong pinanggalingan ko sa mga kamay ng lalaking yun!

"Miss? Tapos na po ba kayong mag-fill out ng enrollment form?" napakurap-kurap ako nang magsalita ang teacher na nasa harapan ko. Pinilit ko ang sariling ngumiti at tumango. "Then you can now settle the bills po doon sa cashier. Doon na rin po ibibigay sa inyo ang mga books at uniform ni Raya"

Muli ay nginitian ko siya at tumalikod na. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Maraming tao dahil siguro ay last day na ng enrollment. Nakahinga ako ng maluwag nung wala akong nakitang kahit na katiting na bakas niya.

Pagak na natawa ako at napailing. Grabe talaga ang lalaking yun. Hanggang ngayon ay minumulto pa rin ako. Hindi pa ba sapat ang impyernong pinagdaanan ko sa mga kamay niya noon?

Dali-daling pumunta ako sa cashier para magbayad ng tuition fee. Mahaba pa ang pila kaya napanguso na lang ako habang naghihintay. Ang sakit-sakit na ng katawan ko at antok na antok na rin ako. Kauuwi ko lang galing trabaho at wala pa nga akong tulog pero dumeretso na ako sa dito para ienroll si Raya.

Napangiti ako nang maalala ko ang napakaganda kong anghel. Siya lang talaga ang kapayapaan ko sa masalimuot na mundong ito. Siya lang ang tanging lakas ko para harapin ang mga pagsubok na ibinabato sa'kin ng kapalaran.

Lahat ay gagawin ko para sa kaniya. Kaya nga kahit magkanda kuba-kuba ako sa pagtatrabaho ay gagawin ko para lang maibigay ang lahat ng pangangailangan niya.

"Mr. Tristan Milandro Laurente, please proceed to window 3. Thank you"

Muli ay nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong muli ang pangalang iyon na binabanggit ng kung sino man sa mikropono. Nabitawan ko pa ang plastic envelope na naglalaman ng mga dokumento ni Raya para sa enrollment niya. Tila ba nananadya na umaalingawngaw sa paligid nang paulit-ulit ang pangalan niya.

Andito nga ba siya? Bakit?

Alam kong namumutla na ako sa mga oras na ito dahil sa sobrang kaba. Parang hinuhukay na rin ang tiyan ko kaya hindi ko malaman kung nasusuka ba ako o ano. Nanginginig ang katawan ko at hindi ko alam kung anong gagawin. Pangalan pa lang niya ang naririnig ko pero ganito na ang epekto.

"Miss, are you okay?" tanong sa'kin ng katabi ko sa pila pero hindi ko mahanap ang boses ko para sumagot. Ganito talaga ako pag natatakot.

Natatarantang inabutan naman niya ako ng tubig. Hindi na ako nahiya at kinuha ko iyon saka diretsong ininom. Ang lamig lamig ng buong katawan ko. 

Anong gagawin ng demonyong iyon sa school ng mga inosenteng bata? Pati ba naman ang lugar na ito ay nasakop na niya?!

Literal na tumigil ang mundo ko noong kasabay ng pagtunog ng chimes at pagbukas ng pinto ay pumasok ang taong pinaka kinamumuhian ko. Parang bigla kong nakalimutang huminga.

Seryosong seryoso ang mukha niya habang nakapamulsa. Dire-diretsong naglakad siya patungo sa cashier window at nakipag-usap sa kung sino mang nandoon.

Makalipas ng halos limang minuto ay umalis ito roon at nakapamulsa muling naglakad palabas ng gusali.

What the hell?!

Anong ginagawa niya sa school na ito?

Sa school na papasukan ng anak ko?

- ng anak namin!

..

GalimgimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon