Calilah Agatha's
A year later..
"Calilah?" napalingon ako nang may tumawag ng pangalan ko. Narito ako ngayon at nakapila sa isang fast food chain dahil katatapos lang ng klase ko at kailangan kong mag-uwi ng pagkain dahil baka nasa condo na ngayon ang kambal ko. "Ikaw nga! Kamusta ka na?"
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sinong tumawag sa'kin. Si Oliver. Ang tagal na pala mula noong huling beses na nakita ko siya. Ang gwapo-gwapo niya ngayon at mas mature nang tingnan.
Bahagyang napaatras ako nang yumakap siya sa akin. Alanganing nginitian ko siya at saka pasimpleng lumayo dahil naiilang ako. "Okay naman, Oliver. Ikaw? Kamusta na?"
"Okay lang din naman. Diyan lang ako nagtatrabaho sa construction site sa malapit. Ikaw, nag-aaral ka ulit? Nice" nakakatuwa naman dahil natupad ang pangarap niyang maging Engineer. Balita ko nga noon ay nagtop pa siya sa board exam nila.
Yung mga ka-batch ko ay namamayagpag na sa kani-kanilang career na napili samantalang ako ay narito pa rin at nag-aaral. Pero sabi nga ni Carlee, kanya-kanyang time lang yan. Kahit nga ako ang pinakamatanda sa mga kaklase ko ngayon ay hindi ako nahihiya. Bakit ako mahihiya, para sa pangarap at mga anak ko 'to kaya go lang!
"Oo, ngayon lang kasi nagkaroon ng pagkakataong ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Pero malapit na. Next year ay gagraduate na ako" pagmamalaki ko. Irregular student ako ngayon dahil may mga naiwan akong subjects noon pero okay lang. Nakakaya naman.
"Talaga? Ang galing mo talaga, Lila. Ngayon pa lang ay congratulations na!" nakipag-apir pa siya sa'kin kaya napailing na lang ako.
"Napaka-advance mo namang bumati" natatawang komento ko kaya ngumisi lang siya.
Matapos naming umorder ng take-out ay nagpresinta si Oliver na ihatid ako. Hindi na ako nag-inarte dahil antok na antok na rin naman ako. Hindi ko kasi binitawan ang trabaho ko para may pangsustento pa rin ako sa pag-aaral ko at sa mga anak ko kahit papaano. Nagrequest lang ako ng student-friendly na schedule at dahil matagal na ako sa kompanya ay nakapagbigyan ako. Nakakapagod nga lang pero masaya ako. Totoo ngang pag gusto mo ang ginagawa mo ay hindi ka basta-basta makakaramdam ng pagod.
"Dito na lang, Oliver. Thank you sa paghatid!" paalam ko habang inaalis ang seatbelt ko. Akala ko ay aalis na siya nang makababa ako ng sasakyan pero nagulat ako nang bumaba rin siya.
"Dito ka pala nakatira. Pwede bang dumalaw minsan?" nakangiting tanong niya kaya kinunutan ko siya ng ilong.
"Check ko ang schedule ko. Medyo busy kasi akong tao" biro ko sa kanya kaya natawa siya at pinisil ang ilong ko.
"Mama!" napalingon ako nang marinig ko ang boses ng mga anak ko. Kakababa lang nila sa kotse at patakbo silang lumapit sa'kin. Kaagad ko namang binuka ang mga bisig ko para salubungin sila. Noong nakalapit na sila sa'kin ay sabay ko silang niyakap at hinalikan sa pisngi. Namiss ko sila. Halos isang buwan din silang nandoon sa ama nila dahil sobrang busy ko talaga nitong mga nakaraang linggo. Sunod-sunod ang project and exams ko.
"Woah, ang lalaki na ng mga anak mo, Calilah!" komento ni Oliver habang nakatitig sa mga anak ko.
Kunot-noong tumingin naman sa kanya si Raya. "Mama, sino siya?"
"Tito Oliver ninyo. Ninong nyo sana kaya lang di ko mahagilap nung binyag nyo" biro ko kaya natawa si Oliver at saka umuklo para makapantay ang mga bata.
"Hi, girls. Kamusta kayo?" nakangiting bati niya sa mga anak kong hindi man lang ngumiti.
Ang nakangusong si Riella ay binalingan ako. "Mama, si Daddy ang naghatid sa'min kahit sick siya. Nandoon siya sa car"