Wakas

47 4 1
                                    

Tristan Milandro's

"Laurente, Calilah Agatha Enriquez"

Proud na proud na tumayo ako mula sa kinauupuan ko nang tawagin ang pangalan ng asawa ko. Hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi ko habang nakatitig sa bawat galaw niya sa itaas ng entablado.

"Daddy, ang ganda ni Mama!" rinig kong sabi ni Raya at kagaya ko ay nakatayo rin siya at pumapalakpak. Sa tabi niya ay naroon si Riella na nakatutok ang cellphone sa Mama niya at kumukuha ng videos at picture.

Today is Calilah's graduation day and I am the proudest husband in the world. Seeing her achieve this milestone despite all the struggles she had faced in the past makes me love her even more. It fills me with so much indescribable sense of admiration and joy.

Matapos makuha ni Calilah ang diploma niya ay nagpunta siya sa gitna ng stage para mag bow. Nang magawi ang tingin niya sa pwesto naming mag-aama ay mas lumawak ang ngiti niya at kumaway pa sa amin.

Tandang-tanda ko pa noong unang araw na nakita ko siya. Ganito din iyon noon. Nasa itaas siya ng entablado habang ako ay nakamasid lang sa ibaba at pumapalakpak.

Who would've thought that candidate number 7 will have a great impact in life? That she will give me something in life I never knew I needed.

"Love! I did it! Graduate na ako!" tuwang-tuwang sabi ni Calilah pagkalapit niya sa amin sabay damba ng yakap sa akin. She's so happy, so am I. That's what all that matters.

Sinapo ko ang mukha niya at kinintalan ng halik ang mga labi niya. "Congratulations, love. I'm so proud of you"

May tumulong luha sa mga mata niya kaya mabilis ko iyong pinawi iyon. "Why are you crying?"

Sa kabila ng mga luha ay matamis na ngumiti niya at saka hinaplos ang mukha ko. Matamang tumitig siya sa mga mata ko. "Thank you for supporting me and thank you for believing in me, Tristan"

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at parehong hinalikan iyon. "I'll always got your back, Love. Ako ang number one fan mo, di'ba?"

Ngumuso siya kaya natawa ako at saka hinapit siya para yakapin at kintalan ng halik sa noo. "Mahal na mahal kita, Calilah"

Natawa siya at saka kinunutan ako ng ilong. "Don't tell me, magpopropose ka na naman? Kakakasal pa lang natin three weeks ago"

Napangiti ako nang maalala ko ang araw na iyon. 

Ah, our magical wedding day. 

Ang pinakamasayang araw sa buong buhay ko. Tandang-tanda ko pa kung paano manginig ang mga tuhod ko at halos lumabas ang puso ko sa dibdib dahil sa bilis ng pagtibok nito habang nakatitig ako kay Calilah na naglalakad papalapit sa'kin sa altar.

Parang literal na tumigil ang oras nung araw na iyon dahil wala akong narinig sa paligid habang papalapit siya sa akin. Hanggang ngayon ay parang nananaginip pa rin ako pag naaalala ko yun. It was indeed enchanting. 

"Kung kinakailangang pakasalan kita araw-araw, gagawin ko para wala ka na talagang takas sa'kin" sagot ko sa kanya na kaagad namang nakapagpangiti at nagpailing sa kanya na tila ba hindi naniniwala sa sinabi ko. Seryoso kaya ako. 

Napangiti ako nang ipulupot niya ang mga braso niya sa leeg ko. Matamang tinitigan niya ako sa mata at napapikit na lang ako nang lumapat ang labi niya sa labi ko. "Mahalin mo lang ako araw-araw, Tristan. Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo." 

Hinaplos ko ang pisngi niya at kinintalan siya ng halik sa noo. "Mahal, tanging ikaw. Palaging ikaw lang, Calilah." 

-

GalimgimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon