Kabanata 20

28 4 2
                                    

Calilah Agatha's

Balisa ako pagkarating ko sa condo unit na tinutuluyan namin ni Raya. Hindi ako pwedeng magkamali. Siya yung nakita ko kanina habang pinapa-enroll ko ang anak ko. Anong ginagawa niya sa lugar na iyon? At bakit narito siya sa Pilipinas? Hindi ba dapat ay nasa ibang bansa siya dahil ngayon ay pinaglalamayan ang babaeng mahal na mahal niya?!

Hindi ko na nagawa pang bawiin ang enrollment ni Raya dahil bukod sa gahol na ako sa oras ay iyon lang ang school na malapit dito sa condo. Ang susunod na malapit ay dalawang barangay pa ang dadaanan. Ayaw ko namang i-risk ang kalusugan ng anak ko. Siguradong mapapagod siya sa byahe pag sa malayo ko pa siya inenroll.

Siguro naman ay hindi na babalik doon ang taong yun. Sa pagkakaalam ko ay nasa Software at Security stuffs ang negosyo niya at wala sa pagkatao niya ang papasukin ang mundo ng edukasyon. Hindi pa naman siguro niya nabibili ang school na yun, di'ba?! Baka nag-install lang ang kompanya nila ng mga cctv's sa school na yun kaya naroon siya. Tama. Tama. Baka ganun nga.

"Mama! Where's my uniform?! Can I try it?" excited na tanong sa'kin ni Raya nang makita ako. Kagagaling lang niya sa kusina. Nang dumating kasi ako ay naroon siya at nanggugulo sa pagluluto ni Ate Mayette. Ang kasambahay nina Carlee na siya ring nag-alaga kay Raya pag wala ako.

Awtomatikong napangiti ako at inabot sa kanya ang uniform niya. Dalawang sets na ang binili ko para palitan at isang pam-PE.

Excited na excited ang anak kong sinuot yun at nung nasuot na niya ay halos mapaiyak ako. Ang ganda-ganda ng anak ko. Bagay na bagay sa maputi niyang balat ang kulay ng uniform niyang navy blue ang skirt at above the knee ang haba. Ang blouse nito ay white na may ribbon ding navy blue. May blazer pa itong navy blue din. Kaagad ko siyang pinicturan at sinend kay Carlee. Tuwang-tuwang naman ang kaibigan ko at sinabing siya na daw ang bahala sa school shoes ni Raya.

Ang sarap sa pandinig ng mga hagikhik ni Raya habang umiikot-ikot siya. Masayang-masaya siya sa uniform niya kaya maging ako ay masayang-masaya din. Gagawin ko talaga ang lahat para hindi mawala ang mga ngiting iyon sa mga labi ng anak ko.

Dumating ang araw ng pasukan nina Raya. Talagang nagleave pa ako sa trabaho para ako na mismo ang mag-asikaso at maghatid sa kanya sa unang araw niya sa eskwela. Hindi ko palalagpasin ang pagkakataong ito.

Pagkarating namin gate ng school nila ay naupo ako sa harapan niya at inayos ang ribbon niya sa blouse. "There you go, baby. Enjoy your first day of school."

Ngumiti si Raya at saka niyakap ako at hinalikan sa pisngi. "I love you, Mama ko!"

Natawa ako at hinalikan rin siya. "I love you too. Basta hintayin mo ako dito mamaya ha. Wag kang lalabas ng gate hangga't wala ako. Don't talk to strangers!"

Nangingiting tumango siya kaya pinangigigilan ko ang ilong niya. "I'm serious, Raya. Don't talk to strangers"

"Okay po, Mama. Sige na po papasok na po ako! Bye bye! I love you ulit" paalam niya sa'kin sabay hila ng bag niya. Hindi ko alam kung bakit pero nangingilid ang mga luha ko habang nakatingin sa papalayo niyang bulto. Ang bilis lumaki ng anak ko.

3 hours lang ang klase nina Raya kaya nagpasya akong doon na lang magstay sa coffee shop na malapit sa school nila. Natatakot kasi akong malate mamaya sa pagsundo at baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. Hindi naman ito ang first time na pumasok si Raya sa school. Nakapasok na siya noon sa Daycare center sa probinsya pero hindi ako masyadong nag-aalala noon. Kapitbahay lang kasi namin ang school at kilalang-kilala ng mga tao doon ang anak ko. Bukod kasi sa gandang-ganda sila dito ay napakabibo pa niyang bata. Minsan ay nagugulat na lang ako na hinahatid na siya ng mga kapitbahay namin pauwi sa bahay pag nahuhuli ako sa oras ng pagsundo.

GalimgimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon