Kabanata 10

26 4 0
                                    

Calilah Agatha's

"Sure ka bang wala ka ng ibang kailangan?" tanong sa'kin ni Sir Tristan habang pababa ako ng sasakyan.

Unang araw ng klase at ihinatid niya ako dito sa university kung saan niya ako inenroll. Sabi niya ay maganda daw ang unibersidad na ito at talagang sikat ito sa bansa. Mukha nga dahil nakakalula ang tuition fee dito. Nung nakita ko ang resibo nung nag-enrol kami ay muntik na akong mahimatay pero tinawanan lang ako ng amo ko. Edi siya na ang mayaman.

Tipid na nginitian ko siya dahil kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong naghihintay sa'kin sa unibersidad na ito. "Wala na po. Okay na po ako. Salamat po"

Nagpaalam ako sa kanya bago ako tuluyang lumabas ng sasakyan. Pagkababa ko ay napabuntong hininga ako at saka inilibot ang tingin sa kabuuan ng lugar at sa mga mag-aaral. Napakalaki nito at halatang may mga kaya ang mga nag-aaral dito. Halos lahat ay mga nakakotseng magagara. Ang mga gamit nila ay halatang branded at mamahalin. Ang kutis nila ay napakakikinis na parang walang kapeklat-peklat. Good luck na lang talaga sa'kin.

Habang naglalakad ako papunta sa main gate ay ilang beses kong pabulong na naiusal ang pasasalamat sa amo ko at sa pamilya niya dahil nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-aral sa lugar na ito. Nangangakong hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito at hindi ko sisirain ang tiwala nila.

Speaking of Sir Tristan, isang buwan na ang lumipas at tuluyan na ngang gumaling ang pilay niya. Lalo na siyang hindi napipirme sa condo dahil gusto nya ay palaging magtrabaho sa opisina niya. Sa loob din ng isang buwang iyon, hindi na naulit ang pananakit niya sa'kin. Nalaman ko kasing sinumbong siya ni Sir Iñaki kay Don Sofronio kaya malamang ay napagalitan siya ng matanda.

Mabilis ko lang nahanap ang classroom ko. Pagpasok ko doon ay lalong nadagdagan ang kaba ko. Para akong nasa pelikula na biglang nagtinginan sa'kin ang mga kaklase ko nung binuksan ko ang pinto. Hindi naman nagtagal ay nagbawi din sila ng tingin pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pasimpleng pag-irap ng ilan sa kanila. Yumuko na lang ako habang naghahanap ng bakanteng upuan.

Nang makaupo ako sa pinakasulok ay inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Ngayon pa lang nagsisink-in sa'kin na nasa bagong mundo na ako. Yung apat na aircon ng classroom namin kaya sobrang lamig, yung malaking tv sa unahan at yung pag-uusap ng mga kaklase ko gamit ang wikang Ingles. Napakamot ako sa ulo ko. Hindi naman ganito sa probinsya e.

The day went well. Though may kaunting kaba ay masaya pa rin ako dahil nagsisimula na akong abutin ang mga pangarap ko. Siguro sa una lang naman ako mahihirapan at kakabahan pero pag nakapag-adjust na ako dito ay madali na lang ang lahat. Hindi rin naman ako nandito para makipagkaibigan kaya okay lang sa'kin kung wala man lang lumapit at kumausap sa'kin kanina.

Pagkatapos ng klase ko ay lumabas na rin kaagad ako. Kahit gutom ay wala akong balak pumunta ng cafeteria dahil kanina nung silipin ko ang presyo ng bilihin doon ay parang hihimatayin ulit ako. Imagine, ang presyo ng isang sandwich ay makakabili na ng tatlong kilong bigas!

Naglakad ako papunta sa sakayan ng jeep para makauwi na. Gutom na gutom na talaga ako dahil maghapon akong walang kain. May allowance naman na ibinigay sa'kin si Sir Tristan pero ayokong ubusin iyon sa isang araw lang. Nakakahiya. Isa pa, kailangan kong mag-ipon para kapag nagkaroon ng emergency sa bahay ay may maitutulong naman ako kahit papaano.

Laking tuwa ko nang makatanaw ako ng nagtitinda ng tusok-tusok. Okay na iyong pantawid gutom kaya patakbong lumapit ako dun para bumili.

Habang kumakain ako ay may humintong motor sa tapat ko. Ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang tanggalin ng rider ang helmet niya ay pagmumukha ng amo ko ang nabungaran ko. Kunot na kunot ang noo nito habang nakatingin sa'kin. "Bakit iyan lang ang kinakain mo?"

GalimgimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon