Kabanata 15

30 4 0
                                    

Calilah Agatha's

"Grabe, Ate! Hindi ako makapaniwalang may asawa ka na" humahagikhik na sabi sa'kin ni Ataliah habang nakatitig siya sa singsing na nasa daliri ko. Actually, pareho kaming hindi makapaniwala na may asawa na ako ngayon samantalang noon ay ayaw na ayaw ko yung thought na magpapakasal ako.

Ninong ni Tristan at siya ding mayor ng bayan ang nagkasal sa aming dalawa. Ang bilis lang ng mga pangyayari dahil pagkatapos na pagkatapos ng bagong taon ay ikinasal na din kami kaagad. Iyon kasi ang kagustuhan ni Don Sofronio. Dapat daw bago kami bumalik ng Maynila ay mag-asawa na kami ng anak niya para wala na daw siyang problema.

Kaunti lang ang bisita namin. Mga ilang kaibigan at kakilala lang dahil hindi naman ganun ka-engrande ang naging selebrasyon. Sabi ni Don Sofronio ay bumawi na lang daw kami sa isang taon, pag ikinasal na kami sa simbahan.

"Masaya ka ba, Ate?" inosenteng tanong sa'kin ng kapatid ko pagkuwan.

Natigilan ako at napatitig sa kanya. Pilit na ngumiti ako at tumango. "O-oo naman, Liah. Bakit mo naitanong yan?"

Nagkibit balikat siya. "E kasi hindi naman kayo magboyfriend ni Sir Tristan pero ikinasal kayo. Naisip ko tuloy na napilitan ka lang para mabayaran ang mga utang natin"

Napaiwas ako ng tingin sa kapatid ko. Bakit kasi masyado siyang observant sa paligid niya? Bakit masyadong matalino itong kapatid ko? "K-kung ano-ano ang naiisip mo, Liah. Mahal ko si Tristan kaya ko siya pinakasalan."

"E ikaw? Mahal ka din ba niya?" gusto kong pagalitan ang kapatid ko dahil sa mga itinatanong niya pero nang makita ko ang kyuryosidad sa mga mata niya ay napabuntong hininga na lang ako.

"Siya ang nagyaya ng kasal sa'kin, Liah. Hindi lang ako ang may kagustuhan ng kasal na 'to" tanging naisagot ko sa kapatid ko kaya inismiran niya ako. Ewan ko ba sa batang 'to. Nung nalaman niyang ikakasal na ako ay ang saya-saya niya pero ngayon ay nag-iinaso siya.

"Sabi mo e. Basta wag muna kayong mag-aanak ha. Nag-aaral ka pa!" nanlalaki pa ang mga mata niya habang nangangaral kaya natawa ako at pabirong binatukan siya.

"Sira! Malamang magtatapos muna ako ng pag-aaral bago ang lahat ng iyon" buti nga di ako pinepressure ng Don na bigyan siya ng apo. Jusko, hindi pa ako handa sa ganun. Isa pa, kailangan ko munang tulungan si Tristan na buuhin ulit ang sarili niya. Iyon naman ang dahilan kung bakit siya pumayag na magpakasal sa'kin.

Kinagabihan ay doon ako dumeretso sa kwarto ko para makapagpahinga na dahil maaga pa kaming aalis bukas. Tapos na kasi ang bakasyon at babalik na naman kami sa reyalidad. Siya, ay aayusin ang problema sa kompanya niya habang ako naman ay mag-aaral.

Habang inaayos ko ang kama ay bumukas ang pinto. Mula doon ay pumasok si Tristan habang kunot na kunot ang noong nakatingin sa'kin. "Bakit ka nandito?"

Napakamot ako sa ulo ko. Hindi naman kasi namin napag-usapan ang set-up namin bilang mag-asawa. Hindi ko alam ang gagawin. Aakto ba kami ng parang totoong couple o pananatilihin lang naming kasal lang kami sa papel?

Lumapit si Tristan sa'kin at naupo sa kama. Inabot niya  ang kamay ko at saka bahagyang hinila ako hanggang makaupo sa tabi niya. "First night natin bilang mag-asawa tapos hindi mo ako tatabihan?"

Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya pero tinawanan lang niya ako. "Calilah, seryoso ako doon sa sinabi kong gusto ko na tulungan mo akong makamove on kaya kita pinakasalan. Asawa na kita ngayon at gusto kong magsimula tayo ng maayos. Kilalanin natin ang isa't-isa at ienjoy ang company ng bawat isa. Please, Calilah. Let's make this work"

Tuluyang napangiti ako sa sinabi niya. Ang sarap sa pandinig ng mga sinabi niya. Hindi na ako nakapagtimpi pa. Niyakap ko siya at sumiksik ako sa dibdib niya. "Yes. Let's make this work, Tristan"

GalimgimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon