Calilah Agatha's
"Good morning, Lila! Nasaan si Tristan?" nakangising tanong sa'kin ni Sir Iñaki pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Mukhang nandito siya para sunduin ang amo ko. Hindi pa rin kasi niya kayang magmaneho dahil sa pilay niya.
Tipid na nginitian ko siya at tuluyang pinapasok. Ang bango-bango ng lalaking 'to. Ang preskong tingnan kahit na alas sais pa lang ng umaga. Parang hindi uso sa kanya ang salitang puyat at bangag.
"Ahm, nasa kwarto pa po niya si Sir Tristan" napakamot ako sa ulo ko. "Baka po may hangover pa, halos madaling araw na po tumigil mag-inom e"
Kumunot ang noo ni Sir Iñaki at sumeryoso ang mukha."Umiinom na naman siya?"
Tumango na lang ako bilang sagot kaya napabuntong hininga siya at parang naiinis na kumamot sa ulo niya. "Tsk. Tigas talaga ng ulo. Anyway, patimpla naman ako ng coffee, Lila. May dala akong ilang groceries at bigas diyan. Thank you"
Tipid na ngumiti ako at tumango bago binitbit ang mga plastic na dala niya. Habang nasa kusina ako ay naririnig ko ang pagkatok ni Sir Iñaki sa kwarto ng amo ko. Ilang beses pa siyang kumalampag sa pinto bago ko narinig ang malakas na sigaw ng amo ko.
"Fuck you, Aki! Leave me alone!" Ramdam ko ang labis na iritasyon sa tinig niya.
"Fuck you, too, fucker! Open this damn door. Tangina mo, ibabalik kita sa inyo e!" mukhang naiinis na rin si Sir Iñaki habang kinakalampag pa rin ang pinto. Natatakot tuloy akong baka mag-away pa sila. Ang lalaki pa naman nila kaya sigurado akong hindi ko kakayaning umawat sa kanila.
Wala na akong narinig na sagot mula sa amo ko. Ilang sandali pa ay tumigil na rin ang pagkalampag. Sumilip ako at nakita kong nasa harapan pa rin ng pinto ng kwarto si Sir Iñaki pero nakatutok na ang atensyon nito ngayon sa phone niya. Kunot na kunot ang noo nito habang gigil na gigil na nagtatype sa phone niya.
Napailing na lang ako. Ganito ba talaga silang magkaibigan? Parang normal lang sa kanila ang magmurahan at inisin ang isa't-isa. Paano nila natatagalan ang isa't-isa kung ganun?
Pagkatapos kong magtimpla ng kape ay lumabas na ako ng kusina. Napatigil ako nang marinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Sir Tristan. Mula doon ay lumabas ang amo ko na tanging boxers lang ang suot. Gulo-gulo pa ang buhok nito at amoy na amoy pa ang kalasingan. Masamang-masama ang tingin nito kay Sir Iñaki at nung madaanan niya ito ay basta na lang niyang binatukan. "What the hell is your fucking problem, Aki?"
Ginantihan din siya ni Sir Iñaki ng sapak sa balikat at saka pinanlakihan ng mata. "You're at it again. Bumalik ka na lang sa probinsya kesa magkasakit ka pa dito. Kargo pa kita dito"
Ngumisi lang ang amo ko at tinapik-tapik ang balikat ng kaibigan niya. "I'm okay, Iñaki. Hindi naman ako nalasing kagabi. Namiss ko lang ang lasa ng alak kaya tumikim ako"
Sasagot pa sana si Sir Iñaki nang may mag doorbell. Ako na ang nagbukas ng pinto dahil mukhang nagdedebate pa yung dalawa at walang balak magpatalo sa isa't-isa.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin ang isang hindi pamilyar na lalaki. Alanganing ngumiti ito nung nakita ako. "Nandiyan ba si Tristan at Iñaki?"
Tumango ako at pinatuloy na rin siya sa loob. Kilala naman niya ang amo ko kaya baka kaibigan din nila ito. Mukha namang hindi sila nalalayo ng edad sa isa't-isa.
"Bakit nag-aaway na naman kayong dalawa?" natatawang tanong nung lalaking bagong dating na nagpatigil sa debate nung dalawa.
"Istorbo sa pagtulog ang hayop na yan!" pikong sagot ng amo ko habang nakaturo pa kay Sir Iñaki. Napailing na lang ako. Parang bata.