Calilah Agatha's
"Birthday na pala nung kambal bukas ah, anong balak, teh?" tanong sa'kin ni Carlee mula sa kabilang linya kaya napabuntong hininga na lang ako. "First time nilang magse-celebrate na magkasama dapat bongga yun"
Napakamot ako sa ulo ko at saka pabagsak na naupo sa sofa. Kakauwi ko lang galing trabaho. Nakay Tristan naman ang mga bata kaya wala akong kasama dito sa condo. "Ayaw daw nila ng party. Swimming daw ang gusto. Balak ko pa naman sanang ipagpabook ng party sa Jollibee kaya lang mas gusto daw nilang pumunta sa beach"
"Oh? Edi magkasama ulit kayo bukas ni Daddy Tristan?" may bahid ng pang-aasar ang tono ni Carlee kaya napairap ako. Hirap ng di mo physically kaharap. Di mo mabigwasan.
"Wag kang malisyosa. Babantayan ko lang yung mga anak ko." asik ko sa kanya habang pinandidilatan ko siya ng mata pero tinawanan lang ako ng luka.
"Basta wag kang marupok ha. Beach pa naman yun. Maraming nagkakabalikan pag pumupunta sa beach! Update mo na lang ako kung kailan ang binyag ni baby number 3 ha!" pang-aasar pa niya ulit kaya lalo akong nainis. Tinuktukan ko nga yung screen ng phone ko at saka diretsong pinatay ang tawag. Luka-luka talaga.
Napahilot ako sa sintido ko dahil bigla iyong sumakit. Nag-overtime na naman kasi ako kaya puyat na puyat na naman. Nag-iipon kasi ako ng pang matrikula dahil balak kong sundin ang sinabi ni Tristan na bumalik sa pag-aaral sa susunod na semestre. Nag-offer naman siya ng tulong kaya lang ay tumanggi ako. Mga bata lang ang dapat niyang pagkagastusan at hindi ako.
Tumingin ako sa wall clock. 8:00 am na. Dahil nga sa overtime ay hindi ako nakadaan sa school kanina. Siguradong nandoon na sila ngayon at nagkaklase. Miss na miss ko na sila. Sisiguraduhin kong bukas na bukas ay magba-bonding talaga kaming tatlo. Nag-file pa nga ako ng leave ngayong buong weekend para sa birthday celebration nilang dalawa.
Sa sofa na ako nakatulog sa sobrang pagod. Pagkagising ko ay sobrang sama ng pakiramdam ko pero pinilit ko pa ring bumangon. Friday ngayon kaya ako ang susundo sa mga bata.
Medyo late na nang makarating ako sa school ng kambal. Hindi ko sila nakita sa waiting area kaya dumiretso na ako sa classroom nila. Sarado pa ang classroom nila kaya nagtaka ako. Dapat ngayong mga oras na ito ay labasan na nila.
Kinuha ko ang phone ko at balak sanang tawagan si Anita kaya lang ay bumukas na ang pinto ng classroom. Lumabas ang adviser nina Raya at Riella. Awtomatikong ngumiti ito nang makita ako at saka hinila ako papasok sa loob ng classroom.
"Pasok po kayo, Mrs. Laurente" nakangiting paanyaya niya. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako pag naririnig ko yun. Dahil nga sa pinaayos na ni Tristan ang mga documents ni Raya ay nalaman dito sa school ang totoong katauhan niya. Kasama na din doon na nalaman nila na asawa ako ni Tristan Laurente.
Sa loob ay napansin kong mayroon palang munting party para sa birthday ng kambal. Narito sa loob ang lahat ng classmates nila pati ang mga yaya nila at masayang kumakain ng mga pagkaing nakahanda. Advance celebration siguro ito dahil bukas pa naman talaga ang birthday nilang dalawa.
"Thank you po sa pablow-out, Mrs. Laurente" nakangiting sabi ng adviser nila kaya napakamot na lang ako sa ulo ko at alanganing ngumiti. Wala naman akong alam dito dahil hindi ito nabanggit sa'kin ni Anita or ng kahit isa sa kambal. Sila kasi ang tulay namin ni Tristan dahil hindi na nga kami nag-uusap.
"Madam Lila! Buti po at nakarating kayo. Nawindang din ako dito sa pakulo ni Sir Tristan e" bulalas ni Anita nang makita ako habang kumakagat sa lumpiang hawak niya kaya napailing na lang ako. "Kain po kayo"
"Nasaan ang amo mo?" tanong ko sa kanya kaya nagkibit-balikat siya bilang sagot.
"Nasa opisina po siguro. Maagang umalis kanina sa bahay e. Hindi naman nagsabi na may paganito pala. Nagulat na lang kami nang basta na lang dumating dito yang mga pagkaing yan. Ayy, kanina pa po kayo hinahanap nung kambal!"